Episode 17

107 2 2
                                        

[Author: Sorry, slow update. Dami ginagawa ehh. Hahaha. You Heartbreaker.]

-Scrapbook ni Atria-

(Nagdikit ng picture ni Dave)

Nakita ko si Dave. Kasama ang Mother niya.

'Di ko alam kung masaya o natutuwa ako nung mga sandaling yun. Kasi habang tinitingnan ko siya, batid ko ang kalungkutan na nadarama niya. Hindi ko lang alam kung bakit. Umalis na rin sila paalis ng school. Sayang, hindi ko nakausap si Dave.

Pagkatapos nung araw na yun, hindi ko na nakikita sa school si Dave. Hindi ko na nasisilayan ang kanyang mga ngiti. Ang mga tawa niya at ang mga pagtawag niya sa pangalan ko.

Hanggang sa nalaman ko nalang na lilipat na siya ng school. Tinanong ko sila kung bakit pero hindi rin nila alam.

Isang araw, bumalik sa school si Dave para kunin ang mga naiwang gamit niya sa kanyang upuan. Dinumog siya ng mga kaklase namin, kaya naman wala na 'kong chance para kausapin siya. Palabas na siya ng pinto kaya tinawag ko siya....

"Dave! Uhmm. Ingat ka ha. Wag mo kaming kakalimutan ha." Wala na kong masabi kasi ... Hindi naman siya nagpaalam. Nagsabi o kaya nagbilin man lang. Pakiramdam ko sasabog na yung puso ko. Ang akala ko siya na yun, hindi pala.

----------

After ilang weeks,

Tiningnan ko muna yung facebook account ko kasi halos isang taon na ata akong hindi nag-oopen ng account.

Pagkatingin ko, 145 yung notifications ko, 200 yung messages ko. Grabe, pakiramdam ko para na kong artista netoo. Ang ganda ganda ko na talaga.

Pinindot ko yung notifications ko. Tapos, nakita ko na may nag comment sa picture ko ng "Ang pangit mo! I-deactivate mo na yang account mo." Bli-nock ko nalang yung user at ni-report.

Hanggang sa...

Nag-memessage pala sa'kin si Dave. Araw-araw simula nung unang pagpasok niya sa school namin. Nakikita naman sa Date nung pag-message ehh. Nakita ko dun yung mga gusto niyang sabihin at yung feelings niya para sakin...

(11-24-11)

"Alam mo nung una palang kitang nakita, na-inlove na agad ako sa'yo. Hindi ko alam kung paano at bakit. Pero ang alam ko, mahal kita Atria." -Dave

Chinito and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon