K36 - Threat or Tricked
***
Alline
It's not easy hiding our inner frustration.. Ngunit ako'y nagagawa ko pang magpigil. Who wouldn't get frustrated with the thought that we've been here for two nights already?
Mukhang hihigitan pa nito ang bilang ng araw ng paglalakbay namin sa karagatan ng Saiws patungo dito. I'm growing conscious of the days we're spending here as prisoner. Paano makakausad ang paghahanap namin sa Aeraseis kung ganito ang kalagayan namin?
No matter how much we plan, things aren't going as we want it to.
Hindi naman kami nila dito ginugutom. They give us fruits and meats, some rice to eat. Ngunit sa dalawang gabing nandito kami ay walang kahit anino ng Apo Nimrod na nagpapakita.
Well, what do you expect, Alline? Na bibigyan niya kayo ng mercy at palayain na lang basta?
Napailing ako sa naisip. Anong klaseng pangingikil kaya ang ginawa ng mga kaaway namin upang magresulta sa pagkulong sa amin dito?
"Firenn, why is Orthrus so caught up with the thought of catching me?" Naisipan kong itanong kay Firenn na sa tingin ko ay kagaya ni Ice at Spring na hindi yata natutulog.
I always wake up at about maybe three in the morning and somehow, I can see them three in the corner and seriously talking. I can't hear their conversations only their murmurings.
I don't know what else they are talking about when we have been doing it for almost two nights and nothing's been decided yet.I was suggesting that we should escape and go where the Elder Woods is but they told me it can't be done. Hindi raw basta-bastang matatagpuan ang lagusan patungong Elder Woods. Marami raw daanan ngunit hindi lahat ay magtuturo sa'yo dito. 'Di yata't maze pa ito!
They told me that only Apo Nimrod knows the way. Siya lamang daw ang nakaka-alam niyon. At napa-facepalm na lang ako sa nalaman dahil hindi nila sinabi agad!
My gosh, I suggested a different route and they didn't tell me about this important information?! Akala yata nila manghuhula ako.
"Matagal ng kaaway ng Kaharian ng Aeraseis sina Orthrus. Madalas silang gumawa ng gulo sa limang kaharian. Pumapatay sila ng mga inosente, pinahihirapan nila ang mga walang kakayahang katulad ng sa amin. They move when their victims are alone and vulnerable. Lalo na't hindi sa lahat ng pagkakataon ay nababantayan namin ang mga ito." Firenn told me with a sad expression.
Nagtatakang tiningnan ko siya. "Walang kakayahan? Ibig sabihin hindi lahat ng taga-Idrisia ay may mahika?"
I thought all people who live here possess such magic.
Napailing siya sa akin. "No.. Not all Idrisians are born with magic. Some are ordinary and they are always the victims of the savageness of the enemies."
I can't believe na ganoon kasama ang mga kaaway namin. Ano ang dahilan bakit nila ginagawa iyon? O may dahilan nga ba?
"And now, they are after me?"
"You're the heiress. It's already a given." Wave rolled his eyes at me.
"Ikaw ang tagapagmana ng kaharian. Sa iyo mapupunta ang trono sa pamumuno ng Aeraseis kung sakaling mahanap ito. " Dagdag paliwanag ni Spring.
"Well, that's still questionable.." Nakangising pahayag ni Fierra.
"What do mean by that?" Naguguluha'ng tanong ko.
"What if the Queen or King is alive? We don't need your rule anymore." Sabay irap niya sa akin.
Kumabog ang dibdib ko.. What if.. I'll be able to see her in flesh? And not just in those dreams..?
BINABASA MO ANG
Heiress Of Aeraseis
FantasySiya si Alline Castro. Iyon ang pagkakaalam niya. She thought she's just normal. Hanggang sa nagkagulo at nakilala niya ang mga taong galing daw sa ibang mundo. She was introduced to another world. A kingdom full of magic. The Kingdom of Aeraseis. A...