Someone else pov.
Ohh yes! Magkikita na ulit kami ni baby ko! Haha. Hi ako Nga pala si Princess Yoona Rojo. 18 years old. Syempre maganda,matangkad,sexy at talented ako babae. Singer kasi ako. Kakauwe ko lang kasi galing Korea,Half Korean kasi ako eh. Kaya ako umuwe dito,kasi si mama at papa dito na daw kami ulit titira at namimiss ko na rin ang mga childhood friend ko na sila Xander,Ethan,Vince,Skyla and of course my only one love,Ang Baby ko si Sky! Matagal na ako may gusto sa kanya bata pa kami. Well hindi nga lang napapansin iyon. Mahilig ko din siya tawagin na Baby at naiirita siya pag tinatawag ko siya ganun. Pero ang sweet kasi pag tinatawag ko siya ganun. Ewan ko ba bat ganun siya,cold siya pagdating saakin pero sa iba napaka saya naman niya. Hay. Well baka hindi lang niya ako gusto.
Ito ako ngayon,naglalakad papunta sa bahay nila baby sky,walking distance lang naman kasi ung bahay namin sa bahay nila. Malapit na ako sa bahay nila,may huminto na sasakyan at bumaba si skyla. Kakauwe lang niya siguro sa school,naka uniform pa kasi siya eh. Lumapit ako sa kanya,napatingin naman siya saakin at nagulat. Ngumiti lang ako sa kanya at niyakap ko siya.
"Kamusta ka na?" kumalas na ako ng yakap sa kanya.
"Ate Princess nakauwe ka na pala." Sabi niya. Tumango lang ako at tinignan siya mabuti. Ang cute talaga ni skyla,mukhang Barbie.
"Andyan ba si kuya mo?" kinikilig na sabi ko.
"Ah oo andito nga siya,halika pasok ka ate princess." Sabi niya at pumasok na kami sa loob.
Pagpasok namin,umupo ako agad sa sofa,ang lambot naman ng sofa nila hihihi.
"Oh skyla bat umuwe ka na?wala ka ba pasok?" si sky.
"may nakalimutan lang ako kuya,sabay na tayo pumasok ulit." Sabi naman ni skyla. Ngumiti naman ako at nagpapansin kasi naman di siya tumitingin sa side ko.
"Baby!" sigaw ko.
Tumingin naman siya at halatang nagulat. Ngumiti lang ako sa kanya.
Karin pov.
Hay. Ang lungkot naman pag wala si iona,ayaw kasi muna niya pumasok sabi niya kasi doon muna daw siya makikitira saakin,magpapalipas lang daw siya ng oras. Tumawag pa nga saakin mama ni iona,tinatanung niya kung kasama ko ba siya. Ayaw naman paalam ni iona na kasama ko siya kasi panigurado pupuntahan daw siya ,kaya iyon nagsinungaling ako na kunwari \ hindi ko alam.
Sa sobra pag iisip ko may tumama nalang saakin na bola. Kaya napahawak ako sa ulo at tumingin saan galling ung bola,pagtingin ko si xander lang pala,naka sando at naka short,na bigla sumunod sila Red na pare parehas sila na damit,pwera lang kay sky,wala ata siya.
"Malas mo naman,ipapasa ko lang sana sayo yan kaya lang sa mukha mo dumeretsyo." Natatawang sabi niya. Tumingin naman ako masama sa kanya.
Be patient Karin,malalampasin mo din ito. Hindi ko nalang siya pinansin dumeretsyo ako ng lakad,nilampasan sila. Hindi kita papatulan ngayon,kaya manahimik ka!
Sa pangalawang pagkakataon,tumama na naman saakin ung bola.
Lumingon ako ulit sa kanila,mukhang natatawa si xander,sila ethan naman walang kibo.
Nagtimpi ulit ako,ayaw ko na ng ayaw. Kaya naglakad ulit ako. Habang naglalakad ako wala na ako nararamdaman na tumatama sa ulo ko,hay. Salamat naman!
"Guys! Long time no see!"
Napatigil naman ako,may babae kasi sumigaw. Kaya lumingon ako.
Wow,model ba siya. Ang ganda naman niya,ung katawan niya perfect.