"Okay lang ako. Oo, maayos naman ang second day ko rito." Sagot ko kay Rustin habang kausap siya sa telepono.
Nasa Cavite kasi ako para sa isang Marketing Conference at ito namang boyfriend ko ay oras-oras kung tumawag. Nakakapagod na rin namang sumagot ng tawag lalo pa't whole day akong busy pero kinikilig ako sa sweet na gesture niya. Mainam na rin na siya yung tumatawag para kumustahin ako at hindi ko na kailangan pang mangamba kung ano na ang ginagawa niya sa Manila dahil sa bawat tawag niya ay kinukwento niya lahat ng ginagawa niya buong araw.
"Wala bang pumuporma diyan sa'yo?" Kakahimigan mo ng pagseselos ang boses niyang tanong.
"Wala, kahit ba gustuhin at nakakatawag pansin ang kagandahan ko ay ako na mismo ang umiiwas at bumabara sa nagpapapansin sa akin. Alam mo naman kung sino lang yung gusto kong pansinin ako diba?" Nakangiting kong tanong habang binubuksan na ang kwarto sa hotel kung saan ako naka-stay.
"And who's that guy, if I may know?" Tanong niya na halata mo ang saya sa boses.
"Sino nga ba?" Sabi ko at tumahimik na para bang nag-iisip pa.
"I'm waiting." Inip nitong saad.
May pagka-moody talaga si Rustin, isa yun sa mga nalaman ko pa sa kanya. Yun pagka-moody niya ay tipong O.A. na, katulad nalang ngayon na kahit alam naman niya kung sino yung tinutukoy kong lalaki ay hindi pa rin siya napapanatag hangga't hindi lumalabas mismo sa aking bibig. Mabuti nalang kamo at nasasakyan ko yung ugali niyang 'yun at hindi ako naiinis dahil kung nagkataon ay palaging away ang pupuntahan tuwing mag-uusap kami. Pasalamat siya at kinahiligan ko na yata ang manuyo. Ang cute din naman kasi niyang magtampo, ang sarap kurutin!
"Syempre sino pa ba? Edi ang pinakagwapo at pinakamamahal kong boyfriend." Sagot ko.
"So it's me?" Tanong niyang naninigurado.
"May iba ba ako ng boyfriend? Gusto mo magkaroon ako?" Pamimilosopo ko.
Tiyak at galit na naman 'to.
"Don't you dare. Mapapatay ko yang lalaki." Seryoso niyang sagot.
Gusto ko tuloy makita ang reaksyon niya ng mga oras na 'yon. Paniguradong pulang-pula na naman ang mukha niya sa selos. Sobrang seloso naman kasi na hindi ko rin masisi, tuwing may date kasi kami lagi niyang napapansin yung ibang lalaki na ninanakawan ako ng tingin at sulyap nang sulyap. Kung noon hindi ko na pinapansin ang mga lalaking ganun pero simula ng maging kami ay naiirita ako sa kanila, ayaw na ayaw ko pa naman na nakikita si Rustin na nagagalit.
Kahit kay Rustin ay may mga babae rin namang nagpapapansin pero hindi naman ako gaya niya na sobra talaga kung magselos, naiinis lang ako pero hindi nagseselos. Ano naman ang ipagseselos ko kung hindi niya naman ito pinapansin at sa akin lang talaga ang buong atensyon niya tuwing magkasama kami.
"Mabuti pa nga at patayin mo. Ayaw ko rin naman sa iba, gusto ko sa'yo lang ako." Natatawa kong sabi.
"I love you, babe."
"I love you, too. Baka ikaw dyan ang maagaw ng ibang babae ha. Napaka-irresistable mo pa naman at baka ma-tempt ka sa iba kasi wala ako." Nakalabi kong saad habang hinuhubad na ang sapatos na suot.
"Impossible. I won't let them have me. I'm all yours and you are the only woman I want to own me, mind, heart, soul and of course body." Sabi niya gamit ang pang-akit na boses.
"Mind, heart and soul lang muna. Tsaka na yang body pagkasal na tayo pero syempre hindi mo pa rin yan pwedeng ialay sa iba dahil naka-reserve na 'yan sa pangalan ko." Natatawa kong sagot sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Stay Away (COMPLETED)
General FictionShe's undeniably attracted with her new boss. Ang paghanga na hindi inaasahan ni Zareen na lalalim. Ngunit hindi siya pwedeng mahulog kay Rustin, hindi niya pwedeng mahalin ito. Kaya naman gagawin niya ang lahat para lumayo. Would she be able to sta...