"Sandali lang." Sigaw ko mula sa kusina.
Nagtaka man dalil napaaga siya ng isang oras sa napag-usapan naming 2:30 ay nagmadali na rin ako para mapagbuksan siya. First monthsary kasi namin at napagkasunduan namin na dito nalang sa apartment at manood ng movies. Wala kasi ako sa mood para lumabas at ayaw ko rin na lagi siyang gumagastos.
Sa loob ng isang buwan namin ay mas madalas na dito lang talaga kami naglalagi. Tuwing hinahatid niya ako galing trabaho at maaga kaming nakakauwi ay pinagluluto ko siya ng hapunan at sabay kaming kumakain. Hindi pa kami gaanong lumalabas dahil maliban sa lihim palang ang meron kami ay tuwing linggo lang din ang parehas kaming walang trabaho.
Pinatay ko muna ang stove at dali-dali na akong nagtungo sa pintuan para pagbuksan siya.
"Bak-" Hindi ko natuloy ang dapat kung sasabihin kasi imbes na ang mukha ni Rustin ang mabungaran ko ay mukha ni Menchu at Brenda ang aking nakita.
"A-anong ginagawa niyo rito?" Nagtataka kong tanong.
Hindi na sila nagpa-imbita pa at kusang loob na pumasok sa loob na tila ba expected ko talagang darating sila. Inulit ko ang tanong ko nang masarhan ang pinto at baka hindi lang nila narinig na nagtanong ako.
"Grabe ka naman, Zareen. Masama bang dumalaw minsan?" Saad ni Brenda na umarte pang sumakit ang dibdib.
Hindi naman ako mapakali dahil anumang oras ay alam kong dadating si Rustin at malaking gulo kung nagkataon na makita siya ni Menchu at Brenda rito.
Nakita ko na pareho na silang umupo sa sofa at binuhay naman ni Menchu ang tv.
"Ang bango naman. Nagluto ka?" Tanong ni Menchu na may pasinghot-singhot sa hangin.
"Yung totoo? Wala akong naalala na may usapan tayo ngayon." Pag-iiba ko ng usapan dahil baka pumunta sila ng kusina at makitang hindi pang-isang tao lang ang iniluto ko.
Naagaw ko naman ang atensyon nilang dalawa dahil sa sinabi ko.
"Magma-mall kasi kami ni Brenda at naisipan namin na yayain ka. Kaya nagpunta na kami rito dahil malapit lang naman ang apartment mo. Manunuod lang naman ng sine tapos kakain." Paliwanag ni Menchu.
Kahit labag sa loob ko ang magsinungaling ay kailangan ko pa rin gawin dahil hindi naman pwede na i-cancel ko yung usapan namin ni Rustin. Monthsary namin at ayaw ko naman na magtampo siya. At isa pa, gusto ko talagang i-celebrate namin na magkasama ang araw na ito.
Huminga ako nang malalim bago nag-imbento ng excuse para hindi makasama sa kanila.
"Sorry, hindi ako pwede ngayon. May usapan kasi kami ni Cha na magbo-bonding dun sa kanila dahil birthday nung aso niyang si Welburg." Saad ko.
Okay, masyadong brilliant akong mag-isip. Aso pa talaga ang may birthday.
Agad na napasimangot ang dalawa dahil sa narinig. Alam naman kasi nila na tuwing may usapan kami ng bestfriend kong si Charmaine ay yun ang inu-una ko dahil nga may mga buwan talaga na hindi kami nagkikita dahil sa klase ng trabaho niya.
Naggi-guilty ako at pati si Charmaine ay kailangan ko pang gamitin bilang palusot dahil kahit kasi 'yon ay hindi pa rin alam na kami na ni Rustin. Ang alam ko ay sa susunod na linggo pa ang balik niya at dun ko rin balak sabihin sa kanya dahil ayaw ko naman na sa telepono lang kami magkwentuhan tungkol dun.
Naintindihan naman nila ang dahilan ko at nagpaalam na rin sa akin pagkatapos.
Pagkaalis nila ay agad kong binalikan ang niluluto ko. Mabuti nalang at malapit na akong matapos sa pagluluto dahil balak ko pa talagang mag-half bath pagkatapos. Naligo naman ako nung umaga pero nakakahiya naman kay Rustin at baka amoy pawis na ako, ang bango pa naman nun palagi.
BINABASA MO ANG
Stay Away (COMPLETED)
General FictionShe's undeniably attracted with her new boss. Ang paghanga na hindi inaasahan ni Zareen na lalalim. Ngunit hindi siya pwedeng mahulog kay Rustin, hindi niya pwedeng mahalin ito. Kaya naman gagawin niya ang lahat para lumayo. Would she be able to sta...