CHAPTER 10: FEELINGS

1.1K 107 23
                                    

Hi guys!

Sorry late update. Busy si author kahapon.

Enjoy😊







____________________________________________




"Tin."

Mahinang sabi ko.

"Anu bang kailangan mo?! Bakit nandito ka?!"

Nanginginig na yung boses ko. Natatakot ako. Alam kong hindi lang dahil dito sa lalaki sa harap ko. Kundi pati narin sa kaligtasan ni Tin. Ayoko syang madamay dito.

Hindi pa din sya nagsasalita. Nakatingin lang sya kay Tin. Humarang ako sa harap nya. Ayoko ng tingin nya sa kaibigan ko.

"Sinu ka ba? Bakit nagpapakita ka sakin?" Tanong ko. Nagmamatapang ako. Kahit sa loob loob ko nanginginig na ko sa takot.

Tumingin sya sakin. Nakakatakot talaga sya. Sana lang mapansin kami ni Cass. Sana lang din di sya makita ni Tin.

"Anu ba talagang kailangan mo?"

"Sinabi ko na sayo. Ikaw ang may kailangan sakin."

Narinig ko na naman boses nya. Nakakatakot.

"Anu namang kailangan ko sayo?"

"Bakit di mo alamin?"

Pagkasabi nya nun biglang humangin ng malakas. Bumukas yung bintana sa CR. Napapikit na lang ako. Pagkadilat ko wala na sya.

"Kaye ok ka lang?" Nagulat ako kay Tin. Di ko namalayang lumapit sya sakin.

Hindi ko sya masagot. Napatingin lang ako sa kanya.

"Hoy!" Sigaw nya.

"Ok lang." Sagot ko.

Hindi na din nangulit si Tin. Tinignan nya na lang yung siko ko.

"Masakit ba?" Tanong nya.

"Medyo. Pero ok lang."

"Ganun ba. Sige. Uwi na ko Kaye. Baka hinahanap na din kasi ako ni Mommy."

"Teka! Hatid na kita."

"Hatid? Haha. Wag na Kaye ang lapit lapit lang eh."

"Hahatid kita Tin. Wag ng matigas ulo."

"Kaye. Kaya kong umuwi mag-isa."

"Sasamahan kita." Hinawakan ko sya. Hindi ko na sya binitawan hanggang makalabas kami ng bahay.

Napansin kong nakasunod din samin si Cass. Nagtataka din siguro sya sa ugali ko. Kanina pa ko di mapakali simula ng lumabas kami ng bahay. Palingon lingon ako sa paligid. Ang higpit ng hawak ko sa braso ni Tin.

Pagkadating namen sa bahay nila Tin ayoko pa ding umalis. Sumunod ako sa kwarto nya. Hindi ko alam pero ayaw ko pa syang iwan. Natatakot talaga ako baka pag-umalis ako magpakita sa kanya yung lalaking yun at baka kung anung gawin nya kay Tin. Feeling ko may kinalaman din sya kung bakit ganito si Cass ngayon.

"Kaye hindi ka pa ba uuwi?" Tanong ni Tin.

Hindi ako sumagot. Nakatingin lang ako sa kanya. Iniisip ko talaga kung bakit sa dami dami ng tao sa mundong pagkakainteresan ng lalaking yun. Bakit si Tin pa? Baka yung kotse kanina. Baka sya may gawa nun. Haayyyy. Nababaliw na yata ako kakaisip.

"Hoy Kaye! Anu bang problema mo? Bakit ba praning na praning ka?" Tanong nya.

"Pwede bang matulog dito?" Tanong ko.

Chasing PavementsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon