Nakauwi na ako ng bahay. Abot tenga pa din yung ngiti ko. Grabe sa tagal tagal ko ng nanliligaw kay Kath ngayon lang sya pumayag na ihatid ko sya.
"Kamusta?" Nagulat ako. Nandito na naman sya sa bahay ko.
"Teka. Panu ka nakapas...." Bakit ko pa itatanong kung panu sya nakapasok. Nakalimot ka na naman Kaye.
"Dumaan ako sa Pinto. Bumukas sya kanina nung humangin ng malakas." Sagot nya.
"Talagang bumukas yung pinto? Baka naman tumagos ka sa pinto."
"Hindi. Bumukas sya mag-isa." Sabi nya.
"Ok fine. Pero. Oo nga pala. Ikaw ba may gawa nun?" Tanong ko siguro alam nya na tinutukoy ko.
"Gawa? Saan?" Tanong nya. Nagmamaang-maangan pa sya.
"Yung samin ni Kath."
"Aahh. Sabi mo kasi tulungan kita. Bakit may nangyari ba? May nagawa ba kong mali." Bakit ba takot na takot syang may magawa syang mali sakin.
"Anu ka ba?! Alam mo bang sobrang saya ko?! First time nangyari yun! Kaya sobrang thank you!"
Mapapayakap na naman sana ako sa kanya pero napigilan ko sarili ko.
"May usapan tayo Kaye." Biglang sabi nya.
Oo nga pala. Nakalimutan ko. May kapalit lahat. Napaupo ako sa kama ko. Kinuha ko laptop ko. Naghanap muna ako ng pangalan na pwede kong itawag sa kanya.
"Isip muna tayo ng pangalan mo."
Habang nagsearch ako sa laptop ko kung anung pwede kong itawag sa kanya. Natatawa ko sa mga nakikita ko. Pwede ko naman syang pangalanan ng kung anu-anu lang kaya lang baka di nya magustuhan.
"Cassandra." Sabi nya. Napatingin ako sa kanya.
"Cassandra? San mo nakuha yun? Teka may naaalala ka na ba?" Tanong ko.
"Wala pa. Pero. Hindi ko alam bigla ko lang naisip." Sagot nya.
"Naisip mo lang? O baka naman may kinalaman yan sayo." Sabi ko habang humihikab ako. Inaantok na ako.
"Hindi ko alam."
Ayaw ko na syang pilitin. Gusto ko na ding matulog. Buong araw akong walang tulog.
Nagising ako sa alarm ng phone ko. Papasok na naman ako. Grabe ang bilis naman nun. Parang kakapikit ko pa lang kagabi. Teka. Nasan si...
Nagulat ako sa nakita ko.
"Anung ginagawa mo?" Tanong ko. Kahit nakikita ko naman kung anung ginagawa nya. Nagluluto sya.
"Nagluluto." May pinakita sya saking libro. Cooking book. Di ko alam kung matatawa ako sa kanya. Ang swerte ko naman sa kanya. Kahit anu kaya nyang gawin para sakin.
"San mo nakuha yan?" Lumapit ako sa kanya.
Hindi nya ko sinagot. Nginitian nya lang ako.
Nang makita kong tapos na sya. Umupo na ko. Gusto kong matikman anung lasa ng luto nya. Pinagserved nya ko ng breakfast ko. Nakatingin lang sya sakin. Para talaga syang bata. Naeexcite na naman sya. Kahit kaluluwa na lang sya. Para pa din syang tao.
"Anung lasa?" Tanong nya.
Hindi ko sya masagot. Hindi ko alam kung lulunukin ko ba o idudura ko. Ang panget ng lasa. Nilunok ko na lang sabay ngiti sa kanya. Tumakbo ako papuntang CR. Hindi talaga kinaya ng sikmura ko.
BINABASA MO ANG
Chasing Pavements
Mystery / ThrillerMay mga bagay sa mundo na hindi naten alam na nangyayari talaga sa totoong buhay. Mga kakaiba at hindi kapani-paniwala. Panu kung isang araw malagay ka sa isang sitwasyon na sayo pa lang nangyayari at wala pang ibang nakakaranas? Panu ka kaya lalaba...