Chapter 24

742 13 0
                                    

Daddy

After a week marami pa rin namang nangbubully sa school pero push lang and now I have another problem..

"Mom?" Isang gabi natutulog na si Cassy at ako naman ay bumaba para uminom ng tubig at nakita ko si mommy na umiiyak sa salas namin
"Mom why are you crying?" Tanong ko nang mapansin niya ako
"No it's nothing baby" palusot niya at pinunasan ang mga luha sa mata
"Come on mom, alam ko kapag may problema ka tell it" pagpupumilit ko
"Baby, your dad" pangunguna niya
"What about dad hindi na niya ba kayang magtrabaho? I can handle the company" pag aalala ko
"No your dad, hindi pa siya umuuwi simula nung isang araw pa, I think may babae siya. Kinausap ko siya kanina sa cellphone at uuwi daw siya bukas" paliwanag ni mommy
"Yun lang naman pala-- what?! I thought umuuwi siya ng bahay and umaalis rin ng maaga?" Ano kayang nangyari kay dad sana naman hindi tama ang hinala ni mommy na may babae siya. I swear to God ipapakulam ko yung babae niya. Pero may anak kaya sila? Sana naman babae. Wait what? What are you thinking Nikki it's not good.

Kinabukasan bago ako pumuntang school ay pinalakas ko muna ang loob ni mommy. Natuwa si mommybsa sinabi ko kaya nang feel ko ay medyo okay na siya pumunta na ako sa school.

"Good Morning class" si ma'am. "Today class ay magkakaroon tayo ng groupings para sa project ninyo" si ma'am. Habang sinasabi ni ma'am ang magkakagroup ay kinalabit ako ni Alex. "ano kayang gagawin" sabi ni Angel "oo nga sana naman masaya" si Alex "huy tinatawag na yung pangalan natin" singit ni Ice
"ito ulit ang last group" "Ice, Nikki, Angel, Alex, MINA, Sean, Mindy, Shella, and Jenna" sabi ni ma'am. Nice magkakagroup pala kami. "so ang gagawin ninyo ay magtitinda kayo ng personalized things and yung price ay hindi tataas ng 30 pesos. Yung maraming napagbilhan ay automatic na perfect ang score" pagkatapos nun ay nagusap usap na kami sa mga pwede nating ibenta.
"So dahil students tayo pwede tayong magtinda ng bookmarks. But not ordinary bookmarks yung bookmarks na meron ring naka kabit na horizontal na bookmark para nandun na yung page at alam na agad nila kung saan tumigil" si MINA
"Pwede rin namang keychains na emoji or pwedeng lagyan ng pictures" Si Max
"Pede ring patches na pwedeng idikit sa bags or sa damit nila" ako
"Pwede ring temporary tattoos diba uso yun" si Jenna
"Pede rin tayong gumawa ng personalized chokers" si Mindy
"Ok, hinay hinay lang pwede natin yan gawin lahat at magaganda rin ang ideas niyo kaya lahat ng sinabi ninyo ay gagawin natin" masayang sabi ni Angel.

After ng paguusap namin ay natapos na ang klase
Fastforward

Uwian na at nakalabas na ang lahat ng kaklsae namin bukod sa aming walo.
"So kailan tayo gagawa ng ibebenta natin diba sa monday daw ang start" si Shella "Sa amin nalang sa saturday mamimili muna tayo ng 10:00 am tapos pupunta sa bahay para gawin yung mga products nati" si Alex. At sumang ayon naman kaming lahat

Nang mag Sabado na ay napag isipan naming sa Divisoria mamili tutal ay malapit lang ang bahay nila Alex dun at mura ang ang mga bilihin. Dalawang kotse ang ginamit namin kotse ko at ang kotse ni Ice. Alam naman namin ang papuntang divisoria kaya wala kaming naging problema.

"We're here!" Masaya kong sabi pagka baba naming lahat. "Tara mamili na tayo" masayang sabi ni Ice sabay hila sa akin sa 168 mall.
(Background music: Growing up by: Gimme 5)
Ewan ko ba pero, pagakatapos naming mamili parang naging mas close pa kami at nawala ng konti yung akwardness namin ni Max. At nagtatawanan na rin silang dalawa ni Ice. "Tama na yang tawanan. Punta na tayo kela Alex" sabi ko sa kanila. At pumunta na nga kami kena Alex

"Nandito na tayo" sabi ko sa kanila at pinark ang kotse sa harap ng bahay. "Kukunin ko na yung ibang gamit natin" sabi ko at bumaba na ng kotse. Nang kukunin ko na ang isang bag ay nagulat ako nang abutin rin yun ni Max na nakababa na rin pala ng kotse. "Ako na" kaya binigay ko na sa kanya yung bag at kumuha na lang ng mas magaang. Well at least wala na yung akwardness. Well I'm just curious nasabi kaya ni Max kay Alex na mag- ex kami? Hays nevermind.

Pumasok na kami ng bahay at tumambad sa amin si tita na naghahanda na pala ng lunch. "Oh saktong sakto. Tara maglunch muna kayo" bago pa kami makapunta sa kusina ay mayroong lalaking kasing edad lang ni tita na lumabas galing sa isang kwarto at lumapit kay tita. "Hon. Alis na ako ha alam mo naman." Sabi niya "sige sigurado ako na nagaalala na yun sayo" si tita "bye dad" si Alex at nang humarap ang lalaki ay nagulat ako sa nakita ko "daddy?!" Bulong ko sa sarili ko. I- I can't believe it. At nilagpasan niya lang ako na parang hindi niya ako anak, na parang hindi niya ako kilala. "Rest room lang ako" sabi ko na nanginginig ang boses.

Pumasok ako sa CR at doon ko nilabas ang emotion ko. Bakit. Bakit dito ko pa siya nakita kasama ang babae niya. Bakit si Alex pa yung half sister ko. Lahat nang yun ang nasa utak ko nang bigla kong maalala ang nangyari bago ako maalsidente

...
Nasa parking lot kami ni mommy ngayon at nakita ko si daddy na may kasamang girl na kasing edad niya lang at girl na kasing edad ko rin na naglalakad papunta sa isang kotse "Mommy si daddy oh" sabi ko na nakatingin sa naglalakad na parang isang pamilya "hi- hindi iyun ang daddy mo anak" sabi ni mommy "pero siya yun mommy" sabi ko at tumakbo papunta sa kinaroroonan nila.  Pero huli na ang lahat bago ko pa makita ang kotse. At nabangga ako nito at tumama ang ulo ko sa sahig. Bago pa ako mawalan ng malay ay narinig ko ang dalawang boses na tinawag akong anak.

...
Patuloy parin ako sa pagiyak at pagwawala. "Aahhh. Bakit sa akin pa nangyari ito. Bakit" pagaksabi ko nun ay biglang sumakit ang ulo ko at hindi ko na alam ang nangyari.

Ice's POV
Mag iilang minuto na si Nikki dun. Alam ko na si tito yung tinawag na dad ni Alex. Hindi ko muna sinundan si Nikki kasi alam kong umiiyak siya sa CR pero ang unusual kasi na inaabot siya ng 10 mins dun. "Punatahan ko lang si Nikki" sabi ko "sige kanina pa siya dun eh pakisabi lalamig na yung pahkain" si Alex at nagmadali na akong pumunta sa CR.

"Nikki?"
"Nikki ayos ka lang?"
Nikki sumagot ka!" Ilang beses na akong kumakatok dito pero naka lock pa rin yung pintuan. Kinakabahan na ako kahit boses niya hindi ko marinig.
"Alex meron kayong susi ng CR hindi kasi sumasagot si Nikki sa loob" nag aalala kong sabi kay Alex
"Saglit" si Tita at sinundan siya ni Alex.

Nabuksan na namin yung pinto ng CR. At tumambad sa amin si Nikki na nakahandusay at walang malay sa sahig, halatang umiyak siya ng umiyak. Dinala namin siya sa ospital para macheck kung anong nangyari.

Sana walang mangyaring masama kay Nikki lalo na't nakita niya mismo ang panlolokong ginawa ng daddy niya

Make Overing The Campus Nerd (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon