A/N:Hello sa mga nagbabasa! Please vote or comment if you like the chapter. Isinali ko 'to sa wattys2018 so I hope you could help me. 😂😂😂
Sorry for the late updates btw. I was busy.
So here it is! Show some feedbacks.
-myishi_chan
***
K40 - Floating Kingdom
***
Raisha
"Ano bang nangyayari sa kanya? Mukha siyang pinagsakluban ng langit at lupa." Narinig kong sabi ng isang storm nymph kay Tierra.
May sarkasmo sa kanyang pagsasalita at medyo sanay na ako. Maybe, she saw me sulking. And storm nymphs like her could feel my emotion. Pero hindi ko lang kasi maiwasang malungkot..
Why did it came to this? Bakit kailangan pa naming magkahiwalay?
"Pero kung tutuusin hindi naman siya masasakluban ng langit kasi nasa ibabaw siya nito. " sabay hagikhik ng isa pang storm nymph.
Well, they all look the same.
I somewhat understand her decision.. She have to do that for the Lost Kingdom pero paano naman siya? Paano kung manganib ang kanyang buhay na wala kami? Sinong poprotekta sa kanya?
"Sana pala pinatamaan ko na lang siya ng kidlat noong papunta kayo dito." Pagmamaldita ulit ng isa pang storm nymph.
Hindi na iyon bago sapagkat likas sa kanila ang pagiging mainitin ang ulo. They are easily offended too. Huwag na huwag mo silang basta dadaanan – kahit pa breeze lang sila, at siguradong hindi mo magugustuhan ang gagawin nila sa'yo. They are translucent after all. They also have this long curly hair and they are wearing purple translucent dress.
"Huwag ka ngang magsalita ng ganyan, Aureni. Nakakahiya sa bisita natin. Isusumbong kita kay Baron Zeruso." Narinig kong pigil ng isang wind nymph.
Kaiba naman ang wind nymph sapagkat sila naman iyong mababait. They are said to be sisters with the storm nymphs pero magkaiba ng ugali. Also, wind nymphs have long white hair that seem endless and they have gray eyes.
"Eh 'di isumbong mo, Aurasia. Palibhasa mapapel ka." Irap ni Aureni sabay sumabay sa paglutang sa hangin ang pag-alis.
Humagikhik ang kasama ni Aureni na storm nymph. "Marahil ay babalik na siya sa may Charybdis. Kaya sasamahan ko muna siya."
Aba'y medyo may kabaitan ang isang 'yon. Pansamantala kong nakalimutan ang pinag-aalala ko dahil sa malditang storm nymph na iyon. Hindi naman daw kasi talaga sila dito naninirahan kundi sa may karagatan kung saan madalas na namumuo ang bagyo.
Siguro'y excuse na rin nila para magpalabas ng kidlat. Honestly, they creep me out with that ability of theirs. Hello, it's not my fault kung transparent sila, natural, people get through them. At dahil doon nao-offend sila. Malapit ko na ngang isipin na hindi ang wind nymphs ang mga kapatid nila kundi ang mga seirenes. Parehas na mga maldita. At ayaw ng mga comments. Hindi ko naman sila bina-bash, ah.
"You should at least try to rest, Raisha." Isang mahinhing boses ang narinig ko.
Bumaling ako at nakita ko sa tabi ko ang kapatid ni Whirlwind na si Breeze. Unlike Ipo-ipo na katulad ng pangalan niya ay magulo, itong kapatid niya naman ay kabaliktaran.
Her face is so angelic and the first time I saw her, akala ko Dyosa siya! My gosh, siya iyong gandang kapag nakita mo ay aayawan mo nang tumingin sa salamin. Sobrang nakaka-insecure lang kasi ang beauty niya. She looks ethereal, bagay sa kanya ang paninirahan dito sa kalangitan.
BINABASA MO ANG
Heiress Of Aeraseis
ФэнтезиSiya si Alline Castro. Iyon ang pagkakaalam niya. She thought she's just normal. Hanggang sa nagkagulo at nakilala niya ang mga taong galing daw sa ibang mundo. She was introduced to another world. A kingdom full of magic. The Kingdom of Aeraseis. A...