Jags' POV II
Ngayong araw na gaganapin yung plinano namin nina Phia. Hindi namin sigurado kung gagana ba ang plano namin pero kailangan namin itong subukan. Kailangan naming mag-risk.
Usapan namin na dito na kami sa BSA magkikita-kita nina Phia at ng grupo naming mga lalaki.
Yung ibang lalaki ay inaayos na yung venue kung saan namin balak umpisahan ang plano habang ako at si Verter naman ay hinahanap si Phia.
"Teka, nasaan na ba si Phia?" tanong ni Verter sa akin.
"Hindi ko nga alam pre eh. Kanina ko pa siya hinahanap." sabi ko sabay lingon-lingon sa paligid.
Nasaan na kaya yun? Siya ang mastermind dito sa gagawin namin tapos wala pa siya dito.
Haaaaaay.
"Uy Jags. Tignan mo. Si Kerk oh." biglang sabi ni Verter.
Napalingon ako sa tinuro niya sa akin. Si Kerk nga. Mabilis siyang tumatakbo. Akala ko hihinto siya sa kinatatayuan namin pero hindi. Dire-diretso lang siya hanggang makarating siya sa pintuan ng CR ng girls.
Anong gagawin niya doon?
"Mukhang may problema siya Jags. Tanungin kaya natin."
"O baka naman doon siya magsi-CR." Sabi ko.
"Siraulo."
Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Verter at sinubaybayan ko na lang ang mga ikinikilos ni Kerk. Nakita ko na gusto niyang kumatok pero nagdadalawang isip siya.
Sino kaya ang nasa loob ng CR? Si Phia at si Qwerty lang naman ang kilala niyang babae dito kaya isa lang sa kanila ang nasa loob.
Matapos ang ilang segundo ay kumatok na siya.
"Phia, si Kerk 'to." Rinig kong sabi ni Kerk.
Nanlaki ang mga mata ko at nagkatinginan kami ni Verter.
"Phia." Sabay naming sabi ni Verter.
Anong meron?
May sinabi si Phia pero hindi namin maintindihan. Nasa loob kasi siya ng CR atsaka medyo ilang hakbang ang layo namin ni Verter sa kanila.
"Na wrong send ka sa akin. Nabasa ko yung text mo. Anong nangyari sa'yo diyan? Okay ka lang ba?" pag-aalalang tanong ni Kerk.
Maya-maya pa, bigla na lang tumawag sa akin si Phia. Anong nangyayari sa babaeng ito?
"Hello Phia." pagbati ko.
"Jags! Salamat at sumagot ka kaagad." sabi niya.
"Bakit? May problema ba?" Nacu-curious na ako.
"Nasa harapan si Kerk ng CR ng girls dito sa ground floor."
"Pansin ko nga."
"Nakikita mo?"
"Malamang. Ano ako bulag?"
"Haaay. Pilosopo ka talaga kahit kailan." Irita niyang sabi.
"Oh, ano nga problema mo?"
"Me..meron ako." Pautal-utal niyang sagot.
"Merong ano? Meron kang naisip ulit na plano kapag hindi nagtagumpay plano natin ngayon?"
"Hindi....hindi yun."
"Eh ano?"
"Meron nga kasi ako. Alam mo na yun."
BINABASA MO ANG
He's a DANCER,She's a SINGER
RomanceALL RIGHTS RESERVED.Places,incidents,and the names of each of the characters in this story are products of the author's imagination.Any resemblance to the story is highly coincidental.I apologize if it did so. [author]