Hi guys!!
Sorry sa late update! Haha tapusin na naten to ng masimulan na yung bago haha 😂😂😂.
Enjoy!
_________________________________________
KAYE'S P.O.V.
Mag-iisang linggo na simula ng maaksidente si Tin. Hanggang ngayon umaasa pa din kame na gigising sya. Halos hindi na ako umuuwi ng bahay at hindi na din ako pumapasok. Ang dami ng nagtataka sakin kung bakit ba ganito na lang ako kung mag-alala at mag-alaga kay Tin. Hindi ko na lang sila pinapansin. Hindi din naman kasi nila ako maiintindihan.
Ilang araw na din akong pasimpleng bumabalik sa lumang bahay na nakita ko papunta kina Kiko. Wala lang akong lakas na loob na pumasok dahil baka hindi na ako makalabas. Alam kong mayron akong makikita sa loob ng bahay na yun na pwedeng makatulong sakin. Kailangan ko lang talaga ng makakasama. Hindi ko talaga alam kung bakit hanggang ngayon iniiwasan ako ni Kiko. Natatakot sya sa twing nakikita nya ko. Si Cass naman. Hindi ko na din sya nakikita. Wala na syang paramdam sakin hindi ko din naman alam kung bakit. Pakiramdam ko talaga mag-isa na lang akong gagawa at hahanap ng paraan para magising si Tin.
Kanina pa ako nakaupo sa tabi ni Tin. Umalis muna si Tita para bumili ng makakaen at itanong sa doctor kung anu-anu pa kailangan ni Tin. Ganito lang ako palagi pag ako lang kasama nya dito sa kwarto. Hawak ko lang sya sa kamay. Hinihimas sa ulo nya. Kinakausap ko sya at tinatanong sa kanya kung anung dapat kong gawin kahit alam kong hindi naman sya sasagot sakin. Pero nitong mga nakaraang araw madalas nagpapakita si Tin sa panaginip ko. Hindi ko alam kung dala lang ba yun ng pagka-miss ko sa kanya o baka mayron talaga syang gustong sabihin sakin. Pero anu yun? Hindi ko maintindihan kung bakit nakikita ko yung maamo nyang muka tapos paglalapit ako sa kanya pinapalayo nya ako na para bang gusto nya kong itaboy palayo. Bakit ayaw nya kong lumapit? Anu bang gusto nyang iparating sakin?
“Kaye. Eto na. Nakausap ko na yung doctor ni Tin. Baka pwedeng idaan mo na lang muna to sa bahay. Nakalimutan ko kasi yung mga documents na to sa kwarto nya pakikuha na lang. Ok lang ba?” Tanong ni Tita pagkapasok nya sa loob. May inabot syang listahan sakin.
“Ok lang po. Nasa kwarto nya lang po ba lahat to?”
“Oo. Inayos ko na yan nung isang araw nakalimutan ko lang dalhin. Pasuyo na lang ako ha. Salamat.” Nakangiting sabi nya sakin.
“Alis na po ako Tita.”
“Ingat ka ha.”
“Opo.”
Umalis na ako sa hospital. Nagmamadali na din akong magmaneho papunta sa bahay nila Tin. Ganito ako palagi pag-aalis ako ng hospital nagmamadali din ako. Gusto ko kasi agad makabalik baka sakaling magising na si Tin.
Ilang minuto lang nakarating na agad ako sa bahay nila Tin. Ganun pa din gaya ng dati medyo madumi nga lang kasi wala ng oras para makapaglinis pa si Tita. Dumaretso na agad ako sa kwarto ni Tin. Hinanap ko yung mga pinapahanap sakin ni Tita. Medyo madaming papel hindi ko alam kung anu-anu mga kukunin at dadalhin ko kaya binabasa ko muna isa-isa pero para makasigurado ako dinala ko na lang lahat. Lumabas na ako sa kwarto ni Tin. Nagmamadali na akong pumunta sa kotse ko. Bubuksan ko na sana yung pinto ng kotse ko ng mapansin kong naiwan ko yung susi sa table ni Tin. Bumalik ako para kunin.
Paakyat na sana ako ng hagdan ng mapahinto ako dahil sa hangin na naramdaman ko sa harap ko. Nakakapagtaka kung bakit nakaramdam ako ng hangin. Nakasara naman lahat ng bintana at pinto. Kinabahan na naman ako pero hindi ko na lang masyadong pinansin. Dumaretso na lang ako sa pag-akyat. Bubuksan ko na sana yung pinto ni Tin ng may marinig akong kakaiba sa loob ng kwarto nya.
BINABASA MO ANG
Chasing Pavements
Mystery / ThrillerMay mga bagay sa mundo na hindi naten alam na nangyayari talaga sa totoong buhay. Mga kakaiba at hindi kapani-paniwala. Panu kung isang araw malagay ka sa isang sitwasyon na sayo pa lang nangyayari at wala pang ibang nakakaranas? Panu ka kaya lalaba...