Karin pov.
Nasa Van kami lahat ngayon,umalis na kami. Katabi ko si iona at skyla. Tulog na tulog si iona,si skyla naman nakatingin sa window mukhang ang lalim ng iniisip niya. Sumandal naman ako sa may window. Sobrang pagod namin sa ginawa namin,pero nag enjoy naman kami kahit papaano haha. Paano kasi second runner up kami ni xander haha. Ang una nakahanp ng flag ay sila sky at vince. Naiinis pa nga si xander gusto daw niya kami dapat nanalo eh. Pero sinapak naman siya ni ate xandra,dahil hindi daw lahat ng gusto niya ay mukukuha lang niya na ganun ganun dapat niya paghirapan diba.
"Guys sinu may gusto?" sabay abot saamin ang pizza.
"Ako" Giliw na sabi ni ate xandra. Sabay abot naman ni sky kay ate. Nasa passenger seat kasi naakupo si ate xandra at ang nagdadrive naman ay si ethan,napagod na daw kasi si Vince eh.
"Ikaw skyla,Ayaw mo?" tanung niya sa kapatid niya. Umiling naman si skyla,sumandal siya at naglagay ng earphone at nakinig ng music.
Tumango naman si sky at parang nagtataka sa galaw ni skyla ngayon. Pati rin ako parang may nag iiba kay skyla. Parang nagging malungkutin siya ngayon.
After ilang hours. Napamulat ako ng mata at nakita ko nag sisibabahan sila.
Tinignan ko naman si iona,wala siya sa tabi ko. Si skyla lang kasama ko ngayon,umalis ata sila lahat. Tulog si skyla siguro sa pagod.
"Karin,para sayo." Biglang sulpot ni ethan na may dalang juice.Inabot niya saakin ito at kinuha ko naman. Naiinom na kasi ako eh hahaha.
"salamat." Sabi ko. May isa pa siyang dala na juice,napatingin naman siya kay skyla.
"Tulog pa pala siya,iaabot ko sana sa kanya ito,pinpaabot ni sky." Sabi niya. Tumango naman ako.
"Napagod siguro." Nakangiti sabi ko. Ngumisi naman siya at pumasok sa loob ng van,nasa harapan ko siya ngayon.
Bigla naman dumating sila ate xandra. Napatingin naman ako kay xander na nakasimangot ngayon. Si iona naman kakwentuhan si sky. Bigla naman sumingit si red sa usapan nilang dalawa,napatigil naman si iona at halatang kinikilig hahaha.
"oh ethan,ikaw ulit mag dadrive?" luko ni vince kay ethan. Umiling naman agad si ethan at pinakita na parang sobra pagod na niya. Napatawa naman si vince,hinagis naman ni ethan at susi kay vince at nag sipasukan na sila. Pumunta na si ethan sa pwesto niya,dahil ung kanina inuupuan niya kay xander.
"Anu guys,nag enjoy ba kayo?" tanung ni ate xandra.
"Oo naman! Road trip ulit tayo next time." Masayang sabi ni sky.
Binatukan naman siya agad ni xander.
"Ayaw ko na,kung hindi rin ako ung mananalo." Inis na sabi ni xander.
"Anu ka ba bro! Laro lang yun." Natatawa sabi ni sky kay xander.
"Oo nga naman xander,kami nga ni iona kahit kami last atlis nakita pa rin namin ung flag,diba?" Si red kay iona. Tumango naman si iona,di siya makapag salita paano kinilig siguro ang gaga. Hahaha
"Oh skyla,ayos ka lang ba?" alalang tanung ni sky kay skyla. Kaya lahat kami napatingin kay skyla. Kakagising lang niya ngayon. Ang Putla niya tignan.
"Oo,kuya ayos lang." matamlay na sabi ni skyla. Inaabot ni sky ang kapatid para tignan nga kung ayos nga ba siya talaga. Pero nagulat nalang kami kay ethan,dahil hinawakan ni ethan ang noo at leeg ni skyla para tignan kung may lagnat ba ito,dahil siya ang pinaka malapit kay skyla,nasa harap kasi ni skyla si ethan. Nasa gitna naman namin si iona,pero ewan ko ba kay iona bat di niya kaya tignan si skyla kung may sakit ito. Baka nahihiya.
