CHAPTER 19: KIKO

1.2K 96 64
                                    




KAYE'S P.O.V.







"Hindi nya pa oras."


Nagulat ako ng may biglang nagsalita.


Malaking boses ng lalaki. Familiar yung boses nya.


Napatingin ako sa pinanggalinan ng boses.



Tama ako. Sya nga.




Nandito sya.































"Anung ginagawa mo dito? Bakit ka nandito? Anung sinasabi mong hindi nya pa oras? Sinu ka ba? Anung ginawa mo sa kanya?" Tanong ko sa lalaking hindi ko kilala hanggang ngayon.


Hindi sya sumagot. Nakatingin lang sya sakin.



"Sumagot ka! Ibalik mo si Tin!" Sigaw ko.



"Kaye? Sinung kausap mo?" Biglang nagsalita si Tita.



Napatingin ako kay Tita. Hindi ako makasagot sa kanya. Tumingin ulet ako sa lalaking kausap ko pero wala na sya.



"Kaye ok ka lang ba?" Tanong ni Tita. Lumapit sya sakin.



"Ok lang po. Sorry." Sagot ko.



"Baka pagod ka lang. Sige na umuwi ka na muna para mas maayos kang makapagpahinga."


Hindi ako naiintindihan ni Tita. Kung alam nya lang lahat ng nangyayari pero mas tama lang na wala syang alam para na din sa kaligtasan nya.


Napatingin ako kay Tin. Dapat lang talaga na hindi pa nya oras. Hindi ko kakayang mawala si Tin sakin. Naalala ko yung sinabi ni Cass sakin. Sinabi din sa kanya yun ng lalaki noon kaya nandito pa sya ngayon. Hindi ko lang maintindihan kung bakit si Cass yung tinuturo ni Kiko na may gawa nito kay Tin.

Pero napapaisip din ako pagnaaalala ko yung huling pagkikita ni Tin at Cass. Parang hindi sila OK. May problema kaya sila. Tama ba talaga lahat ng sinabi ni Kiko? Naguguluhan na talaga ako.


"Ok lang po ako Tita. Dito lang ako." Sagot ko.


Hindi na sumagot si Tita sakin. Sya naman pumalit sa pwesto ko.


Kinuha ko yung box ni Tin. Tinignan ko isa isa lahat ng libro na meron sya. Pero isa lang ang talagang gusto kong basahin. Yung librong nakita namen sa library. Hindi ko sya naiintindihan pero alam ko may isa pang libro si Tin na kayang itranslate to. At hindi nga ko nagkamali meron nga.





Lumipas ang isang oras ang sakit na ng mata ko sa kakabasa. Pero kahit papanu naiintindihan ko na yung libro. Pakiramdam ko nagiging katulad na ko ni Tin at Kiko.




Nakakagulat yung mga nalalaman ko dahil sa libro na to. Ang weird ng mga nakasulat. Halos lahat tungkol sa soul ng tao. Pero may mga ibang pages talaga yung libro na nawawala kaya siguro hindi matapos tapos ni Tin to dahil dun. Tinignan ko yung isang page na nakita ko kanina. May mga symbol ako na nakita. Parang familiar sakin yung symbol na to di ko lang maalala kung saan ko to nakita. Sinubukan ko namang basahin yung notebook na binigay ni Kiko. Nagulat ako nung unang buklat ko pa lang.
















































































































Chasing PavementsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon