Chapter 10: Partner

20.6K 333 11
                                    

Lakad-takbo ang ginawa ko pababa ng building. Sa dinami-dami naman kasi ng pagkakataon na pwede akong matae eh ngayong lalakad pa talaga kami, ayun tuloy at kailangan ko pang magbanyo.

Ngayon kasi kami pupunta ng Tagaytay para sa retreat ng mga empleyado, every two years talaga namin 'tong ginagawa sa kompanya. Hindi naman siya compulsory sa mga mga may asawa pero sa aming mga single ay required talaga kaya wala kaming takas.

Akalain mo 'yun, hindi nga ako natuloy sa plano kong pagbabakasyon dun pero dun din naman pala ang retreat namin. Tadhana nga naman.

"Saan na ang bus?" Taka kong tanong.

Ang alam ko kasi naka-park kanina rito ang mga company bus pero pagkarating ko ni isa ay wala na akong makita. Ano 'yun? Iniwanan ako?

"Kuya, saan na po yung mga bus?" Tanong ko sa guard na nakabantay.

"Naku ma'am, kanina pa po umalis mga limang minuto na ang nakalilipas." Sagot nito.

Paano na 'yan? Alangan naman at mag-commute ako eh hindi ko naman alam kung saan yung venue. Sayang naman ang effort ko sa paghahanda at pag-aayos ng mga gamit, hindi din naman ako makakasama.

Napagdesisyunan ko na tawagan nalang si Menchu para sabihin na naiwan ako ng bus at hindi na ako makakasunod.

Hindi ko pa nada-dial ang numero ay may isang pamilyar na sasakyan ang huminto sa aking harapan. Medyo nagulat pa ako nang bumababa ang salamin at nakita kong si sir Rustin pala ay may sakay.

"Hop in." Sabi nito na sa'kin nakatingin.

Hindi ko naman agad na-gets yung sinabi niya dahil parang lumipad kung saan yung isipan ko.

"A-ano ho 'yun?" Bangag kong tanong.

"I said hop in, papunta din akong Tagaytay. Sumabay ka na sa'kin." Sabi niya.

Ha? Pinasasabay niya ako sa kotse niya? Shunga lang Zareen, paulit-ulit? Suway ng sarili ko. Para na akong buang nito.

"Hin-" Sasabihin ko na sana na hindi nalang pero pinutol niya naman ang dapat kong sasabihin.

"Sakay na, bilis." Huli nitong turan at itinaas ulit ang bintana ng kanyang kotse.

Hindi man lang pwedeng tumanggi?

Wala din naman akong choice kaya tumalima na rin ako at binuksan ang backseat. Magrereklamo na naman sana si lolo, akala siguro ay gagawin ko siyang driver pero hindi din naman niya naituloy nang ituro ko ang dala kong maliit na luggage.

"Seatbelt." Sabi niya nang makaupo na ako sa front seat.

Agad naman akong sumunod sa sinabi niya at naglagay ng seatbelt pero matagal bago ko maayos 'to kaya naman siguro nainis na siya kaya siya nalang ang nagkabit sa akin nito.

Parang nasa pelikula lang ang peg namin ng sandaling iyon. Nakakakilig na sana kung hindi ko lang alam na may balak siyang mapa-fall. Kainis din naman kasi, kung makapagsalita siya para akong may atraso sa kanya pero kahit kalikutin ko ang kaibuturan ng alaala ko ay wala naman akong matandaan.

"Salamat." Nahihiya kong saad.

Kahit naman kasi acting lang niya 'yun ay may epekto pa rin sa akin. Hello? Babae pa rin naman ako at marupok sa mga gwapo at yummy na lalaking gaya niya.

"Convoy sana kami nung mga company bus pero may nakalimutan akong kunin sa opisina kaya nahuli ako kaya ayun nakita kitang naiwan din pala. Mabuti nalang at alam ko kung saan ang venue." Simula nito ng conversation.

Stay Away (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon