"Hmmm!" hikab ko. "Good Morning." bati ko kay Tita sa dining.
"Good Morning. Naku A, sayang may pogi kagabi na papakilala ko dapat sayo!" bungad naman nya sakin.
"Pogi?? Tita naman, bat di mo ko pinababa?" Hahaha. Bilis ko sumagot!
"Haha. I tried, but you're already sleeping." Sabi nya sakin.
Hay. Pano ba naman, naiinis talaga ako dun sa lalaki kaya after kong mag goodnight sa twitter, sleep na.
"Tita, parang at home na at home yung mga bisita mo no." Bitter na sabi ko sakanya.
Masyadong at home e. Pati sa kwarto ng may kwarto gumagawa ng milagro.
"Hmm, parang di naman. Mahiyain nga yung iba kasi nga mayayaman, feeling nila pag naging at home sila, natalbugan sila. Buti tayo hindi nu. Tsk."
Tas kumain na kami, "Ah, Tita asan yung kambal?" para kasing wala sila.
"Wala, they're with theit lolo. Parents ng Tito Jim mo, iniwan ko muna dun kasi nga may party." Ahh, sayang naman, gusto ko na ulit makita sila e.
"Nga pala A, may pupunta dito mamaya. Haha. Sabi ko ipapakilala kita sa kanilang magpinsan." Okay lang naman. Pero isa lang tanong ko.
"Gwapo ba?" Hahahaha.
"Ofcourse. Ipapakilala ba kita sa hindi mo type."
Nung hapon na, narinig ko na may kausap si Tita sa baba.
"Iho, where's your cousin?" Di kk makita si guy kasi nakatalikod sakin.
"May kinuha po syang papers sa univ."
"Ay, sayang naman. Pero I want you to meet my niece. Wait, Ill just call her."
Nakita ko si Tita na paakyat, andito kasi ako ngayon sa mini sala sa second floor. Agad kong binuksan yung tv para kunwari di ako nakinig sa kanila.
"Uy Aleah, andito ka lang pala. Come, may ipapakilala ako sayo." tas bumaba na kami ni tita.
Sheez. Kahit naka side view, kita pa rin ang kakisigan nito!
"Hey, Cody. Meet Aleah." tas humarap na sya sakin.
Suddenly, feeling ko tumigil ang mundo ko.
Napabulong ako. "Pink lips and Blue Eyes.."
BINABASA MO ANG
The Man I Love
Teen FictionWho would you choose, Yung lalaki na dream man mo at nagfi-fit sa tipo ng nagugustuhan mo? O yung lalaki na kabaliktaran ng pinapangarap mo pero kayang pagwalain ang tibok ng puso mo?