Nang marinig ko ang usapan nila ay agad akong naglakad papalayo sa opisina niya. Hindi ko naman kaya na harapin siya sa kabila ng katotohanan na narinig ko ang pag-uusap nila ng kanyang bisita.
Itinext ko nalang din sa kanya na hindi available yung kape niya. Naniwala naman siya at hindi na nagtanong pa, marahil busy din siya sa pakikipag-usap sa kung sino mang hudyo na bisita niya tungkol sa pagpapasakit sa akin.
Kahit anong gawin ko kaiisip kung ano ang posibleng dahilan kung bakit tila ang laki ng kasalanan ko sa kanya ay wala naman akong mahagilap sa alaala ko. Ni hindi ko naman siya kilala ng personal at malabo naman na dahil yun sa pang-iistorbo ko sa KTV Bar dahil napakababaw naman ng dahilan na yun.
But whatever his reason is, I need to stay away from him. Heartache? Neknek niya! I won't fall for him and his plans. Lalo na ngayon na may alam ako.
Tuwing pumupunta ako sa opisina niya para ihatid ang kapeng binabibili niya na araw-araw niyang inuutos sa akin ay agad din akong umaalis. Kailangan ko siyang iwasan, diba nga?
Pero iba sa araw na ito.
"I had a look of your schedule for this day and I believe na hindi ka naman busy, right?" Seryoso niyang saad.
"Opo, sir." Wala na rin akong takas, alangan na magsinungaling pa ako na inistalk niya na pati schedule ko. Madumi din kumilos ang isang 'to.
"I have a lunch meeting later and I want you to come with me, I need a secretary." He said, still serious.
"P-po?"
"Do I need to repeat myself, Ms. Almonte?" Nakakunot-noo niyang tanong.
Is this the official start of his plan to make me fall for him? Sa walong araw na lumipas ay wala naman kasi siyang damoves about sa pagpapa-ibig sa akin. Natatanong ko tuloy sa sarili ko kung tinuloy niya ba ang balak o sadyang walang alam lang sa pagpapaibig ng mga babae itong si sir, baka mas sanay siya na yung babae na ang lumalapit dahil sa gwapo siya.
"Yes.. I mean no, sir. Free po ako mamayang lunch." Wala naman akong karapatan tumanggi, anak ng may-ari eh.
__________
"Hindi ako sasabay sa inyong mag-lunch ngayon ha." Paalam ko sa mga kaibigan ko.
"Bakit naman? Magha-half day ka?" Tanong ni Erick.
"Hindi, may lunch meeting kasi ngayon si sir Rustin at kailangan ko raw sumama." Sagot ko.
"Charot! Secretary na secretary na ang peg mo n'yan, girl." Baklang turan ni Luis.
"Alam mo kahit hindi ka elegante at sopistikada, Zareen. Medyo duda na rin ako kay sir na may gusto sa'yo. Pati ba naman sa lunch meeting gusto ka na ring kasama. Baka naman nilalagyan mo ng gayuma ang kapeng binibili mo." Natatawang saad ni Menchu.
"Bigyan kaya kita ng black card?" Inis kong turan.
"Joke lang." Takot din pala magka-bad record.
"Hindi ko naman kailangan gumamit ng gayuma para may magkagusto sa akin, sa ganda kong 'to? At bakit naman si sir pa eh hindi ko naman type 'yun." At may masama lang naman yung plano kaya siya ganun, dagdag ko sa isip.
"Bumaba na nga tayo at pabayaan niyo na si Zareen. Binibigyan niyo pa ng malisya eh, trabaho lang naman yan pihado." Salba ng pinaka-mature mag-isip sa amin na si Bridgette.
Nagpaalam na nga sila na bababa na, ako naman ay nag-ayos na ng sarili at umakyat na sa office ni sir Rustin.
Pagkarating ko naman sa office niya ay naghintay pa ako ng tatlong minuto dahil may kausap pa siya sa telepono. Pagkatapos ng ginawang tawag ay liningon niya ako.
BINABASA MO ANG
Stay Away (COMPLETED)
General FictionShe's undeniably attracted with her new boss. Ang paghanga na hindi inaasahan ni Zareen na lalalim. Ngunit hindi siya pwedeng mahulog kay Rustin, hindi niya pwedeng mahalin ito. Kaya naman gagawin niya ang lahat para lumayo. Would she be able to sta...