13.

9 0 0
                                    

"Sinabi ko na nga ba at lalapit ka din sakin to seek help. Well, you're always welcome to join me with my--"

"Alam mo? Ang daldal mo para sa isang lalaki." Ang haba kasi ng sinabi nya, e. Ang daming alam sabihin!

"At ang taray mo para sa isang babae. Tss." Balik-sagot nya sakin.

"Duh? It's in our nature. Pero yung sayo, it's not natural. Bakla ka ba?"

"Baka gusto mong---"

"Oh shut up. Wag mo nang sabihin na hahalikan mo ko. Pudpod na pudpod na ang linyang yan." Totoo naman kasi. Lagi ko na lang yun nababasa sa nga novels. Yung pag sinabihan ng bakla yung bidang guy, tatakuting ikikiss si bidang girl.

Pero dahil ma-pride si bidang girl, hindi sya titigil sa pangaasar na bakla then ikikiss na sya ni Guy. Diba?

"Ang sasabihin ko, baka gusto mong----maupo! Assuming much?" sarcastic nyang sabi.

"Whatever." Tas naupo na ko, andito kami sa balcony nila.

"Whatever daw pero naupo naman." bulong bulong pa naririnig ka naman. Inirapan ko lang sya sa sinabi nya. Luko-luko talaga.

"Ano bang plano mo?"

"Oh, about that. May brilliant idea ako since sobrang hot at gwapo ko at sobrang daming girls ang nagkandarapa saki--" Tinignan ko sya ng masama kaya tumigil sya. Parang tanga naman kasi, pati yun sasabihin pa! "Hehehe. I was just kidding, pero yung idea ko... Paghihiwalayin natin sila."

"Paghihiwalayin? So gusto mong gumaya sa mga stories sa novels and wattpad?" I sarcastically said. Sobrang cliché naman na kasi nun.

"So? Atleast meron ka na palang nababasa about sa ganun. It'll make easier for the both of us." Malaking malaking ngiti na sabi nito.

Sinasabi ko na nga ba, hindi na dapat ako pumunta dito. I should have known.=_______=

"Alam mo, Scott? Nang sabihin mong may plano ka? Bigla kang tumalino sa paningin ko..."

Agad syang napangiti lalo sa sinabi ko na feeling ko mapupunit na yung mukha niya. "Pero talagang sadyang paasa ang buhay kasi walang kwentang bagay lang pala ang sasabihin mo."

"Ouch. I'm hurt!" Umarte pa ito na parang na-brokenhearted habang nakahawak sa left side ng chest, yung sa bandang puso. Adik. "Pero kasi, A, wala ka nang-"

"Anong 'A'?----"

"Teka nga?! Lagi mo nalang ako pinuputol ha!!" Ahehehhe. Akala ko hindi nya napapansin yun.

"Tinawag mo kasi akong 'A'! Pwede ba? Hindi tayo close kaya Aleah ang itawag mo sakin!" Nakiki-A kasi hindi naman kaclose. Tsk.

"Parang yun lang! Tss. As I was saying, yun lang ang pwede naing gawin."

Papayag na sana ako nang may bigla akong naalala. "Why are you doing this? Pinsan mo si Cody. Bakit ka gagawa ng bagay na alam mong masasaktan siya?"

Bigla nawala yung ngiti nya kanina at naging seryoso ang mukha nya pero hindi sya sumagot kaya naman nagsalita ulit ako. "What's your reason, Scott? What makes you wanna do this?"

Napansin ko na parang nagdadalawang isip sya kung sasabihin ba nya o hindi hanggang sa nagsalita na sya. "Well, I like Cassandra."

Cassandra. So iyon pala ang pangalan nya. At hanudaaaaw?? Like? He likes her? "You know what? You're selfish. Gusto mo sya?? Pwes MAHAL sya ng pinsan mo!" I said stressing the word 'mahal'.

"You don't know anyting, A-- I mean Aleah. Nauna ako! Mas nauna ko syang nagustuhan pero inagaw sya ni Cody! Ngayon mo sabihin na magpinsan kami!" Sigaw nya sakin kaya naman natahimik ako. "And besides, you..you do love him, don't you?"

Napaisip ako.. mahal ko ba talaga si Cody? That fast? Pero kasi gustong gusto ko sya. I really like him that I want Cassandra out of the picture. I really like him that I am now talking to Scott to know his plans. So, do I love him?

"I... I dont know. Ang alam ko lqng ay gusto ko sya. Gusto kong ako ang mahalin nya." nakayuko kong sabi.

"You... well, talagang gusto mo sya ha." Napa-angat ako ng ulo dahil parang may iba sa boses nya. Pero nakangiti naman sya pagtingin ko sakanya.

"Oo. Siguro."

"So, ganito. Aagawin ko sakanya sii Cass. At ikaw, ikaw ang magiging shoulder to cry on nya. Kasi ang mga broken hearted, they easily fall to the one whose on their side sa mga panahong kailangan nila." paliwanag nito.

Pero kasi.. As I was looking at Cassandra kanina, she seems nice. Hindi naman siguro sya, hmmm, mamahalin ni Cody kung hindi diba?

And mas lalo na si Scott, matagal na nyang gusto si Cass. Ito siguro ang dahilan kung bakit sya naging babaero. At hindi naman sya mukhang katulad nung mga babae ni Scott na kinukwento ni Shai. Mukha namang syang disente. Well, from her looks, she is.

Magagawa ko ba talagang saktan silang dalawa just because of my selfishness?

"Ano, Aleah? Do we have a deal?" Tanong sakin ni Scott.

"Baka.. kasi... Scott, ayaw kong makasakit."

"So gusto mong ikaw ang masaktan? Wag ka nang mag isip ng iba pa, Aleah. Just say yes and we will start the plan." pangungumbinsi pa nya sakin.

Tumingin ako sa banda nila Cody na makikita mula dito. They look so happy.. And I want to feel that happiness too.

"Sige, Scott. I want Cody mine." I said like a selfish, brat antagonist in books and movies.

The Man I LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon