Kabanata 5 - Illusions and Her Twin

709 20 0
                                    

K5 - Illusions and Her Twin

***

ALLINE

If I could have taken another step, nandoon na sana ako..

Hindi talaga mawala sa isip ko ang panaginip kong iyon. It keeps on bugging my mind.

I was about to open that gate and suddenly ginising ako ni Raisha. I am really curious about that place. It looks so astonishing.. I wonder why I am so caught up with my dream? Aside from the fact that I am a big fan of fantasy stories.. there's more that I couldn't figure out yet.

Maybe, not yet..

"Stop thinking about your dream, 'Line." My brother seriously said.

"What do you know about my dream, kuya? Tsaka pati ba naman pag-iisip ko pipigilan mo pa? Nasaan na ang free will ko kung ganoon?" Nakasimangot kong saad.

Bakit ba grabe siya kung maka-react? At bakit ang aga pa niyang pinatawag si Raisha? What's up with them?

"For now, you need to set aside what you dreamed about, 'Line. You're too caught up with your fantasy that.. " He trailed off. "Nothing." Bigla na lang itong ngumiti.

His statement was caught in mid air.

Ang bilis mag-change mood niya.

"Alline, let's go out!" nakangiting yaya sa akin ni Raisha. Bat andito pa 'to?

Kausap ko pa kuya ko, eh. Andami ko pa kayang tanong

Nakita ko si kuya at si Ice na nakaupo sa sofa. I caught Ice' stare. Napatigil ako. I hesitated coming near them.. or him.. That blue eyes again. Ang hilig nitong makipag-eye to eye sa purple eyes ko.

Pumunta na lang ako sa kusina. Ayaw ko ng pansinin ang dalawa. May sariling mundo ang mga ito eh. Ginugutom lang ako lalo sa pag-iisip.

"Sige na, bestfriend! Punta tayong mall." pamimilit sa akin ni Raisha.

I gave her a glare. Ba't ang kulit niya ngayon?

Nang maupo ako sa harap ng hapag ay sumunod na rin si Raisha pati na ang kuya ko at si Ice.

"Bakit ba ang aga nandito kayo?"
Ngayon ko lang naisipang itanong.

And now that I think about it, Ice has been here ever since the day I met him. Ni hindi yata siya umaalis ng bahay namin.

Wala ba siyang bahay? Parang wala naman akong narinig na sinabi ni kuya na dito na titira 'tong si Ice, ah. Pero 24 hours ko na yata siyang nakakasama.

"Bawal bang makikain?" naka-pout pang sabi ni Raisha.

I rolled my eyes at her.

Kain ba talaga ang punta nila dito? Marami namang pagkain sa bahay nila Raisha. Mayaman kaya ang mga ito.

"Hi, Alline, how's your day?" Oh, andito na pala ang mga magulang ko.

Nilapitan ko sila at nagmano.

"How's my day, Mama, eh kagigising ko lang?" Ang weird lang.

Anong tanong 'yan?

Ngumiti lang siya. Hmp. Hayaan na nga. Sabay na lang kaming nag-breakfast, pati 'tong dalawa na hindi naman taga-rito.

"Sabihin mo nga kuya, dito na ba titira si Ice?"

Biglang napatingin sa akin ang lalaking tinutukoy ko.

He smirked. "Why? Do you want me to?"

Psh! "Nagtatanong lang eh." Nakasimangot kong saad.

Nakakainis talaga 'tong si Ice. Hindi mo makausap ng matino. Ang suplado. Made of ice nga. Malamang noong bata to, binabad sa bloke ng yelo kaya naging ganito ka-stiff.

Heiress Of Aeraseis Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon