"Good afternoon, ma'am." Bati ng isa sa mga katrabaho ko. At binati ko na rin siya pabalik.
Medyo hindi ako sanay na marami na ang bumabati sa akin tuwing makakasalubong ako. Dati-rati naman kasi tanging mga kaibigan at kakilala ko lang ang bumabati sa akin, isama mo na rin ang mga katrabaho kong may gusto sa akin. Hindi naman sa pagmamayabang pero marami-rami din sa katrabaho ko ang nagbalak na ligawan ako.
"Dami mo ng tagabati ngayon huh." Puna ni Lucy.
Nasa cafeteria kami ng kompanya at nanananghalian. Sina Meryl, Lucy, Menchu, Bridgette at Brenda ang kasama ko ngayon. May ibang lakad kasi ang dalawang baklang si Erick at Luis. Baka naghahanap 'yun ng papa.
"Naiilang nga ako eh, hindi ako sanay. Ang awkward dahil kaedaran lang naman natin sila." Saad ko.
"Hindi ka pa ba sanay? Eh, halos araw-araw naman talaga ay may tigabati ka dito sa opisina. Hindi ko nga lang maintindihan na sa rami ng may gusto sayo dito eh isa lang yung nagkalakas-loob na manligaw." Sabi ni Bridgette.
"Oo nga. Sanay ka naman na dyan." Paki-ayon ni Menchu na nasa pagkain pa rin ang atensyon.
"Tingin niyo girls? Hindi kaya galit yung mga seniors natin na ako yung nakakuha ng promotion?" Tanong ko sa kanila.
Pangatlong araw na kasi ngayon na official na ang pagiging head ko pero hindi pa rin ako kumportable na yung mas matatanda kong katrabaho yung nagrereport sa akin at inuutusan ko.
"Kahit ako si ma'am Malou ay ikaw din naman ang gugustuhin kong pumalit sa pwesto ko. We all know na sa lahat dun sa atin ay ikaw yung pinakamagaling at competitive. Kaya deserve mo yang promotion na yan." Turan ni Brenda.
"At hindi rin naman dapat sumama ang loob nila sa'yo, Zareen, kasi kita naman ang galing mo sa trabaho. Simula ng ikaw ang naging Advertising Head ay kita naman ang success ng bawat project na ini-handle mo." Sabi ni Menchu na mas nauna sakin ng dalawang taon sa kompanya.
Sa aming lahat ay siya yung pinakamatagal na. Limang taon na siya sa kompanya dahil pagka-graduate niya ay na-hire agad siya dito. Sumunod naman si Erick, Luis at Lucy na apat na taon na. Ako, si Meryl at Bridgette naman ay tatlong taon na, at si Brenda na magdadalawa palang.
Noong bago pa ako sa Razon Group of Companies ay una kong trabaho ang pagiging Marketing Assistant hanggang naging Advertising Head ako. Naging madali yung pagtaas ko, siguro ay nakatulong dito yung pagmamahal ko sa aking ginagawa. Hindi ko naman ginagamit ang kagandahan ko sa trabaho. Plus point na rin iyon pero mas gusto ko na babae yung mga ka-transaksyon ko. Akala kasi ng ibang lalaki na makaka-score sila sa akin once na i-close yung mga deals. Aba! sinuswerte sila, hindi ako pinanganak na maganda para maging pulutan ng bayan.
Malimit lang din akong lumiban sa trabaho at kadalasan na nag-oovertime. Mahal ko kasi ang trabahong 'to, yung una kong pinasukan noon ay ang baba kung magpasweldo at laging may overtime na ang liit lang din naman ng dagdag, wala pang benefits ang mga empleyado kaya isang taon lang ang itinagal ko dun. Medyo manyak din kasi yung boss namin. Kaya nga lang ako nagtagal para lang may malagay akong work experience sa resume ko.
"Salamat sa pagpapalakas ng loob, girls. Kaya love ko kayo eh." Sabi ko at isa-isang hinalikan ang cheeks nila.
"Ang dugas mo, Zareen." Reklamo ni Lucy na ayaw na ayaw ng PDA.
"Wag kana ngang magreklamo dyan, Lucy, mabuti nga yan na kiniss kita para maambunan ka ng ka-dyosahan ko." Pagbibiro ko pa dito.
"Hala! Edi, ikaw na ang maganda." Aminado naman sila.
Nauwi naman sa tawanan ang lahat.
"Girls, nabalitaan niyo ba yung magiging bagong COO daw? Ang alam ko next week na siya papasok." Pagbukas ni Brenda ng bagong topic.
BINABASA MO ANG
Stay Away (COMPLETED)
General FictionShe's undeniably attracted with her new boss. Ang paghanga na hindi inaasahan ni Zareen na lalalim. Ngunit hindi siya pwedeng mahulog kay Rustin, hindi niya pwedeng mahalin ito. Kaya naman gagawin niya ang lahat para lumayo. Would she be able to sta...