Hi guys!!
End na ng game. Salamat sa mga sumali.
Chapter 16 na. Dito na maguumpisang maglabasan isa isa ang katotohanan haha oh di ba lakas makateleserye lang. Maliliwanagan na tayong lahat sa mga nangyayari.
Hope you enjoy reading this story. Malapit na kasing matapos 😂😂😂. Alam nyo naman na kung bakit di ba?
Ok di ko na po patatagalin pa. Hapon ako magupdate baka kasi matakot kayo sa gabi hahaha.
Enjoy!!!!
_____________________________________________
TIN'S P.O.V.
Nagising akong katabi ko si Kaye. Ang himbing ng tulog nya. Nakatingin lang ako sa kanya. Tinitignan lang bawat parte ng muka nya. Di ko akalain na magiging ganito ulit ako kaclose sa kanya. Matagal na din kaming di nagusap o kahit 'Hi!' man lang pagnakakasalubong nya ko hindi nya magawa. Pero ngayon eto na naman kami. Hindi ko alam kung bakit pero natutuwa ako sa pagiging concern nya sakin. Mas gugustuhin ko pang palaging malagay sa ganitong sitwasyon kung ganito naman kasweet si Kaye sakin.
Kagabi muntikan na kong umamin sa kanya. Ang kulit kulit nya kasi. Buti na lang at napigilan ko sarili ko. Hindi ko yata alam gagawin ko pagsinabi ko sa kanya kung anu nararamdaman ko para sa kanya. Ewan ko ba kasi sa sarili ko kung bakit kasi mahal na mahal ko tong ungas na to.
Bumangon na ako. Nagdahan dahan lang para hindi ko sya magising. Gusto kong umalis ngayon at alam ko pagnagising sya hindi nya ko paaalisin. May usapan kami ni Kiko ngayon. May sasabihin sya sakin. At madami din akong gusto pang itanong sa kanya. Hindi ko lang sya nakausap ng maayos kahapon dahil busy ako sa surprise ko kay Kaye.
Pagkababa ko ng kama tumingin ulet ako kay Kaye. Hindi ko alam kung bakit pero gusto ko lang syang titigan. Nakakamiss talaga sya. Lumapit muna ako sa kanya bago lumabas ng kwarto. Pagkalapit ko sa kanya. Dahan dahan kong nilapit muka ko sa muka nya. Gusto ko syang halikan.
Hinalikan ko sya sa pisngi. At binulungan ko sya.
"Bye Kaye."
Pagkasabi ko nun nagmadali na akong lumabas. Napatingin ako sa pinto ng kwarto ko. Ayaw ko na sanang pumasok dun dahil sa mga nangyari kagabi pero eto ako, dahan dahan naglalakad papasok sa kwarto ko. Naayos na ng konti ni mommy mga gamit ko. Nabura na din yung nakasulat sa pader. Kinuha ko yung box sa ilalim ng kama ko. Dito ko nilalagay lahat ng mga nakuha kong info about kay Cass. Buti na lang tinago ko to. Pakiramdam ko kaya ginulo tong kwarto ko dahil dito. Gustong makunin ng kung sinuman lahat to. Ayaw nyang makabuo ako ng info tungkol kay Cass. Pakiramdam ko din malapit ko ng mabuo at malaman lahat. Pero wala pa kong sinasabi kahit isa kay Kaye. Natatakot ako para sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero alam ko sa kanya talaga may masamang balak yung lalaking yun. Pero bakit? Anung dahilan nya? Wala akong maisip. Pero may isa pang bumabagabag sakin. Si Cass.
"Tin?" Nagulat ako sa tawag ni mommy.
"Po?"
"Bakit nandito ka? Ang aga mo. Aalis ka ba?" Lumapit sya sakin. Tinago ko ulit yung box na hawak ko.
"Opo. Magkikita po kami ni Kiko."
"Ganun ba. Isama mo na si Kaye."
"Hindi na po. Kaya ko naman. At saka saglit lang po ako."
"Sige na isama mo na lang si Kaye para hindi ako nagaalala sayo."
"Mommy naman. Ok lang po ako. Ako pa ba? Parang di nyo naman kilala tong anak nyo." Inakbayan ko sya.
BINABASA MO ANG
Chasing Pavements
Mystery / ThrillerMay mga bagay sa mundo na hindi naten alam na nangyayari talaga sa totoong buhay. Mga kakaiba at hindi kapani-paniwala. Panu kung isang araw malagay ka sa isang sitwasyon na sayo pa lang nangyayari at wala pang ibang nakakaranas? Panu ka kaya lalaba...