Kabanata 23 - Saiws

320 8 1
                                    

K23 - Saiws

***

Raisha

Umahon ako mula sa pagkakalubog sa tubig para lang i-greet ng kulay asul na tubig na nasa itaas.

Upside down. Iyon yata ang tamang description doon. And for the nth time, I got mesmerized by this world again.

I swear, we plummeted and was thrown by the pegasus under water. Pero sa tingin ko ay isa lang iyong mirage. Dahil matapos naming mahulog sa dagat ay lupa na ulit ang aking tinatapakan. Actually, not soil but sand. Fine white sand.. Tila beach yata ang pinuntahan namin.

But if it's only a mirage, then hindi  dapat ako basa ngayon. Kaya sa tingin ko ay parang dagat iyon na may kasunod na lupa tapos ay karagatan ulit. Iisipin ko na lang na iyon ang explanation doon. Para tuloy kaming nasa ocean park. Tila nakapalibot sa amin ang karagatan mula sa ibabaw at may sumasalo dito para hindi mahulog at pumatak ang mga tubig.

Well, I'm so wet right now but who cares? I got the time of my life while seeing those marine lives swimming above us.

"Bakit naman hindi niyo sinabing kailangan pala nating mag-swimming? Wala tuloy akong proper attire.." I pouted.

Iyon ang medyo nagpawala sa excitement ko. I'm under the sea and I should have the best bikini here. They should see my sexy body, especially Snow.

Humagikhik ako sa naisip. Kung gising lang si bestfriend, malamang binatukan na ako no'n. But she's still asleep and at the arms of Ice. Kung hindi ko lang nga alam na totoong tulog si Alline, I would think that she's just acting.. Siguro ngayon ay namumula na ito sa pagkakakarga dito ni Ice.

Wala akong narinig na sagot mula sa mga ito. They are super KJ talaga.

"Shit, pagkatapos ng himpapawid ay ito namang puro tubig?! Give me some slack, Fujinn!" Fierra started getting angry again.

Nakahawak ito sa tiyan nito at tila mas sumama ang pakiramdam. Bukod ba sa ere ay takot din ito sa dagat? Ito pala ang weird at hindi sila ni Alline eh.

Naisip ko lang, bakit kaya si Ipo-ipo ang sinisisi nito eh hindi naman niya kasalanan na dito kami nagpunta?

Naisipan kong ikulbit ang nasa unahan kong si Spring. Humarap naman siya sa akin at nagtatanong ang mga mata.

"Where are we?"

Ngumiti siya ng kaonti. "Home of the Waterbearers. We're in Saiws."

"Wow.." Namamangha kong saad.

Dalawang kaharian na ang napuntahan namin!

Hindi ko mapigilang maisip ang kaharian ng Aeraseis. Iyon ang pinaka-bet kong puntahan. Kaya sana, mag-appear na ito at tigilan na ang pagiging Lost Kingdom nito.

Nanguna sa paglalakad sa buhangin si Wave. Siya nga talaga ang dapat manguna because it's their kingdom. Malamang excited din ito. No place can ever replace our home. Sabi nga ng isang linya, 'Home is where the heart is.'. Kaya nga kahit na madalas akong mag-isa doon sa house namin sa mundo ng normal people like me, ay ayos lang.

I felt like we're in an island. Isang isla sa ilalim ng tubig. Normal lang naman itong pagmasdan kung tutuusin. Maliban na lang kung titingala ka. Talagang magugulantang ka at aakalain mong mahuhulog ang mga fishes and tortoises! There are palm trees on the side and some rocks. Mayroon ding mga shells at star fish sa paligid.

Ngunit ang hindi ko inaasahan ay ang bumungad sa amin nang tumigil ang nasa harapan ko. That would be Spring because I felt like I hit a rock with the impact. I touched my head. Medyo masakit kaya!

Heiress Of Aeraseis Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon