CHAPTER 24: ELLA

1.1K 79 28
                                    

Hi guys!

Sorry sa late update.

Please guys vote ulet tayo for Kaye Cal until September 11 na lang po and syempre po for Simply_Author until August 31 na lang po ang voting for Two Hearts 😊. Thanks!

Panuorin nyo din yung inattached kong video bago kayo magstart. Nalaman ko lang to sa friend ko. Bagay daw to sa flow ng story ng Chasing Pavements. Not sure kung totoo kaya kayo ng bahalang maghusga 😂😂😂.


Enjoy!







__________________________________________













KAYE'S P.O.V.






"Ella."

Ella pangalan nya.

"Salamat nga pala." Sabi ko.

"Wala yun. Sa tingin ko kailangan mo ng umalis." Sabi nya. Tumingin sya sa labas ng bintana nya.

"Hindi ko alam palabas dito."

"Wag kang mag-alala sasamahan kita. Mukang kailangan ko na ding umalis dito." Sabi nya sabay kuha ng mga gamit nya.

"Bakit naman? San ka pupunta?"

"Hindi na ako ligtas dito. Kahit anung oras pwede nyang matunton tong bahay ko na to. At yun ay nang dahil sayo. Mas maganda ng sigurado ako. Anu sasama ka ba o hindi?" Tanong nya. Hindi ko napansing nasa tapat na sya ng pinto.

"Nahihirapan akong tumayo."

Masakit pa din katawan ko gawa ng nangyari sakin. Lumapit sya sakin at tinulungan akong makatayo.









Nakalabas na kame ng gubat. Hindi ko na alam kung saan ko napark yung kotse ko. Naalala ko na naman si Kiko. Nasan na kaya sya. Kailangan ko syang makita.

"San mo ba napark?" Tanong ni Ella.

"Malapit ng konti dun sa lumang bahay?"

"Sa dami dami naman ng pagpaparkingan mo bakit dun pa?" Tanong nya. Naglakad pa ulet kame.

"Saan ba ko galing? Di ba doon? At saka don't worry malayo pa naman sya sa bahay na yun." Sagot ko. Nahihirapan pa talaga akong maglakad.

"Eh panu kung nandun yung lalaki at inaabangan ka lang bumalik?" Tanong nya.

Hindi ako nakasagot. Kinabahan ako bigla sa sinabi nya. Napatingin lang ako sa kanya. Kamuka nya talaga si Tin.

"Yun ba kotse mo?" Tanong nya. Napatingin ako sa tinuro nya.

"Oo yun nga."

Naglakad na kaming dalawa palapit na kotse ko. Pero napahinto si Ella ng may mapansin sya.

"Bakit?" Tanong ko.

"May tao."

Napatingin ulet ako sa kotse ko. May nakatayo sa harap. Tinignan kong mabuti kung sinu.














Si Kiko.

Napangiti ako nung makita ko sya at hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil masaya ako at ligtas.

"Wag kang mag-alala kaibigan ko yan."

Naglakad na lang ulet kame papunta sa kotse ko. Napansin na kame ni Kiko. Nagmamadali syang lumapit samen.

Chasing PavementsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon