"I Do." nakingiti kong sagot sa mahabang sinabi no Father.
"You may now kiss the bride." Tinignan ko muna yung mga bisita. My Family is here. Si Mama, Papa pati si Kuya Allen.
Humarap ako sa groom ko. Sobrang nalulunod ako sa tingin niya with his light blue eyes.
Slowly, lumapit sya sakin. Sa pink lips nalang niya ko nakatingin. He leaned to me closer and closer and clo-
"Aww." Napahawak ako sa balakang ko. Ang sakit, nahulog ako sa kama.
Huhuhu. Ni hindi pa nga tinatanggal ng groom ko yung mask nya e. Bat ba kasi naka-mask? Tsk.
Pero alam ko ang gwapo nya. Pink lips and blue eyes. Yes. May ideal man na ko. Hahaha.
Hay. Pero no doubt na panaginip nga lang ang lahat. Nandun si Papa e. My father died when I was 15. Dalawang taon na ang nakalilipas. Pero parang kahapon lang yun.
"ALEAAAHHH!" O, si kuya yun a? Problema nya? "Aleah! Why did you do that?"
That? Anong that? Pinagsasabi nito? "Sinasabi mo? I dont know what you're talking about."
Nananahimik ako dito e. Tas biglang kung ano ano sasabihin nya? Bad!
Sumandal si Kuya sa may pintuan ko tas nagsmirk. Pero obvious na inis na.
"Ah. Kaya pala naabutan ko sa Washing machine ang mga gamit ko."
Aa. Yun pala. Haha. E kasi naman..
* flashback
Nandito kami ng mga kaibigan ko sa isang bar malapit sa school. End of Schoolyear na kasi at nagcecelebrate kami dahil maayos naming natapos ang first year namin ng college.
At isa pa, first time ko lang magpunta sa mga ganito. Kaso..
"Aleah, what are you doing here?"
OhmyGod. Si Kuya. Anong ginagawa nya dito?
"Ano, Kuya. Ahh, Ehh." Waah. Ano ba yan!
"Ahh, Ehh. GO. HOME. NOW." He said seriously. Tss. First time na nga lang nahuli pa.
Kaya ayan, I immediately walked out the bar, tinanguan ko lang yung mga kaibigan ko na tinatawanan naman ako dahil nga kay kuya.
Kakilala naman sila ni Kuya pero ayaw ni Kuya na pumunta ako sa mga ganto.
Pinaharurot ko yung kotse ko pauwi only to found out na sya pala ang iinom sa bar.
Nainis ako kaya pumunta ko sa room nya at kinuha ko yung mga colored shirts and shoes niya at pinaikutan sa Washing Machine.
Haha. Ayon, naging kulay pink lahat ng damit nya. hahahah.
* end of flashback
"Ha? Siguro nas-sleepwalk lang ako. I dont know anything about that." I know, ang lame ng alibi ko. Hahaha.
"Sleep walk your face, Aleah." Tas lumabas na sya ng room ko. Hahaha. Laughtrip talaga.
Naligo na ko sa banyo tas bumaba na sa dining. Dumiretso ako sa Kitchen para magtimpla ng gatas.
Wala kasi kaming Yaya. Para daw di kami maging tamad masyado. Pero meron naman kaming taga laba kasi di ko talaga kaya.
Pero pag andito si Mama at ang P.A nya. Ayon may tiga gawa kami ng kahit ano. Yung P.A nya yung nagiging cook namin. Kaya para syang P.A slash Yaya.
Muntik na ko matawa nung makita yung mga gamit ni Kuya sa sink. Galing ko talaga. Hahah.
"Kuya, kelan uuwi si Mama?"
"She called kaninang umaga. Baka dun na daw sya muna sa Korea buong Summer. Pumunta ka nalang daw dun kung gusto mo." Ahh. May business kasi kami sa Korea at dito sa bansa. Restaurant at Clothing line.
Ayy. Oo nga pala. Andami ko na naikwento di nyo pa ko ganun kakilala. hahaha.
Well, Im Aleah de Guzman, [A-lee-ya] 17 and my brother is Allen de Guzman, 19. One tenth na British. Hahaha! Seryoso.
Si Kuya, tumutulong na sa business namin since nung 16 sya.
Ako naman, petiks lang. Haha. Yaan na, mahal naman nila ko kaya ayos lang. Hahah.
"And Aleah, you'll be staying with Tita Jia for this summer. Alam mo naman pag summer.."
Pag summer kasi mas nagiging busy si Kuya sa business namin. Tutok na tutok sya.
"Okay lang. Madami daw gwapo kila Tita." Nangingiti ngiti kong sabi. Protective kasi tong isang to e. Hahah.
"Dont worry. Everytime Im free, I will always visit you." Tsk. Corny ni Kuyaaa! Hhaha.
"Whatever. Basta pupunta ako kila Tita at kambal." Sabi ko. Nung mga 6 pm na umalis na kami at hinatid na nya ko kila Tita.
"Lets go." Sabi ni Kuya tas bumaba na dala yung mga gamit ko.
Pagpasok ko, All-eyes-on-me ang peg ko. Shemay. So may party pala dito at tank top plus shorts lang ang suot ko!!
I turn my gaze to kuya at nakita ko syang tawa ng tawa. Naka longsleeves kasi sya na ginawang three fourths.
I mouthed him, 'bwisit.'
I'm hundred percent sure na talagang sinadya na mapahiya ako. Leshe.
"A. Bat ganyan itsura mo? Hahaha!" lumapit sakin si Tita. 29 palang sya at widowed na sya. May kambal syang anak.
Bagets pa yan kaya close kami.
"Ehh. Masama kasi pakiramdam ko kaya Im not in the mood for this." Palusot ko. Haha.
"Sge na nga. Just go to your room and take a rest. Alam mo naman na yung room mo, right?" she said kaya tumakbo na ko paakyat at pumasok sa room ko.
At nagulat ako sa susunod kong nakita.
O_____O Girl
^______^ Guy
O_____O Ako
I just caught them kissing intently! The Eff? Why do they have to do this in my room?
Masyado ba silang nahalina sa kulay blue na pinto ko??
Agad din naman tumakbo paalis si Girl. At itong si lalaki, naupo pa sa kama ko. o.O
"Excuse me??"
"Easy." tas lumakad na sya. "Your room looks good.. And.." He stopped sa side ko. "Your legs looks good too."
WHAT. THE. FUCK.
"BASTOOOOOS!!"
BINABASA MO ANG
The Man I Love
Teen FictionWho would you choose, Yung lalaki na dream man mo at nagfi-fit sa tipo ng nagugustuhan mo? O yung lalaki na kabaliktaran ng pinapangarap mo pero kayang pagwalain ang tibok ng puso mo?