Hi guys!!!!
Whaaaaahhhhhh...
Daming pinagdaanan ng chapter na to! Nakakaloka. Nabura buong chapter na to kaya dapat ko pa ulitin. 😭😭😭
Iyak tawa na naman si author! Nanyari na din to sa last chapter ng TWO HEARTS before! Ang yes guys!!! Last chapter na to!! Ayoko na hahaha! So enjoy!!Thanks sa lahat ng nagsupport sa TWO HEARTS!!
Wala na kong maisip na picture na dapat iattached so yung bagong cover na lang ni idol KAYE CAL ang nilagay ko!
This is it guys!
Enjoy!
_________________________________________
TIN'S P.O.V.
Hinahabol nya ako.
Tumatakbo ako palayo sa kanya.
Hindi ko na alam gagawin ko. Alam kong may masama syang balak sakin. Gusto nya kong kunin pero hindi ko alam kung bakit. Hindi ko kilala kung sinu ako. Hindi ko alam kung nasan ako. Hindi ko na alam gagawin ko.
"Sinu ka ba? Anung kailangan mo sakin?" Tanong ko sa babaeng sumusunod sakin. Pero hindi sya sumasagot.
"Sinu ka ba?!" Sigaw ko. Hindi sya nagsasalita. Malapit na sya sakin nakatingin pa din ako sa kanya pero di ko nakikita muka nya.
"Sinu ka ba? Parang awa mo na kausapin mo ko? Anu bang ginagawa ko dito?" Pagkatanong ko nun sa kanya bigla syang huminto.
Hindi ko sya nakikita pero alam kong nakatingin sya sakin.
"Wag mo syang tignan." Nagulat ako ng may biglang nagsalita sa likod ko. Napatingin ako sa kanya.
Napaatras ako ng makita ko sya. Sobrang laki nyang lalaki. Nakakatakot yung boses nya.
"Sinu ka? Sinu ba kayo?"
Hindi sya sumagot. Nakatingin lang sya dun sa babaeng humahabol sakin kanina. Napatingin din ako dun sa babae. Umalis na sya. Hindi sya makalapit sakin dahil sa lalaking nasa tabi ko.
"Sinu sya? Kilala mo ba sya? Kanina ko pa sya tinatanong ayaw nya ko sagutin."
"Wag na wag kang lalapit sa kanya. Hindi sya makakatulong sayo."
"Anung ibig mong sabihin? Sinu ba sya? At ikaw. Sinu ka ba? At ako kilala mo ba ako? Sinu ako?"
"Ikaw si Tin." Simpleng sagot nya.
"Tin? Ako si Tin. Bakit mo ko kilala? Sinu ka ba? Nasan ba ko?"
"Hindi na importante kung sinu ako. Pero nandito ako para gabayan ka sa pagbalik sa pinang-galingan mo."
"Pinang-galingan ko? Anung sinasabi mo? Saan ako babalik?" Naguguluhan na talaga ako.
"Hindi ka dapat nandito. Bumalik ka. May mga naghihintay sayo."
"Naghihintay sakin? Sinu? At panu ko babalik? Hindi ko alam kung saan ako pupunta."
"Alam mo Tin. Alam na alam mo kung saan ka pupunta. Makinig ka lang. Pakinggan mo yung tumatawag sayo. Sundan mo kung nasan sya. Sya makakatulong sayo sa paglabas at pagbalik mo sa pinang-galingan mo. Pag nakita ka nya wag na wag mo syang bibitawan. Isasama ka nya pabalik. Pero isang bagay lang ang ipagbibilin ko sayo. Wag na wag kang lalapit sa babaeng itim. Dahil kapag nilapitan at nahawakan ka nya. Hinding hindi ka na makakabalik. Kahit kailan."
Hindi ako makapag-salita sa mga narinig ko. Hindi ko sya maintindihan ng maayos.
"Anung kailangan nya sakin?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
Chasing Pavements
Mistério / SuspenseMay mga bagay sa mundo na hindi naten alam na nangyayari talaga sa totoong buhay. Mga kakaiba at hindi kapani-paniwala. Panu kung isang araw malagay ka sa isang sitwasyon na sayo pa lang nangyayari at wala pang ibang nakakaranas? Panu ka kaya lalaba...