10. Girlfriend!

16 0 0
                                    

"Maiwan ko muna kayo! Hehe!" sabay takbo paalis ni Erin.

Huh? Adik talaga yun. Iiwan pa ibibigay lang naman yung cellphone ko.

Nilahad ko yung kamay ko, "Akin na."

Ilalagay na nya sa kamay ko nang itaas nya ulit yung phone. "Akin na! Abnormal ka ba?"

"So, gusto mo pala ang pinsan ko. Hmm." Teka, di ko gusto nakikita ko ngayon. Mukhang may pinaplano tong siraulong to.

"Ano naman sayo? Pwede ba?? Yung phone ko, please." sabi ko ng may kasamang irap. Harhar.

"Paano kaya kung sabihin ko yun sakanya? What do you think?" Nye. Sa tingin nya matatakot nya ako ng ganon? Mas okay pa nga kung sasabihin nya e. Di ko na kailangan umamin.

"So? Ade sabihin mo. Sinong tinakot mo?"

"E kung sa girlfriend nya ko sabihin? Better?" Huh? Girlfriend?? May girlfriend si Cody?

P-pero, nagpapakita sya ng motibo? O binobola lang nya ako? Kasi diba, tinaning nya ko.... kung magiging swerte daw ako sakanya..? Ibig sabihin, lumalandi lang pala sya? Paasa sya! Amp!

"H-hoy! Baka naman masira yang phone mo sa sobrang diin ng hawak mo!" Huh? Oo nga, nabalik na pala nya sakin yung phone ko. Tumingin ako sakanya, baka naman niloloko lang nya ako? Baka naman wala talagang girlfriend si Cody?

"Teka? Di mo alam na may girlfriend sya?" Tapos tumawa sya nang nakakainis. "Akala mo siguro, gusto ka niya no? HAHAHAA! You make me laugh, Aleah."

Kung ganon, may girlfriend nga talaga sya. Bakit di nya sinabi? Bakit kailangan pa nya akong purihin? Bakit kailangan pa nya ako paasahin?

"O-oy! Oy! Wait, umiiyak ka ba?" Pinunasan ko yung luha na tumakas sa mata ko.

Nakakainis. Bakit kasi sinabi pa sakin ni Scott yun? Ang epal talaga nya! Nakikielam sya ng buhay ng may buhay!

"Hoy, Bat ka ba umiiyak?!"

Bakit nga ba ako umiiyak? Crush ko lang naman sya, isang araw pa nga lang kami nagkikita. AH, siguro na-disappoint lang ako na may gf na pala sya. Akala ko kasi...

Akala ko kasi.. gusto nya din ako.

*

"Bes, kanina ka pa tulala! Ano ba ginawa sayo ni Scott? Hinalikan ka ba nya tulad nung binabasa ko sa Wattpad?" Grabe a! Nag eemo ako dito tas babanatan nya ako ng ganon?

Para na din nya sinabing magsuicide ako.

"Gaga. Hindi, bat naman ako papahalik din. Ade sinipa ko sya papuntang Uranus. Che."

"Ang dami mong sinabi. Oo o Hindi lang naman yun. Adik."

Inirapan ko na lang sya. Im not in the mood para makipag asaran sakanya. Nakakafrustrate lang kasi.

"Hoy Bes, bakit ba kasi. Ang creepy mo na ha?" hinarap ako ni Erin sakanya, nakahiga na kasi kami.

"May girlfriend na daw si Cody."

"So?"

"So?? Gusto ko sya Erin! I like him! Tapos malalaman ko may gf na sya? Unfaiiir!"

"Aning unfair? Bakit? Gusto ka ba nya? Kala mo naman mutual ang feelings nyo!" Bakit ganyan yang bestfriend ko? Bully!

"Bat ka ganyan? Di mo ko sinusuportahan! I hate you!"

"Okay, feel free." tawa pa sya ng tawa!! "Ang arte mo."

"I hate youuu! Tyaka kasalanan to ni Scott e. Kung di nya sinabi ade sana di ko malalaman! Di ako makakaganito! Ang epal talaga nya! Panira sya sa buhay ko!"

"Aba, nanisi ka pa. Buti nga sinabi nya, kung hindi magmumukha ka lang tanga kakaisip na gusto ka din ni Cody!" Okay na. Sge na, alam kong tama sya.

PERO DI KO MATANGGAP E! HUHUHU!

Kaya kahit may gf na sya. Okay lang. Gusto ko pa din sya. Sya kaya yung dream man ko!

Tsaka ganyan talaga nagsisimula ang mga perfect love stories! Sa una lang talaga yan!

"Tse. Matutulog na ko, good night! At yang damit na suot mo. Hubadin mo yan, akin yan!" sabi ko na medyo natatawa na din.

"Whatever. Good Night!"

The Man I LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon