"Take a seat, Ms. Almonte. We need to talk."
Pinagpawisan ako ng malamig sa klase ng tonong ginamit ng ama ni Rustin. Hindi naman ako tanga at alam ko sa pakikitungo niya palang sa akin ay hindi na niya ako gusto para sa anak niya. Yun ay kung tama nga ang hinala ko na ito ang pakay niya sa akin. Wala naman kasi akong maisip na bagay na pwede namin pag-usapan maliban sa anak niya na kasintahan ko.
Kahit na gustong bumigay ng paa ko dahil sa kaba na nararamdaman ay sinikap ko pa ring maglakad patungong mesa habang si Mr. Razon ay nakaupo sa aking silya at mataman akong tinititigan na tila ba isa akong artwork sa museum na kinikilatis niya.
Nang makarating sa harap ng mesa ay agad akong umupo sa silya na nakaharap dito. Malalalim na paghinga ang aking ginawa para lang kahit papano ay mabawasan ang malakas na pagtambol ng puso ko ngunit kahit 'yon ay walang epekto.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. I know that you and my son is in a relationship. And correct me if I'm wrong, you're the reason why he called-off his engagement with Isabel." Umpisa niya.
Tama nga ang hinala ko. Alam na niya ang relasyon namin ni Rustin. Hindi ko alam kung saan niya nalaman dahil base sa huli naming pag-uusap ni Rustin ay hindi pa niya nasasabi sa ama ang tungkol sa amin. Gayun din si tita, ang sabi niya ay gusto niyang si Rustin mismo ang magsabi sa ama.
Gusto kong magsalita ngunit kahit pagbukas ng bibig ay hindi ko magawa. Tila ba naka-mighty bond ang mga labi ko at hindi ko 'to maibuka.
Nang mapansin niya siguro na wala akong balak magsalita ay nagpatuloy siya sa pagsasalita.
"I don't know what my son sees in you. There's no doubt that you are beautiful but so as Isabel and she is much worthy to be my son's other half. She's pretty, intellegent, elegant, sophisticated, and most of all she comes from a well-off family."
Sa sinabi niyang iyon ay parang piniga ang puso ko. Masakit marinig na 'yon ang tingin ng ama ng lalaking mahal mo sa'yo. Alam ko naman na hindi ako nakaabot sa kalingkingan ng Isabel na 'yon. Alam kong lamang ako sa ganda ngunit tama nga naman ang ama niya, isa lang akong commoner na hindi napapabilang sa mundong ginagalawan nila.
"H-hindi naman po 'yon ang basehan ng pagmamahal." Mahina at nakayuko kong tugon.
Pagak na napatawa si Mr. Razon sa aking sinabi.
"Love? Ewan ko lang, hija. Doesn't it crossed your mind that maybe my son is just attracted to you and that it is more of a lust than love? Alam mo naman siguro ang mga lalaki ngayon diba, mahilig sa flings, one night stand and other synonyms of that. I know matalino kang babae alam mo ang gusto kong iparating." Puno ng sarkasmo niyang saad.
Nang hindi ko na kaya ang mga naririnig ko na tila pang-iinsulto sa aking pagkatao ay nilakasan ko ang aking loob at nagsalita.
"Hindi ko po deserve na makarinig ng mga insulto. Mahal ko po ang anak niyo at alam kulong mahal din niya ako. Siguro naman po ay hindi kayo nagpunta rito para pag-usapan ang mga posibilidad kung bakit ako ginusto ng anak niyo. Ano po ba talaga ang inyong pakay?" Lakas loob kong tanong.
Nakita ko na nagulat siya sa aking kapangahasan na pagsalitaan siya ngunit agad din naman nawala 'yon at nagdilim ang kanyang mukha.
Dumoble ang kabang naramdaman ko sa nakitang ekspresyon niya, tila ba nagbabadya ito ng hindi magandang pangyayari.
"Simple lang naman ang gusto ko, layuan mo si Rustin. Alam ko ang mga katulad mong babae. You're a gold-digger and you seduced my son. I won't let that happen, Ms.Almonte, so name your price and disappear from my son's life." Puno ng awtoridad na saad ng ama ng lalaking mahal ko.
BINABASA MO ANG
Stay Away (COMPLETED)
General FictionShe's undeniably attracted with her new boss. Ang paghanga na hindi inaasahan ni Zareen na lalalim. Ngunit hindi siya pwedeng mahulog kay Rustin, hindi niya pwedeng mahalin ito. Kaya naman gagawin niya ang lahat para lumayo. Would she be able to sta...