CHAPTER 20: REVELATION

1.4K 96 40
                                    

Hi guys!!

Super late na update! Sorry 😢.

Bago nyo po basahin. Basahin nyo ulet ung last chapter haha baka kasi nakalimutan nyo na 😂😂😂. At saka hinay hinay lang sa pag-scroll ha. Ang bibilis nyo eh. Sige kayo baka mamaya may kakaibang picture kayong makita maitapon nyo phone nyo haha. (Insert nakakatakot na picture) 😂😂😂

By the way, ang tagal ko ng di ginagawa to. Nakavote na ba kayo sa Push Awards? Well kung hindi pa. Vote na guys! Let us support our The Voice of SOUL 😊 KAYE CAL as one of the Push Awards Like NewComer Nominee.

Just log in to www.pushawards.abs-cbn.com  . Click Kaye's picture and then Vote😊😊😊. Register all your emails guys! The more the merrier 😊😊😊..

Enjoy!!!










________________________________________







KAYE'S P.O.V.






"KIKO!!!!??"

Bumalik ako sa bahay ni Kiko simula ng mabasa ko yung nasa notebook nya. Kanina pa ko nandito walang sumasagot. Madilim kanina sa loob ng bahay nya pero bigla din namang nagkailaw.

"KIKO!!!!???" Tawag ko ulet.

Nakita ko syang sumilip sa bintana nya.

"Anung ginagawa mo dito Kaye?" Tanong nya. Talagang wala syang balak papasukin ako.

"May itatanong lang ako sayo. Madami tayong pag-uusapan. Pwede ba kong pumasok?"

"Wag na Kaye. Umalis ka na."

Ha? Anung problema nya.

"Bakit? Akala ko ba magtutulungan tayo?" Tanong ko.

"Basta umalis ka na! Wag ka ng bumalik dito."

"Anung problema mo?" Tanong ko.

Hindi na sya sumagot. Sinara nya yung bintana nya. Bakit ganun sya? Nagpakahirap pa naman akong pumunta dito sa bahay nya dahil sobrang dilim na papunta dito tapos ganito sya sakin.

Hindi ko na kinulet si Kiko. Ayaw ko syang pilitin. Kung ayaw nya eh di wag. Nakakainis lang talaga sya. Dapat talaga di na ko pumunta dito. Pero naguguluhan lang talaga ako sa mga nabasa ko. Pakiramdam ko may alam sya na hindi ko alam. Hindi nya pa nakikita si Cass pero kung husgahan nya si Cass grabe. Wala na talaga syang makitang ibang may kasalanan kundi si Cass lang. Hindi nya pa nakikita yung lalaki. Kung makikita nya lang yun malamang hindi na si Cass puntiryahin nya.

Bumalik na ako sa loob ng kotse ko. Nagmadali na din akong umalis. Ayaw ko ng magtagal dito. Sobrang nakakatakot dito sa lugar ni Kiko. Bakit natitiis ni Tin na magpunta sa ganitong lugar? Nakakatakot dito.






Habang nagdrive ako. Di pa din mawala wala sa isip ko lahat ng mga nabasa ko. Hindi ko alam kung anung ibig sabihin ni Kiko sa lilipatang katawan. Ang corny nyang basahin pero parang seryoso lahat. Sana lang walang mangyaring masama kay Tin.



Mejo nakalayo na ko sa bahay ni Kiko. Ngayon ko lang narealize na ang puno din pla papunta sa kanila. Akala mo probinsya na. Habang nasa kalagitnaan na ko. Napansin kong parang kanina pa ko at hindi ako makalabas sa kalyeng dinadaan ko. Pabalik balik ako. Napahinto ako saglit. Tumingin ako sa paligid. Yung kaninang malaking puno. Nakita ko na to tatlong beses na. Nandito na naman sya. Akala ko kamuka lang pero hindi ako pwedeng magkamali eto din yun. Mukang minumulto na naman ako. Nagdrive na lang ako ulet baka sakaling mali lang talaga iniisip ko.



Chasing PavementsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon