Hyrant's POV
"Tra..trahedya? Ano bang sinasabi mo?" tanong ni Phia habang tinititigan niya ako sa mata.
Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya.
Ayoko sanang sabihin 'to sa kanya at ayaw ko rin naman na makita siyang nasasaktan. Kaso kailangan niyang malaman kung ano ang nangyari nung araw na iyon.
"Nung araw kasi na pauwi si Kerk sa kanilang bahay galing sa bahay niyo, napaaway siya ng da..ng dahil sayo." sabi ko at napayuko na lang ako.
"HA?! Ng dahil sa akin?! Pero BAKIT?" pag-aalalang tanong ni Phia.
"Nakipag..."
"Hyrant. May usapan tayong magkakaibigan." biglang sulpot ni Yupio.
"P..pero kailangan niyang malaman yung nangyari kay Kerk! Siya ang tunay na biktima dito Yupio!" pasigaw kong sabi.
"SABIHIN NIYO NA KASI SA AKIN KUNG ANONG NANGYARI! NAGUGULUHAN NA AKO!" sigaw ni Phia sa abot-makakaya ng kanyang boses.
"Phia, mas mabuti ng hindi mo malaman kung anong nangyari. Mas lalo ka lang masasaktan." kalmadong sabi ni Yupio.
"Hangga't hindi niyo sakin sinasabi kung ano yung nangyari kay Kerk, masasaktan at masasaktan pa rin ako dahil iisipin ko na AKO yung dahilan kung bakit yun nangyari kay Kerk. Ako yung dahilan kung bakit nagawa niya akong kalimutan ng ganun-ganun na lang." sabi niya at mas lalo pa siyang humagulgol sa iyak.
"Phia. I'm so sorry." tapos biglaan na lang akong tumakbo paalis sa kanila.
"Teka, TOL!" tawag naman ni Yupio.
Hindi ko na nagawang lumingon pa sa kanilang dalawa.
Ayaw ko ng ganito.
Nakikita ko pa lang si Phia na umiiyak at nasasaktan, mas lalo kong gustong sabihin sa kanya kung anong nangyari. Magalit na siya sa akin, eh di magalit. Kasalanan ko rin naman ang lahat eh.
Dapat ako yung nasasaktan dito. Hindi si Kerk o si Phia. Dapat AKO.
"Hyrant, anong nangyari sayo? Bakit ka umiiyak?" tanong ng isang lalaki ng tumigil ako sa pagtakbo at napasandig sa pader habang nakayuko.
"Kerk, ikaw pala yan." sabi ko.
"H..Hyrant, bakit ka umiiyak?" tanong ulit niya.
Hinarap ko siya at tinignan siya ng malalim.
"Bakit ako umiiyak?" tapos napatawa ako ng bahagya. "Alam mo ang sakit eh. Ang sakit sakit makita na yung babaeng pinapahalagahan mo, yung babaeng minamahal mo ng sobra sobra eh nasasaktan lang ng dahil sayo. Alam mo yung feeling na yun?"
"Ah, Hyrant, ano bang pinagsasabi mo?"
"Wala ka ba talagang naaalala? Hindi mo ba siya naaalala?"
"Naaalala? Teka, sinong siya?" pagtatakang tanong ni Kerk.
"Si Phia."
"Naguguluhan na ako Hyrant. Tinanong din ako ni Phia kung may naaalala ako. Wala na akong alam sa mga nangyayari."
"Ayos lang yan." sabi ko sabay hawak sa balikat niya at inalalayan niya naman akong tumayo. "Dapat ka naman talagang maguluhan. Wala kang naaalala eh."
Nagsimula ulit akong humakbang papalayo sa kanya ngunit hinawakan ni Kerk yung braso ko.
"Hyrant."
"ANO?!" pagtataas ko ng boses. "Inagaw mo na sa akin pre si Phia. Pati ba naman yung oras na kailangan kong mapag-isa, aagawin mo pa?!"
"What?! Inagaw sayo si Phia? Hyrant, sa simula pa lang kayo ng dalawa ang palaging nagsasama. At hindi ko siya inagaw sayo. Sino ba kasi ang nagsabi na girlfriend ko siya? Hindi ba ikaw?! Kaya ikaw lang naman ang may kasalanan ng lahat ng nangyayari eh!"
Hinawakan ko bigla yung collar niya at naramdaman kong biglang nag-init sa galit ang buo kong katawan.
"Huwag mo akong pagbintangan kung bakit lahat ng ito ay nangyayari. Atsaka, hindi ko sana palaging kasama si Phia kung hindi mo siya nakalimutan. Hindi sana ako magkakaganito kung hindi ako na-attach sa kanya dahil diyan sa lintek na pagkalimot mo." sabi ko at binitawan ko na yung collar niya na sa ngayon ay gusot na gusot na. "Alam mo ba hah? Na dati, kayong dalawa ang palaging magkasama? Kahit saan pumunta ang isa man sa inyo, palagi kayong magkasama. Ni hindi na nga kayo mapaghiwalay eh! Pero nagbago ang lahat nung may mangyari sayo. At ang masaklap dun? Si Phia yung naging dahilan kung bakit nangyari yun sayo. YUNG BABAENG PINAKAMAMAHAL KO ang naging dahilan ng pagkabagok ng ulo mo."
"Anong sabi mo?" gulat na tanong ni Kerk.
"Oo, tama yung pagkakarinig mo. Nabagok ulo mo dahil nag-away tayo sa gitna ng daan dyes oras na ng gabi. Ngayong alam mo na, naaalala mo na ba ang lahat hah?" sabi ko at tuluyan na ngang umalis sa harapan niya.
Ayoko na.
Gusto ko ng umalis dito. Ayaw ko ng magkagulo-gulo pa lalo ang mga buhay nila ng dahil sa akin at mas lalong ayaw ko ng makita pa si Phia...
na nasasaktan ng sobra.
KRWJ
BINABASA MO ANG
He's a DANCER,She's a SINGER
Любовные романыALL RIGHTS RESERVED.Places,incidents,and the names of each of the characters in this story are products of the author's imagination.Any resemblance to the story is highly coincidental.I apologize if it did so. [author]