Chapter 24
Karin pov
Naglalakad ako ngayon sa may pathway habang may naririnig ako parang nag uusap,parang familiar saakin ung boses eh kaya sinundan ko ung boses,hanggang napunta ako sa may kwarto na medyo madilim pero hindi pa ako nakakapasok hanggang sa may pinto lang ako.
"Diba matagal ko na sinasabi sayo na may gusto ako sayo."
Lumakas na ung boses na naririnig ko,wait parang si anu iyon ah,sumilip naman ako at Tama nga si princess iyon at Sky?
"Pero hanggang kapatid lang ang tingin ko sayo." si sky
Tumalikod na si sky kay cess parang naiinis na siya eh. si cess naman parang konti nalang mapapiyak na.
"bakit mahirap ba talaga ako mahalin ah?!sky!" sigaw na ni cess sa kanya
Humarap naman si sky sa kanya ngayon na tumutulo na mga luha ni cess,hahakbang na sana ako para lapitan sila pero may humablot saakin at syempre medyo napasigaw ako tinkapan naman ung bibig ko.
Napatingala naman ako kung sinu ito.
Agad niya ako inalis sa lugar na iyon at pumunta sa medyo malayo kanila sky. Kumawala naman ako agad sa kanya.
"Ganya ka ba talaga ah,nakikinig sa may nag uusap?" Tanung ni xander
"Hindi ko naman sinasadya marinig ung pinag uusapan nila nu"
"Diba mag bestfriend sila? may gusto pala sa kanya si princess."
"Oo,mag bestfriend nga sila at wala ka na pakielam kung anu man namamagitan sa kanila."
Nag pout naman ako.
"Sige aalis na ako" sabi ko,tumalikod na ako sa kanya na bigla niya kinuha kamay ko at sumabay siya maglakad saakin.
Napatingin naman ako sa kamay namin. Tinatanggal ko ung kamay ko na hawak niya ngayon.
"Anu ba Xander bitawan mo nga kamay ko." inis na sabi ko sa kanya
"Karin!"
Na agad ko naman tinanggal kamay ko kay xander na dumaring si Iona,Nagtaas naman ng kilay si iona na nakita niya kasama ko si xander.
umiwas naman ako ng tingin na umalis na rin si xander. Napa buga naman ako ng hangin.
"Uy bat kasama mo si xander at naka hawak kamay pa?" inis saakin ni iona.
"Nagkasalubong lang kami nu at anu hawak kamay."
"Wag ka nga mag sinungaling Rin,kita kita ko at agad mo nga inalis nung nakita mo ako eh." tawa niya pa.
"Eh siya kasi,bigla nalang niya hinawakan kamay ko ."
"Anu iyon may gusto sayo si xander?" Mas tumawa pa siya malakas. Ihh nakakainis talaga ung babae na ito,iniwan ko na nga lang siya.
"wait Rin,hintayin mo naman ako."
Skyla pov.
Nakaupo ako ngayon sa likod ng campus na ako lang mag isa,gusto ko lang kasi talaga mapag isa. Na bigla may sumulpot na parang may umiiyak kaya tumayo ako at tinignan. Agad ko naman nakita si Ate Princess. Agad ko naman pinuntahan.
'' ate cess bat umiiyak ka?'' Alalang tanung ko at tuluyan ko na siya nilapitan . Nagulat naman siya at agad niya pinunasan ung luha niya. Ngumiti siya saakin.
''Huh? Di ako umiiyak,ano ka ba. Ni hindi nga ako marunong umiiyak e.'' Sabi pa nito pero haba niya sinasabi iyon pumapatak na mga luha niya.
''Anu ba nangyari?'' Sabay hawak ko sa kanya sa braso niya. Umiling naman siya pero umiiyak pa rin siya.
''Hindi ko na alam skyla,maganda naman ako diba? Pero bat ganun bat hirap na hirap siya mahalin ako?! Nahihirapan na ako,sobra nasasaktan na ako. '' Niyakap ko naman siya at pati ako umiiyak na rin. Kasi ganyan din nararamdaman ko. Alam ko ang nararamadaman na nagmamahal ka pero di ka mahal ng tao mahal mo. Pero ito lang ang kaya namin gawin. Kaya kahit anu gawin namin di kami mapapansin ng tao gusto namin.
Maya maya konti. Kumalma na rin si ate cess pero halata malungkot pa rin ito. Sinamahan ko muna siya. Baka kasi umiiyak na naman siya. Si kuya Sky naman kasi eh. Nakakainis siya,hindi ba niya alam na nasasaktan na niya si ate cess. Na bigla ko naman nakita si kuya nakatingin saamin pero alam ko malungkot din ito. Tinignan ko naman si ate cess mukhang nagulat siya aalis na sana siya na bigla siya hinablot ni kuya sky. At tumingin saakin si kuya sumenyas siya na umalis muna daw ako kaya tumango naman ako at iniwan muna sila. Sana naman maging okay sila. Habang naglalakad naman ako nasalubong ko naman si kuya vince,ngumiti naman ako sa kanya na bigla naman sumulpot si kuya ethan kaya napaiwas naman ako ng tingin at tinuloy na ang paglalakad. Ang tama ko nalang gawin ngayon ay iwasan siya,kahit mahirap.
Sky pov.
'' Sorry'' sabi ko. Yan lang kasi kaya ko sabihin sa kanya.
'' Anu ba wala iyon nu.'' Fake niyang ngiti.
'' um. May gusto ka na ba iba?'' Bigla niyang tanung. Di naman ako makasagot baka lalo ko lang siya masaktan.
''anu meron ba?'' Tanung niya ulit. Nabauntong hininga naman ako.
'' Yoon-
'' sige wag mo na sagutin,alam ko naman meron ka na gusto at sana gusto ka rin niya. Sige bye!'' Sabi niya na bigla alis din.
Hay. Anu na ba dapat gawin,di ko na alam.
