Christian Academy
"Nikki na check mo na ba ang mga stocks natin?" Sabi ni dad. It's been two years simula ng magtrabaho kami ng squad. Kahit na magkakaibang companies, we still see each other dahil magkakaparters ang company namin. "Yes dad ito yung bilang nung stocks" sabi ko. "Pumunta ka ba sa meeting with the sister companies?" Tanong ulit ni dad. "Yes dad pumunta po ako" sagot ko. "And nasaan yung mga--" pinutol ko na si dad. "Yung mga pinapapirmahan mo po? Ito na. And all of my paper works for today are done" sabi ko kay dad. "Nice job. It's 5pm you can go now if you want kasi narinig ko kay Alex na magkikita kayo ng mga kaibigan mo" sabi ni dad. "Thanks dad. I'll go ahead" sabi ko sa kanya at umalis na sa harap niya. May pagka chismoso pala si dad hahaha. "Hi mom! Good afternoon nasa office ko si dad bye! I love you" sabi ko kay mommy at hinalikan siya sa pisngi. "Okay. Bye Nikki take care I love you!" Sigaw sa akin ni mommy dahil nasa malayo na ako.
"Hi! I'm Sandra Nicole Dizon, pinatawag po kami dito ng principal" sabi ko sa guard dahil mahigpit na pala dito sa Christian Academy. "Ah sige ma'am pasok na po" sabi nung guard. Pinark ko yung kotseng dala ko, malapit sa entrance ng school.
It's been seven years simula nung iwan ko itong school na toh. And now I can't believe that I am here again! Papunta na ako sa garden kung saan kami palaging tumatambay and nandoon na sila. "Sis! Ba't ngayon ka lang?" Si Alex. "At ikaw bakit mas nauna ka pa sa akin? Nandun nga si mommy nung umalis ako eh!" Sabi ko sa kanya. "Sorry sis! Si mommy kasi yung naghatid sa akin dito. Tapos dumiretso na si mommy sa office" sabi ni Alex. "Okay! Let's go diba pinapatawag tayo ni Ms. Agoncillo" sabi ko. "Ah oo may sasabihin daw sa ating importante" sabi ni Jenna.
Lahat kami ay pumunta sa office ng principal. Namiss ko itong school. Imagine dito nangyari ang worst and happiest days ko nung 4th year high school. "Hi ms. Agoncillo! Beautiful as always" sabi ni Ice. "Hi mr. Vergara! Mambobola as always" sabi ni ma'am ginaya yung tono ni Ice. "You all look so professional! What happened to you mr. Vergara" pang aasar ni ma'am. We all laughed and nakasimangot si Ice. Hays my Baby. "Ganyan talaga yan ma'am even at work he doesn't want to wear formal attire" paliwanag ko. Nagkwentuhan pa kami about iur present lives and biglang nagseryoso si ma'am.
"By the way. Kaya kayo nandito, Nikki, Alex, Angel, MINA, Jenna, Mindy, Shella, Ice and Max is dahil I want you to help me." Sabi ni ma'am. "What kind of help po?" Si Shella. "Help about the students here in Christian Academy" sabi ni ma'am. "Uhm can you explain?" Si MINA. "I can't explain now. But clear all your scheds tomorrow buong araw para maipaliwanag ko ng maayos" sabi ni ma'am.
Yun nga ang ginawa namin. Pagkauwi, we clear all the schedules for tomorrow. And kinabukasan. 7am ay nasa school na kami. "Good morning" sabi ni ma'am. "Good morning ms. Agoncillo!" Sabay sabay naming sabi just like before. "Let's go. Tutal tuesday naman ngayon, walang flag ceremony kaya perfect timing to see the regular day of our students here" sabi ni ma'am. "Ma'am balita ko po na wala nang college dito." Sabi ni Shella. "Ahh yes. Mas tinutukan ko kasi ang senior high school" sabi ni ma'am.
"Woah! May nagkakaguluhan doon" sabi ni Ice. "Oo nga ma'am" sabi ko. "Tara tignan natin!" Si MINA. "Excuse me students!" Sigaw ni ma'am pero walang pumansin sa kanya. "Excuse me!" Sigaw ni Jenna. At hinawi ang mga estudyante. Nakita namin ang isang babae na sinasabunutan ang kapwa babae na walang kalaban laban. "Pag di mo tinigil yan I'll make sure that you and your family's life will be ruined!" Pananakot ko sa babae. Tinigil niya ang pananabunot sa kawawang babae at dinaluhan ito nila Angel, Mindy at MINA. Samantalang ang iba ay nasa likod ko. "Who are you to scare me?!" Sabi ng babae sa akin. "I'm Sandra Nicole Dizon" pamimilosopo ko. "B*tch!" Sabi niya at akmang sasampalin ako pero napigilan ko siya. "Thank you for calling me the queen, I miss that" sabi ko at ngumiti sa kanya. "I'm the queen!" Sigaw niya. "Darling what grade are you?" Sabi ni Jenna. "Grade 12" sagot niya. "I see so elementary ka pa lang nung fourth year kami, or nagtransfer ka dito nung gumraduate kami" si Mindy. Buglang may tumakbo palapit sa babaeng queen ng school.
