"Manong, pakihinto muna riyan sa convenience store." Sabi ko sa driver ng sinasakyang taxi.
Nang magkapatawaran na kami ng papa ni Rustin ay hindi naman sila nagtagal sa bahay at may flight pa raw si Mr. Razon papuntang Thailand. Bago umalis ay may isang maliit na papel na binigay si tita Clara, sabi niya ay nandun si Rustin kung sakali mang maisipan kung puntahan ang kanyang anak.
At dahil nga miss na miss ko na ang lalaking 'yon ay agad kong pinuntahan si mama sa kusina para magpaalam. Mahaba pa sana ang ipapaliwanag ko sa kanya kung ba't ako aalis ngunit si mama pa talaga ang nagpatigil sa pagsasalita ko at tinulak ako patungong hagdan para makaligo na at maagang makaalis ng bahay. Kahit hindi ko na i-kwento ay alam ko na alam na ni mama na okay na ako sa papa ni Rustin base na rin sa saya na nakikita ko sa kanyang mukha na tila ba sumasalamin din sa sayang nararamdaman ko.
Nang makababa ng taxi ay agad akong pumasok sa tindahan at dumiretso sa frozen goods. Gusto ko kasi siyang surpresahin ng ice cream na paborito niya. Laking pasalamat ko at may magnolia silang brand dito kaya naman nahanap ko ang salted caramel flavored ice cream na siyang paborito niya.
Matapos ko itong bayaran ay tumalima na ako pasakay ulit sa taxing pinaghintay ko para hindi abutan ng pagkalusaw ang sorbetes na binili ko. Buti nalang at malapit ang convenience store na binilhan ko nito sa condo ni Rustin.
Habang lulan ng elevator papuntang 7th floor ay hindi ko maiwasang kabahan at pagpawisan. Hindi ko kasi alam kung galit ba siya sa akin kaya hindi na siya bumalik sa bahay limang araw na ang nakakaraan. Hindi rin ako sigurado kung ikatutuwa niya ang pagdating ko pati na ang dala kong balita. At lalong hindi ko alam kung matatanggap pa ba niya ako sa kabila ng pagsuko ko at pagtaboy sa kanya. Isa lang ang sigurado ako, gagawin ko ang lahat para bumalik kami sa dati kahit na ako pa ang manligaw sa kanya.
Kung hihilingin niya na ako naman ang mag-effort this time ay maluwag sa puso kong gagawin 'yon para tanggapin niya lang ako ulit. Ganun ko siya kamahal at ngayong okay na ako sa papa niya, gagawin ko ang lahat para mapatunayan sa kanya kung gaano ko siya kamahal.
"Breathe in, breathe out." Tatlong beses kong ginawa ang routine bago nagkalakas loob na kumatok sa pinto ng condo niya.
Nakaka-apat na katok na ako ngunit wala pa ring nagbukas ng pintuan. Napa-isip ako na baka wala siya at umalis kaya para naman masigurado ay idinikit ko ang aking tenga sa pinto at pinakinggan kung tahimik ba ang loob.
Hindi naman ako nabigo dahil kahit napakahina at tila kaluskos lang ay narinig kong may maingay sa loob at kung hindi ako nagkakamali ay tunog iyon na nagmumula sa tv. Kumatok akong muli na mas malakas pa sa ginawa ko kanina ngunit nasa pangalawang beses na ako ay wala pa ring nagbubukas.
"May nangyayari na bang masama sa kanya sa loob?" Kinakabahan kong usal sa sarili.
Alam kong may pagka-emo siya kaya hindi ko maiwasang mangamba kung ano na ang nangyayari sa kanya at dahil sa pangambang naramdaman ay sinubukan kong hulaan kung anong posibleng passcode ng unit niya.
Una kong sinubukan ang birthday niya ngunit error ang lumabas. Sunod kong hinagilap ang birthday ng mama at papa niya sa facebook ngunit error pa rin. Pati ang anniversary ng RGC at cellphone number niya ay error din. At kahit parang assumera pakinggan ay sinubukan ko na rin ang birthday ko.
"Error din." Malungkot kong saad sa sarili. Masama talagang mag-assume.
Nagsubok ako ng iba't-ibang random combination ng numero ngunit kahit ito ay puro errors pa rin hanggang sa umabot na sa puntong one more try na ang nakasulat sa maliit nitong screen.
Nag-isip ako nang maagi kung ano pa ba ang pwedeng passcode niya. Pinag-isipan ko nang mabuti dahil 'yun na talaga ang huling pagkakataon ko na makapasok sa loob at makita kung okay siya dahil kung hindi ay uuwi akong luhaan at kakainin mag-isa ang lusaw na ice cream na aking dala.
BINABASA MO ANG
Stay Away (COMPLETED)
General FictionShe's undeniably attracted with her new boss. Ang paghanga na hindi inaasahan ni Zareen na lalalim. Ngunit hindi siya pwedeng mahulog kay Rustin, hindi niya pwedeng mahalin ito. Kaya naman gagawin niya ang lahat para lumayo. Would she be able to sta...