Chapter 18

29 2 3
                                        


Karin pov.

Hay. Nakakapagod naman pala maghugas na mga plato. Tama kayo nagtatrabaho ako sa isang Mini restaurant,kailangan ko na kasi suportahan ung sarili ko lalo na wala na si lola.

"Tapos ka na ba dyan?" tanung nung boss namin

"Opo,tapos na po." Nagpunas muna ako ng kamay bago lumapit sa boss naming na babae.

"Oh ito una sweldo mo" sabi niya tumango naman ako at binigay ung sweldo ko. Sana mag kasya ito sa lahat na gastusin.

"Salamat po" sabi ko.

Kinabukasan,maaga ako pumasok dahil test na namin at mag rereview pa ako. Mga ilang minuto din nag daan na dumating na ung iba classmate namin at kasama doon si iona,bigla siya lumapit saakin at tumabi saakin.

"Ang aga mo ata pumasok?"sabi niya

"Hindi ako gaano naka review eh,kaya maaga ako pumasok para makapag review." Tango naman niya at binuksan na niya ung libro para makapag review siguro.

Napatingin naman ako sa mga bago dating at syempre kasama na sila xander at umupo na sa kanilang upuan.

Napa ngiti naman siya nung bulong sa kanya si Vincent at pinalo niya ito sa braso,Napanguso naman ako.

Anu naman kaya binulong sa kanya ni Vincent,napaisip naman ako dahil napangiti niya si xander.

"Hoy Karin!" nabigla naman ako nung sumigaw si iona.

"bakit ba?"sabi ko sabay tingin sa kanya.

"Kanina pa kita kinakausap pero hindi ka naman nakikinig at sinu ba tinitignan mo doon ah."sabi niya at sabay tingin sa pwesto nila xander.

Napangisi naman siya at tumingin saakin para nakakaloka.

"Ikaw ah, si xander tinitignan mo nu?"Bwisit niya saakin.

Napa bukaka naman ako ng bunganga at umiling agad.

"Hindi noh! Bat naman ako titingin sa kanyan nu."Medyo pagalit na sabi ko at tumingin sa libro kunwari nag babasa.

"Ayie Deny pa Karin" bwisit pa niya. Tumingin naman ako sa kanya masama at umiling ulit.

Pero kiniliti lang niya ung bewang ko. "May crush ka kay xander nu." Medyo malakas na sabi niya kaya agad ako tumingin kanila xander at patay nakatingin saamin si xander. Baka narinig niya ung sinabi ni iona kahit hindi naman totoo.

"Si Karin may crus-

Hindi ko na pinatapos si iona dahil Tinakpan ko na agad ung bibig niya.

"Anu ba iona,ang ingay mo"sabi ko. Tumawa naman siya. Grabe naman talaga ito babae na ito napaka mapang bwisit.

"Biro lang" Tawa pa niya. Napailing nalang ako sa kanya.

Dumating na ung prof namin at nag simula na kami mag test.

Pagkatapos ng test naming,pumunta muna kami ni iona sa canteen at umupo.

"Feelimg ko bagsak ako sa test" malungkot na sabi niya.

"Ako nga rin eh,hindi naman ako sure sa mga sagot ko eh" Tumango siya pero malungkot pa rin siya,

"Karin sila xander" sabi niya kaya tumingin ako sa likod at tama nga sila nga.

Kaya lang kasama ang kanyang ate naka sabit sa kanya braso at si xander naman mukhang iritado sa ginagawa ng kanyang kapatid. Sila sky naman napapatawa sa likod nila,

Before I Close My EyesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon