Forget
It's been a week nang mailibing si mommy. Nalulungkot pa rin ako dahil wala na siya. Hindi ko na masyadong natututukan ang studies ako kaya palaging nasa babay si Ice para icomfort ako.
"Queen you need to study" pilit niya sa akin. "I just can't I miss mommy" sabi ko. Nasa sala kami ngayon it's sunday kaya walang pasok. "Tara" sabi niya at hinila ako palabas ng bahay at papunta sa kotse. "Pasok may pupuntahan tayo" utos niya. Umirap ako at walang nagawa kundi pumasok. "Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko. "Use miss your mom right" sabi niya at sumulyap sa akin. "Ye-- OMG don't kill me!" Sabi ko at nagwala. Si Ice naman ay humagalpak sa kakatawa. "My queen wag kang O.A. Basta trust me" sabi niya at hinawakan ang kamay ko. Kumalma naman ako sa ginawa niya kaya tahimik lang ako buong biyahe.
Hindi ko namalayan na, nasa tapat na kami ng sementeryo. "Oh my God. Bakit tayo nandito" sabi ko sa kanya. Ito yung sementeryo kung saan nakalibing si mommy. "Namimiss mo si tita right? Tara let's talk to her" sabi niya sa akin. Pumasok kami sa loob ng sementeryo hanggang sa makapunta kami sa tapat ng puntod ni mommy. Halatang bagong libing palang dahil wala pang masyadong mga dahon at medyo kalat pa ang lupa.
Suddenly tears roll down my eyes. "Shh please don't cry my queen" sabi niya at niyakap ako. Pinalis niya ang mga luha ko at humarap sa puntod ni mommy. "Hi tita. Miss ka ng ng love ko ehh. Bumababa na ang grades pagsabihan mo nga" sabi ni Ice na parang kaharap talaga namin si mommy. Tumawa ako sa sinabi niya pero naiiyak pa rin. "Talk to her" sabi ni Ice may nilatag na malaking tela. At pinaupo ako. "San galing toh?" Sabi ko dahil wala akong maalala na may binit bit siyang tela. "Just talk to her" sabi niya
"Hi mommy I miss you so much" panimula ko. "Bakit mo kami iniwan. You know what? Hindi na ako makapag aral ng maayos dahil wala ka na. And si dad..." Hindi ko nanaman mapigilan ang pag iyak. Kaya tinanggal ko ang salamin ko dahil lumalabo na ang paningin ko dahil sa luha. "Feeling ko wala na siya pakialam sa amin. Sa atin. Hindi na siya masyadong nakakapunta sa bahay. At kung tatawagan naman namin kung hindi busy, galit naman siya dahil may family dinner sila. Mommy hindi ko na kaya" tumigil muna ako saglit para humagulgol. "Mommy hindi ko na kayang mabuhay. Ang gulo gulo na. Hindi ko na kaya mommy." Sabi ko at ginulo ang buhok ko. "Sshh" si Ice pinapatahan ako. "I'm sorry, I'm sorry" sabi niya. "Mommy I miss you. I wish you were here para magtulungan tayo sa problema. I'm sorry dahil hindi ko napagaan ang loob mo" sabi ko. At nang medyo kumalma na ako sa kakaiyak ay nagpasya na kaming umuwi. "Bye mommy I love you" sabi ko at nagflying kiss sa lapida.
Umuwi na kami ni Ice. Medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil nakausap ko si mommy kahit na wala na siya nafi- feel ko pa rin ang presence niya. "Haay" bugtong hininga ko. "Feel better now?" Sabi niya ng marinig akong bumugtong hininga. "Medyo" sabi ko "bakit naman medyo lang" tanong niya. "Kasi alam kong hindi na mababalik sa dati ang lahat. The fact na ikinasal na si dad sa iba. And wala na si mommy" sabi ko at sumandal sa upuan to feel comfortable. "We know na hindi na maibabalik ang dati pero everything happens for a reason naman diba? Malay mo kaya nangyayari ito dahil may mas magandang mangyayari sa future" wow words of wisdom ni bebe Ice. Ngumiti ako sa kanya pagkatapos niyang sabihin ang lahat ng iyon.
Nakauwi na kami sa bahay ni Ice. Nagluto na ako for dinner. Yes I know how to cook natuto ako noong nasa CALI pa kami. Pagkatapos kong magluto ay naghanda na sila para kumain. As usual dito kakain si Ice."What happened nga pala kay tito sabi mo kanina nakalimutan na niya si tita?" Tanong niya habang kumakain. "We talked last day" sabi ko at ikinuwento sa kanya ang nangyari.
Flashback
"Dad mag- iisang linggo na palang wala si mommy noh?" Panimula ko ng sinagot niya ang tawag ko."What do you want?" Sagot niya na parang walang narinig. "I just want to talk to you. You know I need your comfort. I miss mommy. Hindi mo ba siya nami-miss?" Sabi ko. "I know wala na siya. Kalimutan mo na ang mom mo. Nakalimutan ko na siya you need to live your life." Sabi ko. "That fast!" Sigaw ko dahil sa inis. Hindi siya sumagot at narinig ko lang ang hinga niya. "Minahal mo ba talaga si mommy dad?" Tanong ko. Halata doon ang inis at iritasyon. "I'm busy anak I'll talk to you" sabi niya. "You always say that. Sana minahal mo talaga si mommy. Bye" sabi ko at binabaan na siya ng cellphone.
End of Flashback
"I didn't think that tito will actually say that" sabi ko pagkatapos ikwento sa kanya ang lahat. Bumugtong hininga lang ako sa sinabi niya. Tapos na kaming kumain at tumambay kaming dalawa ni Ice sa sala at si Cassy naman ay nasa kwarto niya. "I'm sorry for what's happening to your life" sabi niya habang nanonood kami ng TV. "You don't have to say that. Wala ka namang ginawa" sabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan. "Sorry, hindi kasi kita mapayuhan sa buhay mo ngayon. All I can do is damayan ka" sabi niya. "It's okay. Sobra sobra pa nga itong ginagawa mo para sa akin eh" sabi ko at ngumiti sa kanya. Ngumiti rin siya pabalik at niyakap ako. Niyakap ko rin siya pabalik. "I wish hindi nalang nangyari sa buhay ko toh" sabi ko. "Everything happens for a reason" sagot niya. "Okay fine. Sana hindi nalang bumalik ang ala- ala ko para hindi na masyadong masakit na nakita ko years ago na kasama niya ang kabit niya na ngayon ay asawa na niya" sabi ko. "Don't say that" umakbay siya at nilapit niya ang katawan ko sa katawan niya. "Malay mo sa future marealize ni tito ang mga pagkakamali niya. You know forgive him and forget all the memories in the past" sabi ni Ice. Bumugtong hininga ako sa sinabi niya. "I wish" sabi ko at hinilig ang ulo sa balikat niya
•••
10 chapters left 😘
BINABASA MO ANG
Make Overing The Campus Nerd (COMPLETED)
Teen FictionKwento ng isang babaeng transferee. Maganda, mayaman, matalino. Ang problema, siya ay isang nerd. Magiging kaibigan niya ang mga magaganda, mayayaman at matatalinong, Queens pala ng school. Pero, hindi nila ito kakawawain, dahil makikita nila ang ka...