"Sigurado ka na ba dito, Zareen?" Tanong sa akin ni Menchu.
Nandito kami ngayon sa apartment ko, linggo kasi at naisipan niyang gumala. Hindi ko naman ikinwento sa kanila yung narinig ko sa office ni sir Rustin, alam ko naman na aasarin lang nila ako at iisiping imposible na may balak ang isang 'yun sa akin.
Hindi ko rin naikwento yung tungkol sa bahay ampunan. Feeling ko kasi yung mga ganun na bagay na pribado tungkol sa kanya ay hindi ko dapat ipagsabi sa iba, tama na yung isinama niya ako at hanggang dun nalang ang dapat na maging pakialam ko sa kanya.
"Oo nga. Ikaw yung magsisilbing tulay o taga-bigay ng impormasyon kung nasan ako. Magpanggap ka na super boto ka sa kanya kaya tinutulungan mo siya." Sagot ko.
"At bakit naman? Ang pagkakaalam ko ay ayaw na ayaw mo naman dun sa tao, kawawa naman kung papaasahin mo tapos di mo naman pala sasagutin." Sabi niya habang pumapapak ng popcorn. Nanonood kasi kami ng movie.
"Hindi ko siya papaasahin Menchu, may plano kasi ako."
"Ano namang plano yan? Baka mapahamak ako diyan sa mga plano mo ha."
Ipi-nause ko muna ang nakasalansang na pelikula na pang-apat na beses ko ng napanood para makwento ko sa kanya ang balak ko.
"May naging kaibigan kasi ako sa opisina, si Leilith at nalaman ko na may gusto siya kay Jerome. Hindi lang gusto, tingin ko nga ay in love na'yon. Kaya ang plano ko ay paglapitin ang dalawa, alam din naman ni Leilith yung plano ko at pumayag din naman siya. Ang kailangan lang natin gawin ay palagi silang pagsalubungin. Ikaw, ipapaalam mo kay Jerome kung saan ako at ako naman ang bahala sa pagsasabi kay Leilith kung saan siya dapat pumunta para magkita sila ni Jerome. Kung may iba ng gusto si Jerome that means malaya na ako sa pagiging stalker niya. Ano sa tingin mo?" Inabangan ko naman ang sagot niya na nakangiti.
"Maganda yang plano mo. Eh kung nakukulitan ka na talaga kay Jerome, tutulungan na kita."
"Super kulit talaga. Wala ng bawian yan ha?" Hindi maitago ang tuwa kong sabi.
"Deal, I'll help you. Pero girl, medyo desperate move din yang new found friend mong si Leilith."
"Desperate? Ba't mo naman nasabi?"
"Kasi diba alam naman ng halos lahat sa kompanya na ikaw yung nililigawan ni Jerome pero pumayag siya sa offer mo. Parang weird lang." Napapaisip na turan ni Menchu.
"Hindi naman, medyo blinackmail ko rin para mapapayag hehe." Natatawa kong pag-amin.
"Sabi ko na nga ba! Ikaw talaga, Zareen, kahit ano nalang maisip mong gawin" Natatawa na rin nitong saad.
Salamat at napapayag ko si Menchu sa plano ko. Sana lang talaga magkamabutihan ang dalawa sa gagawin namin.
"Kailan mo naman balak simulan yang plano mo?"
"Ngayon."
"Ngayon? As in ngayon talaga?" Gulat niyang tanong.
"As in ngayon, mamayang hapon actually." Nakangiti kong sagot.
Naging smooth naman ang plano namin. Kinontact ni Menchu si Jerome at napaniwala niya naman ito kaagad. Sinabihan ko na rin si Leilith, muntik pa ngang umatras dahil hindi daw niya kaya at nakakahiya pero ayun tinakot ko na ipagkakalat ko na may gusto siya kay Jerome kaya pumayag na.
"Ang tagal naman ni Jerome." Reklamo ko.
Nandito kami sa isang stall sa loob ng mall. Susundan kasi namin ang dalawa at kasalukuyan na si Leilith palang ang nadun sa lugar na napag-usapan.
BINABASA MO ANG
Stay Away (COMPLETED)
General FictionShe's undeniably attracted with her new boss. Ang paghanga na hindi inaasahan ni Zareen na lalalim. Ngunit hindi siya pwedeng mahulog kay Rustin, hindi niya pwedeng mahalin ito. Kaya naman gagawin niya ang lahat para lumayo. Would she be able to sta...