14.

5 0 0
                                    

"Scott! Saglit lang naman! Tss." Hila-hila kasi nya ako papunta kila Cody at Cass. Sabi nya ipapakilala nya ako sa girlfriend ni Cody.

"What? Basta ganto ha? We'll act sweet!" sabi pa nya na nakahawak pa din sa kamay ko.

"For? I don't get you!" Kasi diba? If aagawin nya si Cassandra bakit ako magiging sweet sakanya?

"Kasi. Aleah, I'm sure kahit papaano ay gusto pa din ako ni Cass. Sanay sya na laging sakanya lang ako seryoso. Kaya pag nakita nyang sweet tayo, magseselos yun! Mukha ka namang disente, e."

"Hoy, hindi ako mukhang disente dahil disente talaga ako!!" Sisigaw pa sana ko pero bigla nya akong inakbayan ng mahigpit.

"Ikaw naman, A. Ang sweet mo talaga." Tas humarap sya kasi nandito na pala kami sa tapat nila Cody. "Uy, guys andyan pala kayo!"

Arg. Ang pangit nyang umarte! Andyan pala kayo? Eh, kinawayan pa nya sila kanina! Sira talaga.

"Hi, Scott! Hi..." bati nung si Cass tas tumingin sakin.

"Aleah, her name is Aleah, babe." Cody to his BABE. Tss.

Nginitian naman ako ni Cassandra. Oo na, sya na mukhang anghel.

"Hi.." Ganting bati ko din.

"Kayo ha, magkasama kayo! Anong meron?" Pang-aasar ni Cody. What? Hindeee. Wala kaming relasyon Cody, my dear!!

"Ha? Hi--"

"Im courting her. I think it's time to be serious." Nakangiting sabi ni Scott, okay, binabawi ko na. Ang galing nyang umarte!

Pero, ang salitang 'serious' 'pag nanggaling kay Scott, hindi kapanipaniwala! Sa mukhang 'yan? Na para bang lahat ng babae na makita nya ay ikakama nya? Hell, no! Di kapani-paniwala. Hahahaha.

At isa pang PERO! Hindi ko matatanggap yang sinabi nya kaya naman palihim ko syang kinurot sa tagliran.

"AAAAAAH!" Tinignan nya ako ng natalim pero 'di ko 'yun pinansin. Kala naman nya matatakot nya ako ng ganun-ganun lang.

"Oh, Scott! Bakit? Naglalambing lang naman ako." Kunwa'y nag aalala kong tanong. Kung magaling syang umarte, magaling din ako umarte. Hahahahah

"Ang sweet nyo naman." Mahinang sabi ni Cass. Pero parang pilit lang ang ngiti nya. Di nga kaya, nagseselos talaga sya?

You mean,gusto nya din si Scott? Aba naman! Masyado naman syang mabisyo! Ang pogi na ni Cody, gusto pa nya ng isang pogi?

Pero malay natin, masyado lang akong OA magreact. Hehehe. Pero malay nyo din naman totoo pala. Diba? Diba????

Kasi nga diba sanay syang sakanya lang may respeto si Scott when it comes to girls? Except syempre sa Mom, kay Shai at relatives nya. Tapos ngayon eenter ako. You know.

Gets nyo ba? Kasi nga diba, usually, lahat ng babaeng nasasama kay Scott e puro landian lang aside from her and now from me. Tyaka subukan lang akong bastusin pa nitong ugok na'to, he'll see. He'll see kung paano ako gumanti! Bwahahahha.

Okay, enough of that witch-kind laugh.

"Oo naman. Di ko nga inakala na after you, e makikita ko pa yung The One ko." Naks. The one pang nalalamam to. Hahaha. At tyaka kung hindi rin naman makapal mukha nito, sa harap pa ni Cody.

"Oo nga, eh. Ang swerte mo at nakilala mo ako." nakangiti kong sabi sakanya.

"Pero syempre, mas swerte ka. Si Scott na 'to, o?"

Aba, aba. Ayaw magpatalo, huh. Let's see.

"Ano ka ba, aminin mo na, halos umiyak ka pa nga nung unang beses kong sinabi na hinding hindi kita magugustuhan!" Palihim akong nangiti sa statement ko, wahahahaha. I'll make Scott look like a crazily in love dog. Wahahahahha!

"Ah right, naaalala ko yun. Tapos ikaw din yung lumapit sakin to say na hindi mo pala kaya na wala ako." Matamis syang ngumiti sakin, arg!

"Ha! Ang kapal ng mukha mo! Like I will ever like you!"

"Coming from you! Hinding hindi kita magugustuhan kahit kailan!"

"Talaga! Expect the same from me, you douche bag!"

"Douche bag?! Who is douche bag?!"

"Who else, jerk!"

Tumawa ng fake si Scott at tinignan ako ng masama, halos mawala na nga yung mata nya sa paniningkit!

"Wait, wait guys? What's happening here?" Sabay kaming napatingin kay Cody na nagsalita. "I thought.."

"It's not true! Umaarte lang yang si Scott, duh! I would never like someone as mayabang as him!" Sabi ko na diretso pa din ang tingin kay Scott.

"And I would never like someone as brat as you!" Gaya ko ay hindi din nya inalis ang tingin sakin.

Brat? Who's brat?! "If i'm brat, then you are selfish!" Sabi ko at bumaling kay Cody, "Want to know why he's selfish? Because he--"

I.. Suddenly stop. It's like bigla akong naguilty na sasabihin ko kay Cody yung gustong mangyari ni Scott.. I mean, namin. "What?" Cody asked.

Umiling ako at sumagot, "nothing." Tapos ay nagpaalam na ako sakanila nang hindi tumitingin kay Scott.

Hay, Aleah, remind yourself never to associate with Scott, he's a bad influence!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 30, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Man I LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon