Pinaglalaruan ba ako ng kapalaran? Sa lahat ng pwede ko naman maging ka-group ay yung tao pa na iniiwasan ko talaga?
Sa nangyayari sa akin ay parang walang pag-iwas na nagaganap dahil lagi lang namang pinagsasalubong ang landas namin na hindi naman sadya. Una, nung isinama niya ako sa bahay-ampunan at napagkamalan pa akong girlfriend niya. Pangalawa, nang ma-stucked kami sa elevator na kami lang dalawa. Pangatlo, nang naiwan naman ako kanina ng bus at siya yung nakasabay ko sa byahe patungo rito. At ang huli ay kami ang magkasama sa isang group activity? Saan ang hustisya dun?
Mabigat ang loob ko namang nilakad ang distansya para marating ang pwesto niya. Ni hindi nga ito nagbalak maghanap ng ka-grupo at naghihintay lang kung may lumapit. Prinsipe nga naman ang lolo niyo.
Napansin niya marahil ang presensya ko kaya tinapunan niya ako ng tingin.
"Magka-group tayo." Busangot kong saad sabay nang pagpapakita ng dala kong stick na may kulay pula sa dulo.
"Good." Tangi nitong sagot.
Ngumiti ba siya? Baka nagmamalik-mata lang ako.
"Nakita niyo na ba lahat kung sino ang ka-grupo niyo?" Tanong ng faci nang makita na wala nang naglalakad at steady na lahat ng participants.
"Excuse me? Wala pa po yung isa naming kasama." Tawag ko ng pansin sa faci. Dadalawa pa lang kasi kami ni Rustin.
"Red ba 'yung kulay niyo?" Tanong nito sa akin at umoo naman ako.
"Dalawa lang kayo, butal kasi ng isa." Sagot naman nito.
So, ibig sabihin dalawa lang kami? As in, kaming dalawa lang ang magkasama through out the day? May balat ba ako sa pwet?
Nang masigurong ayos na ang lahat ay inisa-isa kaming binigyan ng puting papel, sabay-sabay na binasa namin ito. Pagkatapos basahin ay nag-go signal na ang mga faci at sabay-sabay na kaming lahat tumakbo.
"Teka, teka tigil muna." Pagpapatigil ko kay Rustin.
"Ang konti pa lang ng tinakbo natin, pagod ka na agad?" Tanong nito.
"Hindi no. Lakad lang muna tayo at hindi pa naman natin napapag-usapan kung saan tayo pupunta. May ideya ka ba kung ano ang nakasaad na clue diyan sa tanong?" Tanong ko habang naglalakad, sumasabay din naman siya sa paglakad.
"Saging ang sagot diyan." Sabi niya.
Bakit hindi ko naisip 'yun? Ang tanong kasi ay ano daw ang pinag-aagawan ng pagong at unggoy na minsan mahaba minsan may maliit. Nabobo yata ako panandalian dun ah.
Agad ko namang pinag-aralan ang mapa na bigay sa amin kanina at hinanap ang ang may maraming saging na nakasaad.
"Kumaliwa tayo rito." Sabi ko sa kanya.
"Are you sure you know how to read a map?" Tanong niya.
"Alam ko. Madali lang din naman intindihin 'tong map oh. Tignan mo ang raming clues at legend." Sabi ko habang pinapakita ang mapa sa kanya.
"Okay, your on the map."
Agad din naman kaming naglakad patungo sa direksyon na itinuro ko.
Naging madali naman ang pagpunta namin sa bawat station, maliban kasi sa magaling akong magbasa ng mapa ay matalino din 'tong kasama ko. Lahat nasasagutan niya, habang tumatagal ay nagli-level up din yung mga katanungan kaya humihirap. May tulong din naman ako sa pagsagot mas marami nga lang yung sa kanya.
Kasalukuyan kaming nasa fourteenth station nang napagod na ako.
"Sandali lang. Pwedeng magpahinga muna tayo ng kaunti, Rustin?" Hiningal kong usal habang umupo sa natumbang kahoy sa daan.
BINABASA MO ANG
Stay Away (COMPLETED)
General FictionShe's undeniably attracted with her new boss. Ang paghanga na hindi inaasahan ni Zareen na lalalim. Ngunit hindi siya pwedeng mahulog kay Rustin, hindi niya pwedeng mahalin ito. Kaya naman gagawin niya ang lahat para lumayo. Would she be able to sta...