Kabanata 38 - Into War

235 8 3
                                    

K38 - Into War

***

Alline

Napatulala ako habang pinagmamasdan si Apo Nimrod.. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga i-k-inwento niya. It's unbelievable on my part. I really thought I would never meet a family in this world..

Yes, I've hoped for it. Ngunit nang malaman ko ang katotohanan mula sa kanila na tila wala nang pag-asang makita ko ang mga magulang ko ay hindi na ako umasa pa.

But now that Apo's in front of me, saying he's my grandpa.. Hindi ako makapaniwala. At the same time ay nasisiyahan ako. Kahit na ba kapatid lamang siya ng aking lolo, still, it means so much to me.

Ayon kay Apo Nimrod ( well, I don't know if I should call him lolo), isang nagngangalang Ariago ang ama ni Reyna Arabella (which I'm still not fond of calling my mom). Dalawa silang anak ng kanilang mga magulang na noong panahong iyon ay namumuno sa Aeraseis.

Arathion daw ang pangalan ng kanilang ama at Arabella naman ang sa kanilang ina. Napa-oh nga ako dahil iyon din ang pinangalan kay Reyna Arabella. Magkamukha raw kasi talaga ang reyna at ang lola nito. Hence, Ariago named his daughter after his mother.

Apo Nimrod and Ariago was the best of friends, they were close since they grew up together. Ngunit nagkaroon ng lamat ang pagsasamahan nila nang dumating na sila sa kanilang sapat na gulang. Ariago was the younger of the two but he was already a warrior. He was good at combat and more powerful with magic than Apo Nimrod.

Ariago was a little desperate and he wants to be the king. Jusko, napa-hawak nga ako sa noo nang marinig ko ito. Hindi pala good guy ang lolo ko. Napangiti nga si Apo sa reaksyon ko. He's got a good sense of what I feel so..

Now, let's go back to the topic.. Nakatuon na ang mata ng lahat sa Apo upang maging Hari, isa pa'y siya ang mas magaling makisalamuha sa mga taga-Idrisia. Ariago uses his power and force most of the time so he wasn't much of a candidate as a ruler.

Sa kaharian daw ng Aeraseis ay hindi naman kung sino ang pinakamatanda ang kwalipikasyon sa pagiging tagapagmana. They experienced many test to prove their strength in combat, intellectual and other fields. Matalino si Apo at mas maparaan siya sa kanyang kapatid kung kaya't siya ang napipisil ng lahat na maging pinuno.

Pinal na ang desisyon ng pagiging hari ng Apo nang tumanggi siya.

"Aaawww... Why did you do that, Apo?" It was my question to him.

Imagine, his crown was already waiting, but he didn't accept it.

Sumilay muli ang mabait niyang ngiti. "Apo, mayroon pang mga bagay dito sa mundo na mas hihigit pa sa pagiging isang hari o sa kapangyarihan.. Sana'y tandaan mo iyan."

I breathed heavily. I already had an idea of why he didn't chose the crown.

"Umibig ka ba, Apo? Kaya mo tinanggihan ang pagiging Hari?"

"Isa iyon sa dahilan, apo.. Bukod doon ay hindi ko nais na mapa-sama ang aking kapatid. Alam kong may binabalak na siya noon upang mapatalsik ako kung sakali mang tinanggap ko ang pagiging hari. Malakas ang paghangad niya dito at hindi ko gugustuhing gumawa pa siya ng hindi maganda. Alam kong mahusay siya at talagang karapat-dapat siyang maging hari.. Ang totoo'y mas duwag ako sa aking kapatid. Bata pa lamang kami'y nais na niyang mamuno. Habang ako'y nahilig sa pag-aaral. Hindi talaga para sa akin iyon.. Noon pa man ay may agam-agam na ako na tanggapin ang  tungkulin na iyon."

I can't believe I'm hearing such a sad story..

"Huwag kang malungkot, apo. Kung hindi ko tinalikuran ang pagiging hari ay disin sana'y wala kayo ng iyong ina.. Minamahal ng iyong Lolo Ariago ang napipisil na maging kabiyak ng magiging hari. Alam ko ring may pagtingin si Crelusia kay Ariago kaya't sino ako para hadlangan iyon? Siguro nga kung ako ang naging hari ay hindi magiging payapa ang Idrisia." Sabay iling at tawa ni Apo.

Heiress Of Aeraseis Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon