5. Meet the new friend

22 0 0
                                    

"Because.. Gwapo ako. As simple as that."

Ang yabang yalaga ng ugok na to.

"Whatever."

"Pasok na?" Ha? Saan papasok? "Get in the car."

Ah, "No thanks. I have my own."

"Where?" Kahit na weirdan ako at tinanong nya, tinuro ko na. Mga 5 cars lang pagitan namin.

"The blue BMW?" I nod. "Okay."

May kinuha syang gamit sa kotse niya tapos hinila ako palapit sa kotse ko.

"Anong gagawin mo?" Lumuhod kasi sya sa tapat ng gulong.

Nagulot na lang ako ng marinig ko yung singaw ng hangin sa kotse ko.

The Eff??! Anong ginawa nya? Bakit binutas nya ang gulong ko??

"Anong ginawa mo??" Nakita ko yung hawak niya. Yun pala yung chain ng susi na may mini kutsilyo at can opener.

"Well, wala ka ng kotse. Let's go?" nakangisi pa nyang sabi.

"Fck you! Hinding hindi ako sasakay sa kotse mo." Tapos naglakad ako pabalik sa mall. 5 pm palang naman.

Tumawag na din ako ng magbabatak sa car ko. Dun sa kakilala ni kuya Aldrin.

Marunong naman ako magcommute kaya magcocommute na lang ako pauwi. Letse naman kasing lalaki yun!

Mas brat pa sya sakin dahil gusto nya lahat ng sabihin nya nasusunod.

Selfish pa. Di nya ba naisip na matagal magpalit ng tires?? Bwisit.

Namili na lang ako ng bagong damit. Pati si kuya binili ko din para sa mga sinira ko.

Pero syempre, di ko ipapaalam na galing sakin dahil iisipin nun, masyado ko syang mahal. Duh.

Di kami showy sa isa't isa pero alam naman namin na mahal namin ang isa't isa.

Sasabihin ko nalang merong may gusto sakanya na pinagshopping sya at sakin pinabigay.

Nung mga 7pm na, nagdecide na ko umuwi. Meron namang sakayan sa labas ng mall.

Ayaw ko magtaxi para tipid. Haha. Sayang sa pera e.

Bale sakay lang ng jeep tas baba ng village. Pede ko magtricycle or maglakad since di naman kalayuan sa gate ng village yung kila Tita.

Kaya maglalakad na lang ako since safe naman dun.

*

Grabe lang ha? 8:30 na at andito pa din ako sa jeep. Puno na kami pero ayaw pa umalis.

"Oh, dalawa pa, dalawa pa. Kaliwa't kanan. Walang pang laman." sabi nung nasa labas na nagaaya sa mga commuters.

"Wala pang laman?? Anong akala nyo samin, SABAW??!" Nagulat ako sa katabi kong babae nung sinabi yan.

Tinignan ko sya at magka-age lang siguro kami. Maganda din sya, mukang mayaman.

Siguro natakot yung driver kaya inistart na yung jeep.

"Pare, lalakad na? Wala pang laman o." Ayan nanaman po sya.

"A-ah. Hindi, m-may laman na. Eto o." Tas inabot yung 5 pesos na coin.

After 123456789 years, "Para po!"

Huh? Sabay pa kami pumara ni Ate na katabi ko. Taga dito din sya? Mayaman nga.

Bumaba na ko tas kasunod ko sya."Ang init!" reklamo ni Ate pagbaba.

Ako naman pumasok na sa loob, kilala naman ako ng guard.

Nagulat ako ng may magsalita sa tabi ko. "San ka?" Ako ba kausap ni Ate?

"Amm, dun pa." tas tinuro ko yung way.

"Talaga? Dun din ako!"

"Ayun, sabay nalang tayo." Aya ko.

"Tama, nga pala, I'm Shaina. [Sha-i-na]" pakilala nya. So Shaina pala.

"I'm Aleah."

"Bago ka ba dito? Parang ngayon lang kita nakita."

"Nagbabakasyon lang ako sa Tita ko, kami lang kasi ng Kuya lang nasa bahay ngayon pero nagpupunta na ko dito dati."

"Ah ganun, sinong Tita?" tanong nya.

"Tita Jia."

"Talaga? Mabait kaya yun! Pumupunta ako sa kanila pag wala akong magawa e. Dahil sa twin." O, buti pala may makakasama na ko e.

"That's good! Lagi kang pupunta samin para may kausap ako. Haha."

"Sure, puro mukha din ng kapatid ko nakikita ko sa bahay e."

"May kapatid ka?" I asked. Pag babae for sure maganda yun at gwapo pag lalaki, dapat ipakialala nya ako. Hahaha.

"Twin actually, si Scott."

Scott? Scott nanaman!!

At binabawi ko na yung sinabi ko na gwapo ang kapatid nya!! Letse!!!

The Man I LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon