"Cass." Nakangiting sabi ko.
Lumapit sya samin.
"Tin. Si Cass." Nagtago sa likuran ko si Tin. Natakot sya.
"Sinu sya Kaye? Bakit may kaibigan kang gaya nya?"
"Kasasabi ko lang Tin. Sya si Cass. Wag kang mag-alala mabaet sya. Hindi ka nya sasaktan."
"Nakikita mo din ako?" Tanong ni Cass kay Tin. Hindi makasagot si Tin. Nakatago pa din sya sa likod ko.
"May third eye sya. Nakakakita sya ng multo." Ako ng sumagot kay Cass.
"Anung ginagawa mo dito? Bakit nandito ka? Anung kailangan mo kay Kaye?" Tanong ni Tin.
"Hindi ko alam. Wala akong alam." Sagot ni Cass.
Malungkot na naman muka nya. Nalulungkot sya pag twing natatanong sya ng ganun. Kung sa bagay naiintindihan ko sya. Yung pakiramdam na hindi mo alam yung purpose mo kung bakit nandito ka pa. Mahirap yun para sa kanya. Hindi matahimik yung kaluluwa nya kaya nandito pa sya. At hindi nya alam kung anung gagawin nya para makaalis sa mundong to.
"Panung hindi mo alam? Malamang may misyon ka pa na dapat tapusin pero dapat alam mo yun! Anu ka may amnesia na multo?" Tanong ni Tin. Medyo nagiging hard na sya kay Cass.
"Tin. Ayusin mo mga tanong mo. Nasasaktan din sya." Sabi ko kay Tin. Umalis na sya sa pagkakatago sa likod ko.
"Baliw ka ba Kaye! Ang mga multo hindi na nasasaktan. Kahit nga hilain ko buhok nya hindi nya mararamdaman eh. Hindi mo nga rin sya mahahawakan." Pagkasabi ni Tin nun. Lumapit ako kay Cass at hinawakan ko sya sa kamay.
"Pero bakit nagagawa ko to?" Tanong ko sa kanya. Tinaas ko kamay ni Cass.
Hindi na nakapagsalita si Tin.
"Anu Tin? Matutulungan mo ba kami?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi ko alam. Pero. May kilala ako na baka mas makatulong satin." Sagot nya.
"Sinu?" Tanong ko.
"Si Kiko." Sagot nya.
"Sinu si Kiko?"
"Basta. Sumunod kayo sakin." Sabi ni Tin sabay alis.
Pasunod na sana ako kay Tin ng bigla akong hawakan ni Cass. Pinigilan nya ko.
"Kaye."
"Cass. Tara na. Kailangan mo to." Sabi ko.
"Hindi Kaye. Sa tingin ko hindi tama to."
"Ha? Anu bang sinasabi mo? Tara na Cass. Eto na to. Malay mo malaman na natin yung reason kung bakit nandito ka pa at kung bakit nanghina ka kanina."
"Hindi Kaye. Hindi tama na maraming makakita sakin. May naaalala ako. Yung sinasabi ko sayo na nakausap ko. Naaalala ko sabi nya sakin dapat walang makakita at makaalam na nandito ako. Bukod sa isang taong unang makakakita sakin. At ikaw yun. Ikaw lang dapat nakakakita sakin Kaye. At wala ng iba. Hindi tama na nagpakita ako sa kanya." Nakatingin sya kay Tin.
Natahimik lang ako. Hinihintay kami ni Tin sa labas. Hindi ko alam sasabihin ko sa mga narinig ko kay Cass. Mas lalo akong naguluhan sa mga nangyayari. Pakiramdam ko may importanteng bagay na kailangang gawin si Cass kaya sya nandito. At may mahalagang parte ako dun. Pero anu yun?
"Kaye?" Tawag ni Tin.
Lumabas ako. Binitiwan ako ni Cass.
"Hindi na kami sasama. Tin. Ipromise mo na walang makakaalam nito. Sa ating dalawa lang to. Ok?"
BINABASA MO ANG
Chasing Pavements
Mystery / ThrillerMay mga bagay sa mundo na hindi naten alam na nangyayari talaga sa totoong buhay. Mga kakaiba at hindi kapani-paniwala. Panu kung isang araw malagay ka sa isang sitwasyon na sayo pa lang nangyayari at wala pang ibang nakakaranas? Panu ka kaya lalaba...