Mahirap umiwas.
Hindi madaling umiwas sa isang tao, mas lalo naman kung araw-araw kayong nagkikita at nagtatagpo. Yung mga pagkakataon na sinadya mong pumarito kasi alam mong wala siya pero pagdating mo naman ay ang mukha niya ang una mong makikita. Ang hirap diba?
Paano mo naman siya iiwasan kung ang pakay niya ay ang mapalapit sa'yo?
Paano kung pinaglalaruan ka ng tadhana at sadya kayong pinagtatagpo?
Paano kung halos lahat nalang ng gawin mong pag-iwas at paglayo ay ikaw ang talo?
Paano kung gusto niya pero ayaw mo?
At paano kung sa kakaiwas mo ay mas lalo kang mahulog ng 'di mo gusto?
"Ms. Zareen, pinatatawag raw ho kayo ni sir Rustin sa opisina niya." Salubong sa akin ni Roselle pagkarating na pagkarating ko sa opisina.
"Okay, thank you, Roselle." Turan ko.
"Welcome po, ma'am." Sagot niya at naglakad na pabalik sa kanyang table.
What is it this time? Ano na naman kaya ang kabalastugan ang iuutos ng Sir Monster na 'yon?
Nung isang araw nga kung anu-ano ang pinagagawa niya sa akin. Umuwi tuloy ako ng apartment na masakit ang katawan lalo na ang mga paa. Biruin mo naman na inuunti-unti niya ang utos, yung tipong every hour akong pumupunta sa itaas, hindi man lang niya naisip na ang layo ng opisina ko sa kanya.
Mabilisan ko namang inayos ang gamit ko at nagmadali at baka mapagalitan na naman ako.
I breathed in and out first before knocking the door.
"Come in." Sagot ng baritong boses.
Pagkatapos niyang sumagot ay tumalima na ako at binuksan ang pinto. He was reading some papers on his table and he looked at my direction after awhile.
Nagkaroon tuloy ako ng maikling oras para pagmasdan ang maganda niyang mukha.
Gosh! Ang gwapo talaga ni Sir. Kung hindi lang talaga 'to masungit malamang sana ideal na. I admit, I'm crushing on my boss pero sa physical lang naman na anyo niya. Dahil kung sa ugali, bagsak naman siya. Suplado masyado at lagi nalang galit sa akin, isama mo pa na ang yabang ng dating.
"G-good morning, sir. Pinapatawag niyo ho raw ako." Nauutal ko namang sagot. Nakakanerbiyos naman talaga siya kausap.
I saw him smirked.
"I need you to buy me coffee, the usual. Here's the money." Malamig niyang sagot na para bang may kasalanan na naman ako.
Ang arte talaga ng isang 'to. Kailangan lagi sa labas binibili ang kape at hindi nalang magtimpla ng 3in1. Sana'y bumalik na si Gwen para naman matapos natong pang-aalipin sa akin ng gwapo naming boss.
"Okay, sir." Sagot ko at inabot ang pera.
"What are you waiting for? Go." Sabi niya ng hindi pa rin ako umaalis. Hindi ko napansin na nakatayo nalang pala ako sa harapan niya. Ang hirap naman kasi talagang mag-isip ng matino pag siya ang kaharap.
__________
Ang arte talaga ng Sir Monster na 'yon! Bakit kasi hindi nalang siya kumuha ng secretary niya para hindi niya na ako laging inuutusan? I am the Marketing Head of the company and not his secretary.
Nakabusangot na ang mukha ko habang papalakad pabalik sa opisina ni Sir Rustin. Kagagaling ko lang ng coffee shop para ibili itong kape niya. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit sa dinamidami ng pwedeng utusan ay ako parati ang dinidiskitahan niya.
Akala ko talaga nung una na pagpapabili lang ng kape yung iuutos niya kasi nga sabi ni Gwen na sanay naman na wala itong sekretarya sa America pero mali pala ako dahil walang araw na hindi ito tumatawag sa telepono para utusan ako.
"Good Morning, Zareen." Mayla greeted me. Secretary ni Mr. Yu.
"Morning." Just morning because there was no good in my morning.
