Isang araw na naman sa opisina. Nakakabored. Gusto ko ng matapos tong araw na to. Wala man lang nangyayari. Kanina ko pa tinetext si Tin pero sabi nya busy daw sya. Wala din si Cass sa paligid. Nasan na naman kaya sya? Palagi na lang syang nawawala. Pero mas ok na din siguro yun.
Nakita ko si Erick na galing ng office ng boss namen. Mukang may bago na namang utos sa kanya. Natatawa ko sa muka nya nakasimangot talaga.
"Problema?" Tanong ko.
"Anung problema? Delubyo kamo. Nakakainis. May lakad pa naman kami bukas ng girlfriend ko. Panu to?"
"Haha. Kaya mo yan. Ikaw pa." Pang-iinis ko.
Nagulat ako ng bigla syang lumapit sakin.
"Kaye. Di ba magkaibigan naman tayo. Baka pwede namang ipaubaya ko muna sayo to. Ngayon lang please."
"Ha?! Ayoko nga. Madami akong gagawin."
"Talaga? Eh panu kung kasama si Kath." Tinuro nya bigla si Kath. Kakalabas nya lang din sa office ng boss namin.
"At panu ka naman nakakasiguradong kasama sya?" Tanong ko.
"Eto oh." Pinakita nya sakin yung papel na hawak nya. Kasama nga sa listahan pangalan ni Kath sa aattend ng seminar and training para bukas.
Napaisip ako bigla. Naalala ko bigla si Tin at Cass. Kailangan nila ako. Ayokong may masabi na naman si Tin sakin. Pero kasama kasi si Kath. Chance ko na to. Di ko alam pipiliin ko.
"Anu ikaw na papalit sakin ha. Sabihin ko lang sa HR na ikaw na lang aattend."
"Ha?! Teka! Hoy Erick!"
Nakaalis na sya. Loko to di man lang hinintay sagot ko. Hinayaan ko na lang sya. Bahala sya sa buhay nya.
Lumipas na ilang oras at uwian na din sa wakas. Nagmamadali na akong nag-out para makauwi na ako at makausap si Tin. Pero maya maya lang nilapitan ako ni Kath.
"Hi Kaye!"
"Kath? Uwi na?" Tanong ko.
"Yep. Ikaw?"
"Oo sana."
"Ganun ba. Balita ko ikaw daw papalit kay Erick para sa seminar bukas."
Patay. Tinotoo nga ni Erick. Sira ulo talaga yun.
"Oo. Wala na kong magawa. May lakad daw kasi sila bukas ng girlfriend nya." Nakangiting sagot ko.
"So see you tomorrow?"
"Yeah. See you there."
"Ok. Bye Kaye."
"Bye Kath."
Umalis na si Kath. Sabay na kaming pumasok sa kotse namin. Nakakainis talaga tong si Erick. Imbes na sa office lang ako bukas pupunta pa tuloy ako sa boring na seminar na yun.
"Kaye?"
"CASS!" Nagulat ako kay Cass. Sumulpot na naman sya. Nakaupo sya sa likod ng kotse ko.
"Sorry nagulat ba kita?" Tanong nya.
"Oo. At palagi na lang. San ka ba galing?"
"Kung saan saan lang." Sagot nya.
Hindi na ko nagsalita. Gusto ko na lang umuwi na pero dadaanan ko muna si Tin.
Naging tahimik lang byahe ko. Nandun pa din sa likuran ng kotse si Cass. Nakatingin lang sya sa malayo. Nagpark na lang muna ako sa labas ng bahay nila Tin bago umuwi.
BINABASA MO ANG
Chasing Pavements
Misterio / SuspensoMay mga bagay sa mundo na hindi naten alam na nangyayari talaga sa totoong buhay. Mga kakaiba at hindi kapani-paniwala. Panu kung isang araw malagay ka sa isang sitwasyon na sayo pa lang nangyayari at wala pang ibang nakakaranas? Panu ka kaya lalaba...