"OMG! Queens!" Sabi niya nung napansin niya sila Angel na kasama ang nerd. "Oh my goodness, Queen Nikki!" Gulat na sabi ng babae. Ngumiti ako sa kanya. "Naalala mo pa pala kami whoever you are" sabi ko.
Halos lahat na ng high school students ay nasa paligid namin. "Who is she?!Who are they?!" Sigaw nung queen sa kaibigan niya or alalay. "They are the queens before maliban dun sa tatlong babaeng nasa likod ng kinakalaban mo" sabi niya sa W . "Is she the Nikki you're talking about?!" Gulat na sabi niya. Tumango ang babae. "I'm so sorry for almost hurting--" pinutol ko na siya sa sinasabi niya. "I see, but sorry darling your sorry is not accepted." Sabi ko sa kanya at may binulong kay ma'am. "Ma'am can we have the rights para tanggalin siya bilang queen? Or rule parin ba nila ang rule dati?" Bulong ko sa kanya. "You have all my blessings kung ano man ang gawin niyo." Sabi niya.
"Alex, Angel, MINA the rules of this school" sabi ko sa kanila at mukhang naintindihan naman nila. "Ehem! Students of Christian Academy!" Sigaw ni Angel. "Okay. So isa lang ba ang queen dito?!" Sigaw ni Alex para marinig ng lahat ng students. "Hindi but all of them are good" sabi ng isang estudyante. "So what kind of queen is she?!" Si MINA. "She's the queen of all queens ms. MINA" sabi nung kaibigan ng "queen" "I see. So, you" turo ko sa queen nila. "You know the rules if this school right? Especially the rules for the queens" sabi ko. Tumango siya. "YOU don't have the rights to bully someone. YOU don't have the rights para mang alila. And YOU don't have the rights to be the queen of all queens dahil sa rules kahit ilang queens pa kayo you are all fair walang lalamang walang maiiwan. And if you break the rules." Tumigil ako para ngumiti sa kanya. "Sanayin mo na ang sarili mo na maging ordinary student. Bye bye queen" sabi ko.
"Sorry miss but the old queen of this school knows all the rules for the queens" sabi ni Ice. "Sorry miss but your life being a queen ends here" si Max. Umiyak na ang babae at walang nagawa. "So students of Christian Academy" sabi ni Mindy at pumunta sa harap. "If someone breaks the rules of this school will have a punishment" si Shella. "Wag kayong pakampante na hindi namin malalaman yung mga ginagawa niyo because starting now we'll be watching you." Sabi ni Jenna. "And you." Baling ko sa babaeng natatakot pa. "If someone hurts you again matuto kang lumaban hindi lahat ng tao ipagtatanggol ka. You look familiar so siguro alam mo ang story ko sa school na ito" sabi ko at tumango siya. "Hindi ako malakas na tao dati. But I learned to fight back not hindi sa pananakit but I fight back by showing them that I am strong" sabi ko sa kanya at bumaling na sa lahat ng estudyante. "So you students of Christian Academy, I know some of you are afraid to fight back. But bullies hindi porque hindi na lumalaban sa inyo ay mahina na. I know that you bullies are just insecure and you bullied students are just to afraid to fight back. Be brave and fight for your rights" sabi ko sa kanila. "We are watching you students babalik kami dito palagi to see some changes okay?" Sabi ni Angel. Pero walang sumagot. "Is that clear?!" Sigaw ni Alex. "Yes po!" Sabi ng students.
Pinabalik na namin sila sa kani kanilang classes. I hope sa susunod na pagbalik namin balik sa dati na ang Christian Academy na payapa at walang gulo.
BINABASA MO ANG
Make Overing The Campus Nerd (COMPLETED)
Teen FictionKwento ng isang babaeng transferee. Maganda, mayaman, matalino. Ang problema, siya ay isang nerd. Magiging kaibigan niya ang mga magaganda, mayayaman at matatalinong, Queens pala ng school. Pero, hindi nila ito kakawawain, dahil makikita nila ang ka...