Phia's POV
Walk away.
Run.
And hide.
Yan lang yung mga kailangan at gusto kong gawin ngayon.
Ayoko na kasi. Tama na yung nasaktan ako nung una.
Pinipigilan kong huwag masaktan ngayon. Pinipigilan ko ding hindi umiyak. At pinipigilan kong huwag ng alalahanin pa yung nakaraan.
Kaso kahit anong pigil ko, dumadaing pa rin yung galit at sakit sa puso ko.
"Oh please. Don't just run away." bungad sakin ni Qwerty. Hinabol niya pala ako. "Buti naman at mas nauna pa ako kay Kerk na habulin ka."
"Ano bang problema mo?!" pagtataas ko ng boses.
Sa totoo lang, gustong-gusto kong runutin na ang babaeng ito na para bang ipis.
"Problema ko?! IKAW!" sagot naman niyang pasigaw.
"Ako?! Psh. Kung tungkol 'to kay Kerk, sige! Lunukin mo na siya dahil iyong-iyo na siya. Pati buto't kaluluwa niya sayong-sayo na." sabi ko.
Tumawa naman siya ng mahina.
"Ewan ko nga sayo." sabi ko at naglakad papaalis.
Bigla niyang hinawakan ng mahigpit yung kaliwang braso ko.
"Huwag mo akong talikuran. Magtutuos pa tayo." sabi niya.
"Magtutuos?! Tapos ano ang premyo?! Si Kerk?! Pwede ba! Tumigil ka na lang! Sayo na nga siya hindi ba? Nagtagumpay ka na nga sa plano mong agawin siya sa akin hindi ba?! Ano pa ba ang gusto mo? Hindi ka pa ba nakuntento noon sa pang-aagaw mo sa kanya kaya ngayon ay may round two pa?!" sigaw ko.
Haaaaaaaaaaaay.
Nasabi ko tuloy. Psh.
"Ano bang pinagsasabi mo diyan na inagaw ko siya dati?! Ay teka, gusto mo siya dati?!" sabi niya at tumawa pa.
Inalis ko yung pagkakahawak niya sa braso ko.
"Sige. Tumawa ka lang. Baka sakaling mabilaukan ka diyan." - ako
Tumalikod na ako sa kanya at nakita ko si Kerk na nakatingin sakin.
Nandito rin pala siya pati yung ibang estudyante ng BSA.
Dumiretso lang ako sa paglalakad ng bigla akong harangin ni Kerk.
"Ano yung sinabi mo kanina? Yung inagaw ako sayo ni Qwerty?" pagtatakang tanong niya.
"Wala yun." sabi ko ng nakayuko.
"Imposibleng wala yun." Hinawakan niya yung mga braso ko at tinignan niya ako sa mata. Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya. "Phia, ano yung sinabi mo kanina? Gusto mo ba ako?" tanong ulit niya.
"Wala nga yun!" sigaw ko.
"Denial. Denial. Denial." sabi naman ni Qwerty.
"Manahimik ka nga diyan!" sigaw ko ulit.
"Phia, sabihin mo sakin kung ano ang ibig sabihin ng sinabi mo kay Qwerty kanina. Naguguluhan ako." sabi ni Kerk.
Tumingin ako sa kanya ng naluluha.
"Ano yung kanina?" pag-uumpisa ko at lumayo ako sa kanya ng bahagya para matanggal yung pagkakahawak niya sa mga braso ko. "Wala ka bang naaalala dati? Yung mga panahon na parang 'TAYO' na kung magsama?" sabi ko.
Heto na.
"Naaalala dati? Ano bang pinagsasabi mo?" tanong niya.
"Wala ka nga talagang naaalala."
"Ano ba yun Phia? Sabihin mo sa akin." pagtataka ni Kerk.
"Nevermind. Limot mo na pala. Kausapin mo na lang ulit ako kung naaalala mo na." sabi ko sa kanya at tumakbo na ako papaalis.
Ayoko na magkwento.
Sasariwain ko na naman kasi yung mga panahon na nasaktan ako ng sobra.
"Phia? Bakit ka umiiyak?" tanong bigla ng isang lalaking nadaanan ko sa hallway.
"Hyrant." sabi ko at napayakap ako sa kanya. Napaiyak na rin ako lalo.
"Oh, bakit ka na naman umiiyak? May nangyari ba? Ano? Sabihin mo sakin Phia." sabi niya.
Umiling lang ako.
"Imposibleng walang nangyari."
Inalis ko na yung pagkakayakap ko sa kanya at tinignan siya sa mata.
"Naaalala mo pa ba yung mga oras na palagi kaming magkasama ni Kerk? Yung tipong parang hindi na kami mapaghiwalay sa isa't isa?" tanong ko kay Hyrant.
"Oo, bakit mo naman naitanong?" -Hyrant
"Yung mga panahon kasing yun ay napamahal na ako sa kanya." sabi ko at napayuko na lamang ako sa harapan ni Hyrant.
Tinitignan ko yung bawat patak ng luha ko na tumutulo papunta sa sahig.
"Alam ba yan dati ni Kerk?" tanong niya.
"Alam niya. Kaya lang, isang araw, pagbalik niyo after ng isang linggo galing sa eskwelahan na exclusively for girls ay hindi na ako kilala ni Kerk. Hindi ko alam kung bakit ganun. Akala ko nga biro niya lang yun kaso tinanong ko siya ng mga bagay-bagay na kami lang na dalawa ang nakakaalam pero wala siyang nasagot. Tapos nalaman ko na lang bigla na may girlfriend na daw siya. Ang saya, hindi ba?" sabi ko at napa-fake smile pa ako sa sahig.
"Ano kasi Phia, uhm, may nangya...may nangyari nung mga panahon na iyon." sabi ni Hyrant na kinakalikot niya yung mga kamay niya.
Tinignan ko naman siya.
"Nangyari? Anong ibig mong sabihin?" pagtataka ko.
"Ano kasi Phia...ano..uhm,ano..."
"ANO?"
"Nung huling araw na nagkausap kayo ni Kerk,.." tapos huminga ng malalim si Hyrant at nagsabing:
"May nangyaring trahedya kay Kerk."
sdExc2D4
BINABASA MO ANG
He's a DANCER,She's a SINGER
RomanceALL RIGHTS RESERVED.Places,incidents,and the names of each of the characters in this story are products of the author's imagination.Any resemblance to the story is highly coincidental.I apologize if it did so. [author]