Bye
Nasanay na akong maging nerd this past few weeks. Kasabay noon ay ang pagiging kakaiba ni mommy. Hindi siya nagsasalita. Magsasalita na lang siya kapag kakausapin. Madalas siyang nakatulala, she didn't even smile kahit nag jo-joke si mommy.
"Cassy?" Sabi ko at pumasok sa room ng kapatid ko. "Yes ate what's up?" Sagot niya. "Let's talk about mom" straight to the point kong sabi. "She's being wierd this past few weeks. Hindi na nga niya sinasakyan mga jokes ko ehh. Sobrang corny na ba ng jokes ko ate?" Sabi niya at nakuha pa talagang mag biro. "It's a serious case cassy. There's something wrong with mom simula noong nagkahiwalay sila ni dad. And it got worst nitong mga nakaraang araw lang" sabi ko in frustration. "By the way ate. Pumunta nga pala dito si step monster I mean step mother nung Monday. Iniimbitahan nila tayo sa kasal nila ni dad." Sabi ni Cassy. That's why. "Bakit ngayon mo lang sinabi? Kailan daw kasal?" Sabi ko. So that's the reason kung bakit lalong nagiging wierd si mommy. "Next sunday ate. Di nga ako kinuhang flower girl ehh." Sabi niya. "We are not going" sabi ko "okay lang ate. May group study pa kaming magkakaklase kasama si crush" sabi niya napataas ang isang kilay ko sa sinabi niya. "Kala ko ba wala munang love?" Sabi ko at humalukipkip. "Ate crush lang naman ehhh" harot "Fille nommée Cassy" sabi ko na I'm sure naintindihan niya. "Hindi no ate I'm enjoying my childhood" sagot niya. "Kailangan nating kausapin si mommy" sabi ko. Tumango naman siya bilang sang ayon "Ate. Nga pala malapit na birthday mo ahh. Magse-celebrate ka ba?" Sabi ni Cassy. Oo nga pala nakalimutan ko na birthday ko dahil sa stress. "Not now. Marami tayong problema alam mo yan." Sagot ko sa kanya
Bumaba na kami sa sala ni Cassy para kausapin namin si mommy. Pagbaba namin ay naabutan namin si mommy na balak uminom ng maraming gamot buti nalang ay napigilan namin. "Mommy anong ginagawa mo!" Gulat kong sabi at hinawi ang kamay niya. Nakita ko ang mga luha ni mommy na walang tigil na umaagos sa mata niya. "Anak hindi ko na kaya. Parang wala na akong silbi sa mundo" sabi ni mommy "don't say that we need you. Wag niyong sayangin yung buhay niyo kailangan namin kayo ni Cassy" sabi ko sa kanya at may tumulo na ring luha sa mata ko. Si Cassy rin ay umiyak na. "I still love your dad pero wala na akong magawa dahil may mahal na siyang iba eh" sabi ni mommy. Seeing my mom broken hearted makes me want to kill someone who hurts her which is my dad. "We don't need dad. Hindi natin kailangan ang lalaking yun kung alam naman naming sinaktan niya ang puso mo mommy" sabi ko sa kanya at niyakap siya. Si Cassy rjn ay sumali na sa yakap. Now I'm afraid to lose my mom kailangan kong panoorin palagi kung anong gagawin niya
Days have past ag maslalong tumatamlay si mommy. Pati ako ay nawawalan na rin ng ganang pumasok kung hindi lang ako pilitin ni Cassy. "Ate kung hindi ka papasok lalong manghihina si mommy at malulungkot" yan ang palagi kong naririnig sa kanya kapag ayokong pumasok at gusto kong tutukan si mommy. Wala na akong magawa kundi sundin siya.
Bukas na ang kasal pero wala kaming balak pumunta. Sino ba naman gustong makita ang dad niya na ikakas na sa ibang babae? Nasa room ako at ginagawa ang mga assignments at projects ko ng tumawag si dad. "Pupunta ka bukas?" Bungad niya. "No I have assignments and projects same as Cassy may group study sila bukas" sabi ko. "I understand. Sorry Nikki for everything" sabi niya "I understand" sabi ko at binaba na ang cellphone. "Ate sabihin mo kay mommy ahh na may pupuntahan ako bukas" bungad ni Cassy nang pumasok sa kwarto ko. "Oo Cassy" sabi ko at may tumawag ulit sa cellphone this time ay group video call. "What's up?" Bungad ko. "Pupunta ka bukas?" Tanong ni Alex "Sorry di ako pupunta bukas. I hope you understand" sabi ko tumango naman siya at ngumiti. "So anong balak mo bukas?" Si Ice "wala dito lang sa bahay" sagot ko. "Gusto mo kasama? Date tayo sa bahay niyo" sabi niya. "Di ka ba pupunta sa kasal nila daddy?" Sabi ko sa kanya "wala ka naman dun eh" sabi niya at nagpout nagpacute pa. "Sige na" sabi ko "yes!" Masaya niyang sabi. "You sure na di ka na pupunta?" Singit ni Max. "Sorry talaga" sabi ko. Nagusap pa kami ng barkada pagkatapos ay inend na rin ang video call.
Kinabukasan ay kasal na nila dad. Wala naman akong balak pumunta at si Cassy naman ay umalis na. It's already 10:30 nang pumasok ng biglaan si Ice. "Good morning" bati niya. Niyakap ko siya niyakap niya ako pabalik at hinalikan sa noo. "Good morning" bati ko pabalik "where's tita?" Sabi ni Ice sakto naman na pababa na si mommy. Wait bakit siya naka ayos?" "Mom saan ka pupunta?" Sabi ko. "Ahh sa mga amiga ko magbo-bonding lang kami" sabi niya. But there's something na kakaiba? Nevermind. "Sige mom take care!" Sigaw ko dahil nagmamadali siyang lumabas. Nakita ko na pumasok siya sa sasakyan at tuluyan nang naka alis. "So tayong dalawa na lang nandito" sabi niya at nagtaas baba any kilay. "Hoy wag kang ano!" Sabi ko at tumawa "pero parang may kakaiba kay tita?" Sabi ni Ice "I know. Nagsimula yan noong nagkahiwalay sila ni dad" sabi ko. "Wag mo munang isipin yun. Hayaan nating makapag move on si tita. Let's have fun nalang muna" sabi niya at niyakap ako.
Gabi na nang umuwi si Ice at si Cassy naman ay kanina pa nandito. Wala pa si mommy at kinakabahan na ako. Nang may tumawag. Si mommy. "Hello mommy nasaan ka?" Bungad ko. "Is this Nikki the daughter of Mrs. Dizon?" Sabi nung nasa kabilang linya. "Uhm yes po anong nangyari kay mommy?" Sabi ko. "Sorry Ms. Nikki pero, wala na po ang mommy niyo." Sabi nung nasa kabilang linya. No way. No. No. No. Not now mommy. Unti- unting tumutulo ang luha ko sa narinig. "Ano pong nangyari" sabi ko habang humahagulgol. "Pumunta ka nalang dito sa hospital para maipaliwanag sa inyo ang nangyari." Sabi niya. "Sige thank you" sabi ko at binaba na ang cellphone. "What am I going to do now. Oh my God" sabi ko sa sarili. "Cassy! Cassy!" Tawag ko. "Ate bakit ka umiiyak" sabi niya. "Pumunta tayo sa hospital" sabi ko hindi na siya umapila at pumunta na nga kami.
"Ano pong nangyari" sabi ko nang makita ang kumausap sa akin sa telepono. Parang galing siyang kasal. "Kasi Nikki. Nabangga ang kotseng sinasakyan ng mommy mo. Sumalpok ito sa puno na malapit sa reception ng kasal na pinuntahan ko--" I interrupted her. "Kanino pong kasal?" Sabi ko "Nikki" may tumawag sa akin. Si Alex parehas ng suot sa babaeng kausap ko. No way. Lumapit siya sa akin at niyakap ko siya. "I'm sorry Nikki" sabi ni Alex. "It's my fault dapat sinundan ko siya. Dapat hindi ko binalewala ang pag mamadali niya" sabi ko habang humahagulgol parin. Nagulat ako ng lahat ng barkada ay nasa ospital pati na rin si Ice. "No it's not your fault" sabi nila at kinomfort ako.
Hanggang sa burol ni mommy ay hindi ako makapaniwala na wala na siya. Hanggang sa ililibing na siya. Dumating si daddy at tita sa libing ni mommy. Sinabi niyang nalungkot siya sa pagkamatay ni mommy pero tinakwil ko siya. "Sana inisip niyo yung nararamdaman ni mommy! Sana totoo yang mga sinasabi mo na nalulungkot ka sa pagkamatay niya! Alam mo hindi naman mangyayari ito kung hindi dahil sayo!" Sabi ko sa kanya. Pinakalma ako ng mga kaibigan ko.
Bago inilibing si mommy ay nagbigay muna ako ng message sa kanya sa huling part ay nagpaalam na ako sa kanya. "Bye mommy"
BINABASA MO ANG
Make Overing The Campus Nerd (COMPLETED)
Ficção AdolescenteKwento ng isang babaeng transferee. Maganda, mayaman, matalino. Ang problema, siya ay isang nerd. Magiging kaibigan niya ang mga magaganda, mayayaman at matatalinong, Queens pala ng school. Pero, hindi nila ito kakawawain, dahil makikita nila ang ka...
