CHAPTER 1: ALONE

2.1K 125 51
                                    

“Naglalakad akong mag-isa. Hindi ko alam kung saan ako tutungo.

Hindi ko alam kung saang lupalop ng mundo ako naroroon.

Hindi ko kilala sarili ko. Hindi ko alam pangalan ko.
Hindi ko alam bakit ako nandito.

Mag-isa lang ako. Anu bang rason ng pagparito ko?
Anu bang gagawin ko?.”



*****




KAYE’S P.O.V.

Naglalakad ako sa isang madilim na kalye. Naiinis ako sa mga kaibigan ko. Iniwan nila ako. Di man nila naisip na hindi pa ako nakasakay sa Van namin. Wala man lang nakaalala sa kanila na ‘Ay si Kaye wala pa’.

Haaaayyy. Kung minamalas ka nga naman. Bakit ba kasi sumama pa ko sa Gig nila. Wala naman pala akong kikitain. Nagpakapagod lang ako. Walang mga sasakyan. Bakit ba kasi magubat tong lugar na to? Nakakatakot.

Napahinto ako sa pag-lalakad. Napatingin ako sa kalyeng dinadaanan ko. Hindi ko alam kung tutuloy pa ba ako. Gusto kong umatras at bumalik na lang sa Bar na pinanggalingan ko pero sobrang layo ko na. Sobrang dilim. Nakakatakot. Tumatayo balahibo ko sa ihip ng hangin. Nilamig ako bigla hindi ko alam kung bakit.

Dumaretso lang ako sa paglalakad. Nagmamadali ako. Para akong tangang palingon lingon sa likuran at sa paligid. Pakiramdam ko may sumusunod sa akin. Napahinto ako at napatingin sa likod parang may tao pero wala. Kaya naglakad na lang ulit ako. Pero pagkaharap ko.....


“WHAAAAAHH!!!”

Napasigaw ako. Laking gulat ko sa matandang babae sa harap ko. Saan sya galing di ko sya nakita kanina. Sa sobrang takot ko tumakbo ako. Halos maitulak ko yung matanda palayo.

Tumakbo lang ako. Hindi ko na tinitignan dinadaanan ko. Medyo bumagal ako sa pagtakbo ng masigurado kong malayo na sya. Hinihingal na ako. Huminto ako. Napayuko ako sa pagod. Nakahawak ako sa tuhod ko. Parang hihimatayin ako sa pagod.

Nang makapagpahinga na ako ng konti. Naglakad na ulet ako. Pagkatingin ko sa harapan ko may isang babaeng nakatingin sa akin. Napatingin din ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero parang hindi ko maalis tingin ko sa mata niya. Hindi katulad ng reaksyon ko kanina. Hindi ako napasigaw sa takot. Wala namang nakakatakot sa kanya.

Maganda sya. Para syang anghel na bumaba sa lupa. Saktong sakto sa puting suot nya. Hindi sya nagsasalita. Nakatingin lang sya sakin.

“Miss? Anung ginagawa mo dito? Bakit mag-isa ka?” Tanong ko. Nagulat sya sa tanong ko. Hindi ko alam kung bakit. May nakakagulat ba sa tanong ko?

“Hindi ko alam.” Sagot niya. Ang ganda ng boses nya.

“Ok. San ka ba galing? Hindi kasi kita nakita kanina. Dito ka lang ba nakatira?” Tanong ko.

Hindi nya ko sinagot. Nakatingin lang sya sa likuran ko. Napatingin ako sa direksyon ng tingin nya. Bumilis na naman tibok ng puso ko. Kinabahan na naman ako. Yung matandang babae nakasunod pa din sya sa akin.

“Kilala mo ba siya?” Tanong nya.

“Hindi.” Hinawakan ko sya sa kamay. Hinila ko sya. Tumakbo kaming dalawa.

Pagod na ako kakatakbo. Parang walang katapusan tong kalyeng dinadaanan namin. Nasan na ba kami? Huminto ako. Napatingin ako sa kasama ko. Nagulat ako na parang wala lang sa kanya na tumatakbo kami. Parang di sya napapagod.

Chasing PavementsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon