Hi guys!
Sorry late update.
Enjoy!
______________________________________________
KAYE'S P.O.V.
Madilim yung paligid ko wala akong makita. Naglalakad ako mag-isa. Hindi ko alam san ako pupunta. Patuloy lang ako sa paglalakad. Pagod na pagod na ako pero hindi ako humihinto.
May nakita akong kakaiba sa malayo. Nilapitan ko. Babae. Nakahiga sya sa sahig. Lumapit pa ako para makita ko kung sinu. Wala syang malay. Umupo ako para makita kung sinu sya. Laking gulat ko ng marealize ko kung sinu sya.
Si Tin.
Ginigising ko sya. Hindi ko sya magising. Bumilis tibok ng puso ko ng makakita ako ng dugo. Unti unting binalot ng dugo yung mga kamay ko.
Dugo ni Tin.
Naiyak ako. Hindi ko na maramdaman paghinga nya. Hindi pwede to. Hindi pwedeng mangyari to.
Niyakap ko sya. Umiiyak lang ako habang yakap yakap ko sya.
Hindi ko kayang mawala si Tin. Ayoko. Hindi dapat nangyayari to. Kasalanan ko lahat to.
Maya maya lang naramdaman kong gumalaw sya. Dahan dahan kong tinanggal pagkakayakap ko sa kanya.
Tinignan ko sya. Hindi ko makita muka nya dahil sa mga buhok na nakaharang sa muka nya. Tinanggal ko lahat ng harang.
Dahan dahan.
Laking gulat ko sa nakita ko.
Nag-iba itsura nya.
Hindi na sya si Tin.
Panung nangyari to?
"Cass?"
Nagising ako. Pawis na pawis. Panaginip lang pala lahat. Panaginip nga lang. Akala ko totoo na. Ang gara bakit ganun? Pakiramdam ko totoo yun. Pakiramdam ko wala na talaga si Tin.
Napatingin ako sa tabi ko. Wala si Tin. Wala sya sa pwesyo nya. Hinanap ko sya sa loob ng kwarto pero wala sya. Lumabas agad ako at hinanap sya sa buong bahay. Wala sya. Nasan na naman kaya sya nagpunta. Napansin kong wala yung kotse nya.
"Tin??!!!" Sigaw ko habang hinahanap ko pa din sya kahit alam ko naman na umalis sya. Nagbabaka sakali lang na nandito sya.
"Kaye. Buti naman at gising ka na. Umalis si Tin kanina pa. Pero sabi nya babalik din daw sya agad."
"San daw po sya pupunta?" Tanong ko habang nagmamadaling isuot yung sapatos ko. Kailangan ko syang puntahan.
"Kina Kiko daw. Aalis ka na ba? Kumaen ka na muna."
"Hindi na po. Una na po ko." Pagkasabi ko nun tumakbo na ko palabas at nagmamadaling sumakay sa kotse ko.
Pagkasakay ko sa kotse tinawagan ko agad si Tin pero hindi sya sumasagot. Di ko alam san ako pupunta. Di ko alam kung san nakatira yung Kiko na yun. Hindi ko nga sya kilala. Bakit ba kasi ang tigas ng ulo ni Tin. Sinabihan ko na syang wag ng umalis. Hindi pa ba sya natakot sa nangyari kagabi. Gusto pa yata nya ng isa. Pasaway talaga sya.
BINABASA MO ANG
Chasing Pavements
Misteri / ThrillerMay mga bagay sa mundo na hindi naten alam na nangyayari talaga sa totoong buhay. Mga kakaiba at hindi kapani-paniwala. Panu kung isang araw malagay ka sa isang sitwasyon na sayo pa lang nangyayari at wala pang ibang nakakaranas? Panu ka kaya lalaba...