Hi guys!
Sorry sa mga late na late na updates!
Hanggang bukas na lang po ang voting for Two Hearts. Please guys pavote po!
Thank you!
Enjoy!
______________________________________
KAYE'S P.O.V.
Eto na naman ako. Mag-isa. Naglalakad sa lugar na hindi ko alam kung saan. Madilim. Wala akong makita.
May tumatawag sa pangalan ko. Familiar yung boses nya. Hinahanap ko kung saan galing yung boses. Naglakad ako papunta sa kanya.
Nang makarating ako sa tapat ng isang bahay biglang nawala yung tumatawag sakin. Tumingin tingin ako sa paligid. Nagulat ako ng maisip ko kung nasan ako.
Nasa loob ako nung bahay.
Nasa loob ako mismo ng kwarto. Kwarto kung nasan yung...
"Kaye?"
May tumawag sakin. Nasa likod ko sya. Hindi ako humaharap dahil alam ko kung anung makikita ko sa likuran ko.
"Kaye?"
Isa pang tawag nya. Familiar sakin yung boses na to. Hindi ako pwedeng magkamali.
"Tin?" Sabi ko habang dahan dahan akong umikot para makita kung sinung tumatawag sa likuran ko.
Laking gulat ko ng makita ko si Tin.
Nakahiga sya sa kama.
Lumapit ako sa kanya.
"Tin?"
Pero nagulat ako ng biglang nag-iba itsura nya.
"Whaaaaahh!!!"
"Kaye? Ok ka lang?" Tanong ni Ella.
Nagising akong pawis na pawis. Nananaginip na naman ako. Ilang beses ng nangyari sakin to. Ilang beses ko ng nakita si Tin. Pero ngayon iba. Ibang iba to sa mga panaginip ko. May nakita akong lugar. At ang nakakatakot dun. Doon ko sya nakita sa bahay na yun. Sa lumang bahay na yun. Nandun si Tin. Nanghihingi sya ng tulong sakin. Halata yun sa boses at itsura nya. Pero bakit nung nilapitan ko na naman sya nag-iba na naman itsura nya. Nakakatakot. Yung muka nung babaeng bangkay yung nakita ko. Nung una si Cass. Ngayon yung babae na yun. Nakakakilabot. Sinu kaya sya. May kinalaman din kaya sya sa pagkawala ni Tin.
"Hoy Kaye! Anung problema?" Pasigaw na tanong ni Ella. Hindi ko kasi sya nasagot kanina. Nandito sya ngayon sa bahay ko. Dito ko na muna sya pinatuloy.
BINABASA MO ANG
Chasing Pavements
Misteri / ThrillerMay mga bagay sa mundo na hindi naten alam na nangyayari talaga sa totoong buhay. Mga kakaiba at hindi kapani-paniwala. Panu kung isang araw malagay ka sa isang sitwasyon na sayo pa lang nangyayari at wala pang ibang nakakaranas? Panu ka kaya lalaba...