Chapter 4: His Fiancée

24.4K 381 10
                                    

Pagkarating na pagkarating ko sa opisina ay agad akong naglakad papunta sa office ni sir (Monster). Ni hindi ko na nga nagawang maligo dahil alas dos na ng madaling araw akong natapos sa pinaulit niyang report. Dinala ko pa kasi sa apartment yung gagawin dahil hanggang ten p.m. lang pwedeng mag-overtime sa office.

"Gwen, nandyan na ba yung amo mo?" Tanong ko sa secretary ni SM. Ang haba kasi ng Sir Monster kaya ginawan ko nalang ng abbreviation.

"Oo dumating na pero lumabas sandali at pumunta sa office ni Mr. Razon." Sagot nito.

"Ah ganun ba. Hintayin ko na lang, sandali lang naman siguro 'yun. May ipapasa lang kasi ako." Sabi ko.

"Okay lang, dun mo nalang hintayin sa loob, Zareen. Pero teka nga, ang stress mo naman yata ngayon?" Puna niya sa akin.

Masyado ba talagang halata? Hindi din kasi ako naglagay ng makapal na make-up dahil pagod yung balat ko, hindi mabuti sa skin.

"Haggardo Versosa nga ako ngayon dahil diyan sa amo mong pinaglihi yata sa kamias." Sagot ko.

"Haha grabe ka naman. Mabait kaya si sir Rustin." Natatawa naman nitong tanggol sa boss.

"Sayo marahil mabait. Ewan ko nga diyan, bakit ang init ng ulo sa akin. Siguro bakla at inggit sa beauty ko." Turan ko na hindi matago ang inis.

"Pero maiba nga tayo. Ang laki na ng tiyan mo ha, kailan ba ang kabuwanan mo?" Tanong ko nang mapatingin ako sa tiyan niya. Buntis kasi si Gwen at sa laki ng tiyan niya ay tingin ko malapit na itong manganak.

"Sa susunod na buwan na." Sagot niya sabay haplos sa tiyan niyang parang nakalunok ng pakwan.

"Sa susunod na buwan na pala. Ba't hindi ka pa nagli-leave? Tignan mo, tama ako hindi talaga mabait yang boss mo. Pinagtatrabaho ka pa kahit na malapit kanang manganak." Napapailing kong saad.

"Hindi ganun no, alam mo namang bago pa si sir kaya gina-guide ko pa siya. Hindi din naman pwede pabayaan ko lang siya basta-basta. Nag-offer nga siya na mag-leave na raw ako, ako lang yung huminde dahil nga busy ngayon dahil last week na ng month. At tsaka hindi niya naman ako pinahihirapan. Halos di nga yun nag-uutos at maaga ako laging pinauuwi." Para namang abogado itong si Gwen kung makapangtanggol dun kay SM.

Dahil hindi ko naman ma-appreciate yung kabaitan kuno daw ni sir dahil ansama naman ng ugali nun pagdating sa akin ay minabuti kong pumasok nalang sa loob ng opisina niya para dun siya hintayin.

Pagkapasok ay umupo naman ako sa isa sa mga upuan na nasa harap ng table niya. Dahil ako lang mag-isa ay nagawa kong pagmasdan ang kanyang opisina. Kahit ang loob ng opisina niya ay parang may masamang aura din katulad niya. Ang plain at ang boring, walang kadesign-design ang dingding. Puro earth colors din yung makikita. The only thing I like about his office was the big mirror behind his chair, where you can see different high and big buildings of the city.

"So, is the report ready?" Nagulat naman ako nang biglang may nagsalita.

Hindi ko man lang napansin yung pagbukas ng pintuan. Habit niya ba talaga yung manggulat? Nakakadalawang beses natong baklang halimaw na 'to ha.

"Good morning, sir. Yes po, tapos ko na po." Bati at sagot ko rito.

Naglakad naman siya patungong mesa niya at umupo sa aking harapan. Tahimik niya namang nilahad ang kamay niya.

Sayang talaga at ang sama ng ugali niya. Hindi kasi nababagay sa sobrang gwapo niyang mukha. Looks can really be deceiving.

"Miss Almonte?" Tawag niya sa aking atensyon. Hindi ko namalayan at nakatunganga na pala ako.

Stay Away (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon