Karin pov.
"Uy bilisan mo nga maglakad!" hay! Nakakainis!bat kasi siya pa ung nabunot ko.
"Ito na!" sigaw ko na pabalik sa kanya. Sarap sabunutan ni xander,nakakainis siya! Sana agad na naming ung flag naming para naman hindi ko na makasama itong lalake na ito.
"Aray!" napahawak naman ako sa noo,paano naman kasi bigla siya huminto kaya nauntog ako sa likod niya.
"Shh." Sabi niya saakin at tinignan ko naman siya kung saan siya nakatingin,nakatingin siya doon sa may puno na malaki.
Na bigla naman siya nagulat na may tumunog na kakaiba. Tss.Duwag!
"hoy! Tinignan mo nga kung anu maron doon,nakakatakot kasi ung tunog." Nanginginig na sabi niya. Nabuntong hininga naman ako kaya lumapit ako sa sinasabi niya. Pagkalapit ko may bigla may lumabas at syempre nagulat ako dahil may baboy na gumagala pala dito. Umalis na ito,kaya lumapit ako kay Xander.
"baboy lang naman iyon." Sabi ko sa kanya. Tumango lang naman siya saakin at pinag masdan ulit ung puno. Matagal niya pinagmasdan iyon hanggang tumakbo siya papunta doon,kaya sinundan ko naman siya.
"Ayun ung Flag!" sigaw niya sa tuwa. Hay! Sa wakas nakita din naming,para makabalik na rin kami.
Kaya lang ang problema nasa pinaka mataas ung flag.
Tumingin naman saakin si xander,pinapakuha niya saaking flag sa taas ng puno.Umiling naman ako agad.
"Anu ba kunin mo na." naiinis na sabi niya. Umiling lang ulit ako dahil baka mahulog lang ako.
"Ihh wala kang kwentang partner!" wow sigaw ba naman niya saakin. Mas wala siyang kwenta ah!
Tumingin ako sa taas ng puno. Papatunayan ko sa kanya na may kwenta ako! Bigla ako sumampa sa puno para maka akyat. Mukhang nagulat si xander sa ginawa ko. Patuloy lang ako sa pag akyat,nahihirpan din ako sa pag akyat kasi medyo madulas ung inaapakan ko.
"Bilisan mo naman daw." Sabi ni xander. Sama talaga ng ugali nitong lalake na ito! Kaya binilisan ko naman,humawak ako mabuti para di mahulog. Alam ko naman wala naman sasalo saakin kahit mahulog ako dito.
Yes! Sa wakas malapit ko na makuha ang flag namin. Nasa lat na ako na hawakan,humawak ako ng mabuti para di mahulog,inaabot ko an ung flag namin. Konting tingkad ko pa makukuha ko na iyon. Ayun! Nakuha ko na rin pero sabay hulog ko din sa puno.Lord tulong po!
Hinihintay ko lang lupa,pero wala ako naramdman,kaya binuksan ko ung mga mata ko.
"Ethan!?" gulat na sabi ko!
"Ayos ka lang ba?" Tumango lang ako. Bumaba na ako sa kanya,tinignan ko naman si xander ayun pinulot niya ung flag naming.
"paano ka nakapunta dito?" " papunta sana kami sa side na yun,ng nakita kita nasa puno kaya pinuntahan ka naming na sakto ka naman nahulog kaya sinalo kita." Sabi niya.
"Salamat." Sabi ko at tumingin sa likod niya. Si skyla pala partner niya,nakatayo medyo malayo saamin. Ngumiti lang siya saakin,ngumiti lang din siya saakin.
"Tara na." bigla sabi ni xander na bigla niya ako hinila kay ethan.
"Sige ethan at skyla,mauna na kami. Salamat ulit sa pag ligtas saakin." Ngiti sabi ko sa kanya.
Naiwan na namin sila dalawa doon. Na medyo malayo na kami sa kanila bigla naman niya binitwan ung braso ko kanina hinila niya.
Skyla pov.
Nagulat nalang ako na nabunot ko si kuya ethan,di ko alam kung sinasadya ba ito ng tadhana.
At ito kami ngayon naglalakad para maghanap ng flag,pero wala kumikibo saamin naglalakad lang kami dalawa,nauuna nga lang siya naglakad saakin. Gusto ko humingi sa kanya na sorry,kaya lang nahihiya ako sa ginawa ko sa kanya. Hay. Ikaw naman kasi skyla bat mo naman kasi siya sinuntok!Nasampal ko nalang ung mukha ko. At dahil akala ko di titingin si kuya ethan dito nakita niya pala sinampal ko ung sarili ko,kaya mas lalo ako nahiya akala niya siguro saakin baliw na.
"bat mo sinasampal sarili mo? Tanung niya. Anu ba sasabihin ko?
"Umm.may lamok kasi dumapo sa pisngi ko kaya nasampal ko ung face ko." Mahina na sabi ko. Tumango naman siya habang naka pout. Omg! Ang cute talaga ni kuya ethan!>///<
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Kailangan ko na talaga humingin ng sorry kay kuya ethan,sige mag sosorry na talaga ako sa kanya.
"Kuya ethan." Tawag ko sa kanya,lumingon naman siya.
"bakit?
"Umm gusto ko lang sana mag-
Hindi na natuloy ung sinasabi ko na bigla umalis si kuya ethan,tinignan ko naman siya kung saan siya papunta. Nakita ko si ate Karin sa itaas na puno inaabot niya ung flag na parang pahulog na rin ito,kaya pinuntahan ko na rin ito. Ngunit pag ka lapit ko,nakita ko agad sinalo ni kuya ethan si ate Karin. Si kuya xander dapat mag sasalo kaya lang naunahan siya ni kuya ethan. Napa tingin naman ako sa lupa nung tinignan na ni ate Karin si kuya ethan,sobra nila lapit sa isat isa.
Agad naman ako tumalikod,hindi ko kaya tignan ang nakikita ko ngayon. Humarap na ulit ako,na ngayon nakababa na si ate Karin na bigla naman siya napatingin saakin at ngumiti. Ngumiti din ako sa kanya na pabalik. Oo,inaamin ko nagseselos ako pero mali naman siguro magselos na wala naman dapat ipagselos,kasi unang una di naman kami dalawa ni kuya ethan at alam ko naman may gusto siya kay ate Karin,di nga lang napapansin ni ate Karin iyon. Nakita ko nalang na hinila na siya ni kuya xander at umalis na. Nananatili pa rin ako sa pwesto ko,di ako makagalaw. Na may naramdaman nalang ako may humawak sa balikat ko pagtingin ko si kuya ethan.
"Tara na." sabi niya tumango nalang ako at sumabay sa kanya. Hanggang kalian ba ako magiging ganito kay kuya ethan. Gusto ko na sabihin sa kanya ang tunay ko na nararamdaman sa kanya,pero natatakot baka iwasan niya ako.
Iona pov.
Totoo pa ba itong nakikita ko? As in kami lang dalawa ni red may loves naglalakad habang mag ka hawak kamay. Hay sana di na matapos ang araw na ito.
"Aray!" sabay hawak ko sa noo ko. Nakita ko naman agad ang mukha ni Karin.
"bat nakangiti ka habang nakapikit ah? Tanung saakin ni Karin. Sumimangot naman ako. Akala ko naman totoo na.
"Wala." Sabi ko. Lumapit naman saakin si Karin at kinilit ako.
"anung wala,ung ngiti mo nga habot universe eh." Tawa ni Karin
Kung di ko lang bestfriend ito matagal ko na sinapak ito eh haha.
"anu kasi napaniginipan ko si red." Kinikilig na sabi ko.
"Anu naman?
"Magkahawak kamay daw kami ni red habang kami lang naglalakad." Mas kilig ko pa sabi.
Pero alam ko naman na hanggang panaginip lang mangyayari yun.
"yun lang?" tawa pa ulit ni rin. Tumango lang ako habang malungkot ang mukha.
"o bat bigla nalungkot?"
"alam ko naman sa panaginip ko lang mangyayari iyon nu." Sabi ko sabay higa narin.
Pero hindi! Naging totoo pala ung panaginip ko! Dahil sa oras na iyon,magkahawak na talaga kami kamay ni red pero tumatakbo nga lang dahil nakita na naming ung flag naming. Feel na feel ko naman habang tumatakbo kami.
Pero sabay bitaw niya rin sa kamay ko na nakuha na niya ung flag,nalungkot naman ako.
"Nakuha na natin ung flag natin." Masaya niyang sabi ngumiti lang ako sa kanya.
"Sige tara na." sabi ko na aalis n asana na bigla ko naramdaman ulit ung kamay niya sa kamay ko.
"Sabay tayo aalis." Ngiti sabi niya at tumakbo ulit kami nag magkahawak kamay. Thanks po Lord!