"Kape? Himala yata at magkakape ka?" Pagpuna niya sa hawak kong kape. She knows that I don't drink coffee, kasama ko kasi siya nun sa cabin ng minsang mag-retreat kaming mga employees sa Baguio two years ago.
"Hindi naman akin 'to. Kay sir Monster." Sagot ko. Napahinto na rin naman ako sa paglakad dahil sa pag-uusap namin.
"Sir Monster?" She confusingly asked.
"Sir Monster, sino pa bang ibang mukhang halimaw kung magalit dito?" Turan ko.
Nakita ko naman na nakakunot na ang noo niya na tila ba naguguluhan sa aking naging kasagutan.
"Yung dahilan kung bakit ako hindi nakapag-leave. Yung utos nang utos sa akin na akala mo sekretarya niya ako." Dagdag ko sa clue.
Na-gets din naman niya sa wakas.
"You mean, sir Rustin?"
"Tumpak ka, day!" I exclaimed.
"Hindi naman monster si Sir ha, ang gwapo kaya nun at ang hot pa." Parang kinikilig pa nitong pahayag.
"Aanuhin ko naman ang kagwapuhan at ka-hotan nun kung ganun ang ugali? Diyan ka na nga at baka lumamig pa itong kape at mapagalitan ako." Nagpaalam na rin ako at baka matagalan at magalit na naman 'yun.
Nang nakarating na ako sa harap ng pintuan at pipihitin na sana ito ay napansin kong hindi naman ito nakasarado ng maayos at may konting uwang pa. Papasok na sana ako nang marinig kong may kausap si sir Rustin sa loob.
At Dahil ako'y isang dakilang chismosa ay hindi ko napigilan na makinig muna bago kumatok.
"So, what's next?" May isang nagsalita. Sigurado akong ito yung bisita dahil iba yung boses.
Maraming sagutan yung nangyari pero hindi ko pa rin maintindihan yung pinag-uusapan nila.
Basta alam ko babae yung tinutukoy nila kasi 'she' sila nang 'she'. Pero bigla akong naalerto nang marinig ko ang pangalan ko.
"Sure ka ba na siya 'yun? Baka naman nagkakamali ka. It's been 15 years na diba?" Tanong nung bisita ni SM.
"I'm sure, maybe she looks different now but I remember her name. I'm sure it's her, Zareen Almonte." He answered.
Ako? Ano naman ang kinalaman ko sa kanila? Anong fifteen years? Tanging pangalan ko lang ang maintindihan ko sa pinagsasabi nila pero hindi ang koneksyon ko sa fifteen years at sa dalawang lalaki na nag-uusap.
"Kaysa pahirapan mo siya sa pag-uutos mo, bakit di ka nalang gumawa ng ibang paraan? It's not hard for her to follow your whims because your the owner's son afterall." Suhestiyon ng kausap niya.
"Like what?"
"Make her fall. Then, kung hulog na hulog na siya sa'yo, tell her you don't like her and not ever. Heartbreak, the best source of pain."
You know his plan.
Hindi ka pwedeng mahulog. Kailangang lumayo. Kailangang umiwas.
Would you be able to avoid him?
Would you be able to not fall?
Would you be able to stay away?
*****
The initial plan was to post this on July 1 but sadly, I've been very busy this past days. But nevertheless, I will be updating 'Stay Away' starting this July as I've promised.
Bukas nalang ang ibang chapters. Abala kasi ako kanina sa panunuod ng laban ng Gilas. Medyo malungkot nga ako at natalo tayo ng France. Pero proud parin ako sa kanila dahil kahit papaano ay naging gitgitan ang laban.
I hope that you'll support my second story like how you supported Love Deal ♥♥♥ (^_^)
BINABASA MO ANG
Stay Away (COMPLETED)
General FictionShe's undeniably attracted with her new boss. Ang paghanga na hindi inaasahan ni Zareen na lalalim. Ngunit hindi siya pwedeng mahulog kay Rustin, hindi niya pwedeng mahalin ito. Kaya naman gagawin niya ang lahat para lumayo. Would she be able to sta...