Karin pov.
@School@
Papunta ako ngayon sa kulungan ng Amo ko,sino pa ba edi si xander bakla
na bigla naman nagring ung cellphone,sino naman kaya itong istorbo na ito,pagtingin ko Unknown #
09067******
Teka ito rin ung tumawag saakin minsan ahh.
“hello”-ako
Na bigla nalang niya pinatay,Abah!ano ito bastusan!sino ba kasi itong tumatawag saakin nakakainis siya,tuwing sasagot ako bigla niya papatayin,siguro may sira sa ulo iyon,tatawag –tawag pa siya saakin tapos hindi naman siya nagsasalita,Tao talaga iba na talaga ung mundo ngayon.
Nandito na ako ngayon sa tapat ng pinto ng kulungan ni amo,parang nagdadalawang isip pa ako kung papasok pa ba ako dito,ehh kasi naman eh bakit pa naman ako pupunta dito eh..di naman ako pinapapunta dito ni xander.
“oh?karin napapunta ka ata,kung si xander ung hinahanap mo wala siya ngayon,absent siya”-vince
Nakakainis talaga siya,hindi man lang niya sinabi na mag-aabsent pala siya ngayon edi sana hindi na ako nag-aksaya ng oras pumunta dito.
“Buti nalang vince sinabi mo,o sige una na ako?”-ako
Ngumiti lang siya saakin at pumasok na siya sa kulungan nila at ako naman bumalik na ako sa classroom,pagka pasok ko umupo na ako,ano ba iyan wala ako magawa,tumingin naman ako sa paligid wala naman si iona,nasaan kaya ung babae na yun?napa buntunghininga naman ako at sinubsob ko naman ung mukha ko sa desk.
Nakakaboring naman ngayon,dahil ba wala si xander ngayon,bakit ganun parang namimiss ko na siya oh my gosh hindi kaya nasanay na ako na lagi niya ako pinapahirapan,kung sa bagay dapat masanay na ako,na bigla naman nag-vibrate ung CP ko.
09067******
“Hoy!pumunta ka dito mamaya sa bahay ko!xander 2”
Ibig sabihin siya ung may sira sa ulo na tuwing magsasalita ako bigla niya papatayin,bakit naman niya ako pinapapunta sa bahay niya,talagang sinusulit niya ung pagiging slave niya saakin.Sinave ko muna ung # niya sa contacts ko,ayan save na.
To:Ate xander
“Bakit naman ako pupunta dyan sa bahay mo?”
After 3minutes
From:ate xander
“Pwede ba huwag ka na magtanong pa!pumunta ka nalang dito mamaya!”
Tignan mo ung ugali nito.
To:ate xander
Eh..kung ayaw ko?
After 2 miuntes
From:Ate xander
“Edi say goodbye sa inyo ng bestfriend mo!”
Ahh?!ano ibig niyang sabihin?
To:ate xander
anong ibig mong sabihin?
after 30 seconds,aba ang bilis niya ata magreplay
From:ate xander
“nakalimutan mo na ba ung deal natin?!pag hindi ka pumunta dito mamaya, tuluyan na kayo maaalis ng bestfriend mo sa school KO!naiintindihan mo?!”
Nanlaki naman bigla ung mata ko,AY!oo nga pala kaya pala ako pumayag maging slave niya para hindi lang kami maalis ng bestfreind ko sa school niya,nakakainis talaga siya!may pagpa black mail na siya saakin.