CHPTR 7

115 3 0
                                    

Kerk's POV

Narinig kong bumukas yung CR ng pintuan ng girls.

Naaaninag ko na si Phia yung nasa pintuan. Gusto kong tumingin sa kanya kaso nahihiya ako dahil sa ginawa ko.

Hay. Ano ba kasi yung nasa utak ko at nagawa ko iyon sa kanya?

"Phia!" rinig kong tawag ni Krest sa kanya.

Teka, magkakilala silang dalawa? Kailan pa?

Ay, oo nga pala. May pinapagawa pala sa kanya si Krest. Ano naman kaya iyon?

"Pre, magkakilala sina Phia at Krest?!" gulat na tanong ni Jags na kumapit pa sa braso ko.

Usisero din.

"Hindi ko alam kung paano pero oo. Magkakilala sila." sagot ko habang nakatingin sa kanila.

Pinagmasdan ko lang silang mag-usap hanggang sa tumakbo sila papaalis. Saan kaya sila pupunta?

"Sundan natin?" sabi ni Jags.

Makiki-usosyo lang ang isang 'to.

"Huwag na. Baka sabihin ni Phia na stalker niya tayo." sabi ko naman.

"Hindi ka ba nagtataka?"

"Nagtataka."

"Eh di.."

"Sundan mo kung gusto mo." Sabi ko.

Tumunog naman bigla yung cellphone ni Jags.

"Sige pre, una na ako. May kailangan pala akong gawin. Hahanapin ko muna yung kapatid ko." sabi niya.

Patakbo n asana siya ng hawakan ko siya sa balikat.

"Teka, teka. May kapatid ka?!" gulat ko namang tanong.

Sa ilang taong pinagsamahan namin, ngayon ko pa lamang nalaman na may kapatid ang mokong na 'to.

Pambihira.

"Ano kasi. Sige! Alis na ako!" sabay karipas ng takbo.

"Aba't iniwan ako rito. Hoy!"

May kapatid nga ba talaga siya? Kung meron man, bakit niya ito nililihim? Haaay. Lokong Jags 'to.

Maya-maya, may nagsisitakbuhan na lang na mga tao papunta sa field. Ano kayang meron? Ito na yata yung rally na sinasabi ko.

Buti na lang at nakita ko si Hyrant na tumatakbo din kaya hinarang ko siya bigla.

"Anong meron at nagsisipagtakbuhan kayo?" tanong ko sa kanya.

"Sumama ka na lang para malaman mo." sabi niya sabay hatak sakin kaya napatakbo na rin ako.

Nang makarating kami sa field, nadatnan kong may hawak na mikropono si Phia at may hawak naman na gitara si Krest. Ano ba ang gagawin nila?

Papaunahan na sana ako ng biglang may nagsalita.

"Kerk, pwede ba tayong mag-usap?" sabi bigla ng isang babae sa likuran ko.

Nak ng. Ito na naman siya.

"Ano pa ba ang pag-uusapan natin Qwerty?! Tapos na tayo!" sabi ko sa kanya.

"Importante lang Kerk. Promise, isang saglit lang." sabi niya na animo'y nagmamakaawa.

Pinagbigyan ko na lang siya. Tutal, importante naman daw.

Pumunta kami sa lugar kung saan walang nagsisipag siksikan na mga tao.

"Ano ba kasi ang pag-uusapan natin?" kalma kong tanong ng makaupo kami sa bench ng field.

Hindi ako tumitingin sa kanya. Nakafocus lang ako kay Phia na nagsimula ng kumanta sa harap ng maraming tao.

"Alam mo naman na mahal kita hindi ba?" tumango lang ako, pinipigilan na huwag tumaas ang tensyon, "Ano kasi Kerk..."

"Diretsahin mo na kasi ako. May importante rin kasi akong kailangang ayusin." sabi ko sa kanya habang nakatingin pa rin sa kinaroroonan nina Phia at Krest.

"Napagtanto ko lang kasi na dapat kailangan na kitang bitawan dahil ako na lang pala ang nakahawak pa. Kumbaga, sumasabit na lang ako." naiiyak na sabi ni Qwerty.

Napatingin ako sa kanya.

Hindi ko aakalain na sa bibig niya mismo manggagaling yung mga salitang binitiwan niya.

"Pero Kerk, sana ibigay mo sakin ang sandaling ito para gawin ang gusto ko." sabi niya.

"Ano ba yang gusto mong gawin?" tanong ko.

Kinakabahan ako. Baka kung ano na naman ang gawin niyang kata...

Napatigil ako ng bigla niya na lang akong hinalikan.

"KEEEEEEEEERK!" rinig kong tawag sakin ni Phia.

Bigla namang bumitaw sa akin si Qwerty.

"Phia..."

Umiling lang siya habang umiiyak.

Lalapit sana ako sa kanya kaso bigla siyang tumakbo. Lahat naman ng tao nakatingin sa amin.

"Well, good for both of you. Ibinalik ko lang naman yung sakit na ipinaramdam niyo sa akin kanina." sabi ni Qwerty na may napakalaking ngiti sa mukha niya.

"Plinano mo ang lahat ng ito para makaganti lang?! Anong klaseng tao ka?! Ay mali, hindi ka pala tao, isa kang HAYOP!" pagtataas ko ng boses.

Tumakbo ako bigla kung saan ko nakitang tumakbo si Phia.

Bakit siya umiiyak? Nasasaktan pa rin ba siya sa ginawa ko o nasasaktan siya dahil nakita niya kami ni Qwerty na naghalikan?

He's a DANCER,She's a SINGERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon